SAMANTHA POV Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng office habang nasa loob naman si Zyne at si Mr. Damikoto. Hindi na kasi ako pinapasok ni Zyne sa loob dahil usaping business daw iyon at hindi ko rin naman daw sila maiintindihan. Sinabi ko naman sa kaniya na tutulungan ko s'ya kahit papaano pero hindi na raw at s'ya na raw ang bahala. Napahawak naman ako sa tiyan ko ng maramdaman ko na masakit ito. ''Gutom na ako,'' nakasimangot na sabi ko sa sarili ko bago napaupo sa lapag. ''Matatagalan pa kaya sila?'' tanong ko sa sarili ko bago sinubukan muli na sumilip sa may loob. Lumingon naman ako sa pasilyo ng floor na ito bago napagpasyahan na tumayo at maghanap ng pagkain. Hindi ko na talaga kaya! Saka hindi naman ako lalabas ng company. Hahanap lang ako ng pagkain. Habang naglalakad

