Chapter 4

1132 Words
SAM POV Nakatulala akong nakatingin kay Sir Zyne na seryosong seryoso na nakatitig sa hindi makaimik na si ako. Seryoso ba siya? Ako? Siya? Gusto niya ako maging asawa? "S-Sir, mukhang nabibigla lang po kayo. H-hindi ko alam ang isasagot ko," pahina nang pahinang boses na sabi ko.Napabuntong hininga naman ito bago frustrated na hinilot ang kanyang noo at napatungo sa kanyang lamesa. ''M-may problema ba Sir Zyne?"  tanong ko. ''Nothing, it's just..." tila problemandong wika nito. "Si Dad kasi, gusto na nya akong mag asawa,'' sabi nito at tumingin sa akin. ''A-at ako ang g-gusto niyo?"   ''Yeah,'' sabi nito at napasinghap naman ako. ''S-Sir. H-hindi ko alam na gusto niyo po pala ako,'' sabi ko at nagulat naman siya. ''What?" tila naguguluhan na wika nito. "No! I-I mean, gusto ko na ikaw iyong magpapanggap na asawa ko para tigilan na ako ni Dad,'' pagpapaliwanagnito at ako naman ang nagulat. Mag papanggap? ''S-Sir?" nauutal na tawag ko. "Gusto niyong magsinungaling tayo?"   ''Partially yes," sabi nito pero tinignan ko lang siya. ''K-Kasi ganito iyan, Samantha. Kapag wala akong naging asawa within this month ay irereto ako ni Dad sa iba't ibang babae o kaya naman ay ipapakasal na kaagad niya ako at kapag nakasal na ako wala na! Habang buhay na akong nakatali sa babaeng iyon pero kapag pumayag ka. Puwede tayong mag file  ng annulment after one year. Kaya Samantha, please pumayag ka na,'' sabi nito. ''Kasi Sir Zyne—" ''Don't worry. I'll pay you sa gagawin natin. Isipin mo na lang trabaho mo na rin iyon. Easy lang naman, Samantha. Kapag lang naman nandiyan si Dad tayo magpapanggap but the problem is sa bahay ko na ikaw titira.'' Bayad? ''Magkano?"  tanong ko at napapangiti naman siya. ''Since one year ang sinabi ko ay meron kang 12 months at kada isang buwan ay bibigyan kita ng 30 thousand,'' sabi nito pero napanguso ako. ''50 thousand!"  sabi ko at nagulat siya. ''Grabe! Sobra ha!'' angal nito. ''Ikaw rin, bahala ka Sir. A-attend na lang po ako sa kasal nyo ng kung sino man ang babaeng iyon,'' sabi ko at papatalikod na sana pero nagsalita siya. ''Fine!" napipilitang wika nito. "50 thousand a month,'' sabi nito at nakangiti ko naman itong nilingon. ''Deal!'' sabi ko at lumapit sa kaniya bago nakipag-kamay. ''Grabe! Kakaiba ka talaga pagdating sa pera,'' sabi nito pero ngumiti lang ako at sinenyasan na niya akong lumabas pagkatapos. Tumango naman ako at tumalikod ulit bago ako nagtungo sa trash can at tinapon ang hawak ko. ''Sir, kung may kailangan po kayo. Nandito lang po ako sa labas ng pinto.'' Pagkalabas ko ng opisina ni Sir Zyne ay bigla akong natulala na napatingin sa kawalan at nanumbalik sa ala ala ko ang sinabi niya. G-Gusto niya ako maging asawa. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko bago  ko itinakip sa bibig ko at pinigilan ang aking sarili na sumigaw nang malakas habang nagtatatalon at pagkatapos ay pagod akong napasandal sa pader habang ngingiti ngiti. ''Samantha Fvcker,'' nakangiting sabi ko sa sarili ko at nagtatatalon naman ulit ako habang nakangiti. Habang busy ako sa pagpapantasya sa pagiging Samantha Fvcker ko ay natigil ako ng tinawag ako ng isang empleyado. ''Hoy Probinsyana!'' tawag nito kaya naman dali-dali akong napaayos ng tayo at tumingin sa papalapit na siya. ''A-Ako ba?"  tanong ko sabay turo sa sarili ko. ''Obvious ba?" mataray na wika nito. "Ikaw lang naman ang probinsyana rito,"  sabi nito at kaagad naman akong napapikit ng balakin ako nitong hampasin. ''M-May kailangan ka ba?"  tanong ko at kaagad naman nitong pwersahan na ibinigay sa akin ang sobrang daming folder na may makapal na papeles sa loob. ''A-Ano'ng gagawin ko dito?"   ''I-xerox mo iyan lahat,'' utos nito at nagulat naman ako. ''P-Pero teka akala—" ''Hep!" pag-awat nito sa akin bago ko pa matapos ang sasabihin ko. "Wala ka namang ginagawa kaya sige na! At gusto ko na sa loob ng isang oras ay ibigay mo sa akin pagkatapos,'' sabi nito. ''Pero hindi ito kaya ng isang oras,'' sabi ko habang binubuklat ang mga hawak ko. ''Oh? Problema ko?"  tugon nito bago ako inirapan at tumalikod. Gulat ko na lamang itong sinundan ng tingin dahil sa ginawa niya at ibinalik ang tingin ko sa mga papel na hawak ko. Matapos ko kaya ito? Dahil ayoko naman na may masabi sila sa akin ay sinunod ko na lang siya. Kaagad akong nagpunta kung saan nandoon ang xerox machine at madaliang nag xerox pero dahil sa kapalpakan ko ay nagkahalo-halo na ang mga papel. ''Ohmy! Lagot ako!'' sabi ko sa sarili ko at  malungkot na tumingin sa mga nagkalat na papel. Tinignan ko isa isa ang mga ito at laking pasalamat ko ng may palatandaan ang mga ito kagaya na lamang ng mga nakalagay sa itaas na kung tungkol saan ito. Habang nag se-xerox ako ay siya namang pag-asikaso ko sa mga papel. Kahit na medyo na bo-bored na ako at nangangalay na ang mga kamay ko ay pinilit ko pa rin matapos pero kagaya nga ng sabi ko ay hindi ko kaya. Hindi ko natapos sa loob lamang ng isang oras. Nakatitig lamang ako sa xerox machine habang busy ito sa pag xerox sa mga papel ng mapatingin ako sa labas at halos matakot ako ng makita ko siya. Iyong babae na nagbigay sa akin nito na galit na galit na. ''Hindi ba sinabi ko na pagkatapos ng isang oras?" namumula sa galit na sabi nito. ''P-Pero sinabi ko din sa'yo na hindi ko kaya! Masyadong madami ang mga binigay mo,'' sagot ko at natigilan siya. ''Wow naman, Probinsyana girl. Sumasagot ka pa!'' sabi nito at kaagad naman akong napahakbang palayo. ''H-Hindi ko naman sinasadya,'' sabi ko sa natatakot na boses. ''Hindi mo sinasadya?" pagtatanong nito. "Puwes, ito sinasadya ko!'' sabi nito sabay hawak niya sa buhok ko nang sobrang higpit bago ako itinulak sa mga kahon sa gilid na walang laman. ''Alam mo ba na dahil sa pagkabagal mo ay hindi ko na maipapasa iyan sa meeting? Kasalanan mo!'' paninisi nito sa akin. ''Teka!" pag-awat ko sa sinabi niya. "Paano ko naman naging kasalanan? Sa pagkakaalam ko ay personal assistant ako ni Sir Zyne at hindi ko trabaho ang ganito,'' sabi ko na ikinatigil niya.  Tama naman ako diba? Kay Sir Zyne lang naman kasi talaga. ''Ako ba talagang—" pero hindi na nya natuloy ang sasabihin niya ng may lumapit sa aming isang lalake. ''Sam, pinapatawag ka ni Sir Zyne,'' sabi nito at nagmadali naman akong umalis pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang masamang tingin sa akin n'ong babae. Personal Assistant ako ni Sir Zyne pero hindi ibig sabihin noon ay ako na rin ang gagawa ng trabaho nila! Ako na nga ang tumulong sa kaniya, ako pa ang nasaktan at kinagalitan niya sa trabaho na siya ang dapat na gumagawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD