ZYNE POV
Abala ako sa pag aasikaso ng mga papeles na nasa lamesa ko pagkatapos umalis ni Sam kanina. I admit that I can't fvcking believe na sinabi ko iyon kanina! For pete's sake! Ilang linggo pa lang ang nakalilipas simula noong tuluyan ko siyang makilala!
Napapikit naman ako ng mata bago napahawak kaagad sa aking noo at marahan ko itong hinilot bago ko muling iminulat ang mata ko at pagkatapos ay kaagad nadako ang paningin ko sa drawer ko. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ito o hindi pero sa huli ay nanaig ang kagustuhan kong buksan ito. Hinawakan ko sa hilahan ang drawer bago ko ito binuksan at malungkot kong kinuha ang picture frame kung saan nakalagay ang picture niya.
Kyla Suzzane Bright.
Dahan-dahan kong pinasadahan ng daliri ko ang litrato niya at hindi ko naman maiwasan na malungkot. Pinakatitigan ko ang picture niya at nakaramdam ako ng awa sa sarili ko.
Talunan ako. Nasa akin na pero pinakawalan ko pa.
''Bakit ba hanggang ngayon ikaw pa rin?" tanong ko habang nakatitig sa kaniyang litrato. "Bakit ba hanggang ngayon mahal pa rin kita?" wala sa sariling sabi ko habang nakatingin lang sa picture.
Naalala ko na naman ang araw nang kasal nila. Ang araw kung saan tuluyang nadurog ang puso ko dahil sa kinasal siya sa kapatid ko.Sa totoong anak ni Dad, sa legal na asawa nito. Napatawa naman ako nang kaunti ng maalala ko na pinagana ko ang pagiging artista ko. Kunwari masaya. Kunwari naka move on na. At kunwari na nakalimot na.
''Hawak mo na naman iyan.''
Kaagad naman akong napatigil at dali-daling itinago ulit ang litrato ni Kyla bago tumingin sa nagsalita at ito na naman siya.
''Akala ko ba okay ka na? Masaya ka na?" tanong nito bago lumapit sa kinaroroonan ko at umupo sa upuan na nasa harapan ng lamesa.
''Okay lang ako Dad,'' sabi ko bago ibinalik ang tingin ko sa laptop ko at nagkunwaring may ginagawa.
''Iyan ba ang mukha ng masaya, Zyne?"tanong nito sa akin at hindi naman ako naka-sagot. "Masaya na iyong babae sa kapatid mo. Irespeto mo na lang sana,'' sabi nito. I know. Kasalanan ko rin naman eh. Hindi ako sumagot sa sinabi nya bagkus ay nag tipa na sa aking laptop. ''By the way, Zyne. Kumusta na? May natitipuhan ka na ba? Ayoko naman na tumanda kang binata! Lagi ka na lang nandito sa opisina mo at baka isang araw magulat na lang ako na gusto mong magpakasal sa mga papeles mo,'' sabi ni Dad kaya napatingil ako at tumingin dito.
''Dad, I told you. Dadating tayo diyan, but please!'' sabi ko.
''Zyne, anak. Inaalala lang naman kita. Hindi ka na menor de edad! Hihintayin mo pa ba na umabot ka nang singkwenta bago makapag asawa? Mahirap mabuhay mag isa. Mahirap na walang mag aalaga sa'yo kaya kung ako lang talaga. Irereto na kita sa—"
''Dad, about that..." pagtawag ko. "... I think mayroon na akong nagugustuhan,'' sabi ko at napatigil naman siya bago napangiti.
''What a good news, Son!" napa-palakpak sa tuwa na wika nito dahil sa narinig. "Sino siya?" tanong nito.
''My secretary,'' sabi ko at nagulat siya.
''Are you sure, Zyne?" nakakunot ang noo na tanong nito. "Baka naman niloloko mo lang ako at gusto mo na tigilan kita sa pagrereto sa mga anak ng business partners na kilala ko?''
''No Dad," pagtanggi ko sa kaniyang sinabi. "I-I think may g-gusto nga ako kay Sam. You know na ilang linggo na siyang nag ta-trabaho rito and napansin ko naman na masipag siya, mabait, madaling kausap at maalaga sa trabaho niya,'' sabi ko at napatango siya.
''If you say so... Alam na ba niya?" tanong ni Dad.
''S-Siguro?" pagku-kunwari ko. "Nakapag-usap kami kanina at sinabi ko na gusto ko siya."
''Then, ano ang sagot niya?" tila excited na tanong nito sa akin.
Sasabihin ko ba na nauto ako ng Probinsyanang iyon para bayaran siya ng 50 thousand sa pagpapanggap? Of course not!
''Nothing. Nagmadaling lumabas pagkasabi ko. Kinilig yata,'' sabi ko at natawa siya.
''I better talk to her. Ipatawag mo siya Zyne!''
''What? W-Why?" gulat na tanong ko. "Dad, sabi ko naman! Okay na. Nasabi ko na so why bother to—"
''Anak," pagtawag sa akin ni Dad. "I just want to confirm it. Come on, Zyne!'' sabi nito at napailing na lang ako bago tumawag sa baba para ipatawag si Probinsyana at tigilan na ako ni Dad.
Ilang minuto ang nakalipas pagkatapos kong tumawag ay may kumatok sa pinto bago binuksan ito at sumilip si Sam.
''S-Sir, pinapatawag nyo daw po ako?" tila kinakabahan na tanong nito.
''Yes, and please come in,'' sabi ko at pumasok naman siya.
''Have a seat,'' sabi ko at itinuro ang katapat na upuan ni Dad.
''Tungkol saan po ba, Sir?"
''About—" ngunit hindi ko pa naitu-tuloy ang sasabihin ko ng sumingit si Dad sa usapan.
''Samantha iha," pagtawag ni Dad. "Is it true na nag confess ang anak ko sa'yo?" nakangiting tanong ni Dad kaya naman gulat na napatingin sa akin si Sam at sinenyasan ko naman siya na maki-oo na lang.
''Y-Yes Sir,'' sagot nito.
''That's great!" natutuwang wika ni Dad dahil sa naging sagot nito. "So, ano ang masasabi mo?"
''Sir sa katunayan—"
''Dad, I've told you na wala siyang sinabi dahil sa kilig niya ay lumabas kaagad siya.''
''What!?" gulat na sabi ni Sam pero tinignan ko lang ito at napatungo naman siya.
''T-Totoo po iyon, Sir. Ki-Kinilig po kasi ako," tila napipilitan na sabi nito at napatawa naman si Dad.
''Ganoon ba?" pagtatanong nito. "So, ano ang sagot mo ngayon? May nararamdaman ka rin ba sa anak ko?"
''Po?"
What? Bakit ayaw na lang nito sumang-ayon sa lahat?
''I said, kung may nararamdaman ka na rin ba para sa anak ko? You know, Samantha iha..." pagisismula ni Dad at hindi maganda ang kutob ko sa sasabihin nito. "Nabigo ang anak ko sa una niyang pag ibig so I hope na sa pangalawang pagkakaton ay hindi na.''
''Dad!" pag-suway ko sa kaniyang sinabi. Kailangan ba talagang sabihin pa iyon?
Tumingin sa akin si Sam kaya naman napatingin din ako dito at napakunot ang noo ko ng makita ko na tinitignan ako nito daretso sa mata ko bago sumagot.
''Yes Sir, I am madly and deeply inlove with your Son. I'm in love with Mr. Zyne Fvcker,'' sabi ni Sam at napanganga naman ako.
S-She what!?