SAMANTHA POV ''Samantha, faster!'' sigaw sa akin ni Zyne kaya naman binilisan ko ang kilos ko. ''Wala na bang ibibilis 'yan?" tanong ni Zyne kaya sinamaan ko s'ya ng tingin bago ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. ''Oh ayan na po ang ipinag uutos n'yong folders,'' sabi ko at iniabot kay Zyne. Busy kasi si Zyne sa ginagawa n'ya sa harap ng laptop habang ako naman ay inuutusan n'ya ng kung ano-ano. Mamaya na kasing 8:00AM ang balik namin sa Company ni Tanders kaya naman medyo kailangan din naming kumilos nang mabilis. Kaninang umaga, pagkagising ko ay sobrang sama ng pakiramdam ko. Pero dahil ayaw ko naman na maka-dagdag pa sa iisipin ni Zyne ay hindi ko na lamang sinabi sa kaniya dahil baka hindi kami matuloy sa Company at maudlot ang investment. Alam ko pa man din ngayon kung gaano kahala

