SAM POV Malalim na ang gabi at nagpaalam na rin ang ilan sa mga bisita. Nagpasalamat naman kami sa kanilang pagdalo at sa dala nilang mga regalo. ''Zyne, pwede na rin ba tayong umalis?" tanong ko sa katabi kong si Zyne. Lumingon naman ito sa akin at nginisian ako na siyang ikina-pagtaka ko. ''Masyado ka namang excited para sa honeymoon,'' nakangising sabi nito kaya naman sinapak ko siya sa mukha. ''Aba't—" hindi makapaniwalang bigkas nito. "Hoy! nagiging bayolente ka na ha!'' sabi nito pero hindi ko siya pinansin sa sinabi niyang iyon. ''Kating kati na kasi ako sa make up at sa suot kong gown. Kanina pa!'' naiinis na reklamo ko sa kaniya. ''Kaunting oras pa," sabi nito kaya naman tumahimik ako. Lumingin lingon ako sa paligid at napansin ko na wala na pala iyong kapatid ni Zyne at ang

