SAM POV
''Yes Sir. I am madly and deeply inlove with your son. I'm in love with Mr. Zyne Fvcker,'' seryosong sabi ko kahit na sa totoo lang ay kinakabahan na ako.
Hindi kasi ako sanay magsinungaling kaya lubos kong ipinagdadasal na sana ay hindi mahalata ni Mr. Zion na nagsisinungaling ako. Si Sir Zyne naman kasi kung anoano'ng kalokohan ang alam!
Nakangiti namang napapalakpak si Mr. Zion sa narinig niya at natutuwang humarap kay Sir Zyne na nakangangang nakatingin sa akin. Omo! M-Magaling ba ang arte ko? Nagalingan ba siya? Dapat may bonus ito.
''Son, congratulaions!'' masayang sabi ni Mr. Zion sabay tayo at lumapit kay Sir Zyne upang yakapin ito.
''Thank God at sa wakas ay magkaka asawa ka na!'' sabi nito na ikinagulat ko.
Aasawa? Agad agad? Bakit ang bilis?
Lumingon ako kay Sir Zyne na natuod na yata kaya naman ay pinanlakihan ko ito ng mata para siya ang sumagot sa sinabi ng Tatay niya. Natauhan naman ito bago tumikhim at humarap sa tatay niya.
''Dad, kakasabi pa lang ni Sam na m-mahal niya din a-ako and I think masyado pang maaga para pag usapan iyan,'' sabi nito at napatango ako.
''You think so?" tanong ni Sir Zion. "Then kailan niyo pag uusapan? Zyne, tumatanda na ako and gusto ko na habang nakakalakad pa ako ay mapanuod kitang naghihintay sa may altar para hintayin ang magiging asawa mo.''
''But Dad!'' pag-angal ni Sir Zyne.
''M-Mr. Zion, hindi naman po sa nakikialam ako sa usapan niyo p-pero sa tingin ko po ay masyado pang maaga and matagal po kasing mag plano ng kasal,'' sabi ko.
''Don't worry, Iha. Ayos na ang iba para sa kasal niyo. Petsa na lang at mga isusuot niyo ang problema kaya naman mabilis na!'' sabi nito at napanganga ako.
A-Ano raw? Pareho kaming napalingon ni Zyne sa isa't isa bago namin sabay na ibinalik ang paningin namin sa ngingiti ngiting si Mr. Zion.
''P-paano—"
''Dad, Ppaano nyo nagawa?" tanong ni Sir Zyne.
''I have my ways, Son. Kaya come on! Para saan pa at patatagalin niyo kung sa huli ay iyon at iyon din naman ang mangyayari?" tanong ni Sir Zion.
Sasagot pa sana ako ng mapatahimik ako dahil sa pag-ring ng telepono ni Sir Zion. Sandali itong may kinausap sa phone at pagkatapos ay ibinaba na.
''Oh siya, I will go now but Zyne and Sam. I want to get your answer kung kailan ang napili niyong date para sa kasal niyo the day after tomorrow,'' sabi ni Mr. Zion at hindi na kami nakapalag pa ng madali itong lumabas.
Pagkalabas ni Mr. Zion ay nakahinga ako nang maluwag bago problemadong tumingin kay Sir Zyne.
''S-Sir. P-Paano na iyan?" tanong ko. Napabuntong hininga naman ito at napaupo sa upuan niya.
''I don't know. Wala na akong maisip Sam. I think pag isipan na lang natin iyong date kung kailan ang kasal,'' sabi nito.
Puwede pa kayang mag back out?
''Ah, Sir Zyne—"
''No Samantha, kung sasabihin mo na aatras ka, too late sweetheart,'' nakangising sabi nito na ikinagulat ko.
B-Bakit ang sexy ng ngiti niya?
Ilang oras naming pinag isipan ni Zyne ang araw kung kailan magaganap ang 'kasal' namin and yes, 'Zyne' na lang daw ang itawag ko dahil kapag daw Sir Zyne ay baka daw magtaka ang mga tao.
Sinabi rin ni Zyne na dapat daw ay ngayong month namin i-set ang date pero siyempre umangal ako pero ang sabi niya ay kung papa-aga-hin daw namin ang date ay mabilis daw matatapos ang one year which is sumang-ayon na lamang ako at ang napili naming date? 23!
Noong una nga ay nag aaway pa kami dahil gusto ni Zyne na sa 25 daw pero umiling ako at sinabi ko na 23 na lang. Bakit 23? Para naman mapatunayan natin na totoong may naghihiwalay sa date na iyon.
Like Mag b-break din kayo sa twentitri!!... Walang Poreber!!
At nang mapa-payag ko na si Zyne na sa 23 na lang ay sinabihan na niya ako na lumabas na daw pero wag daw akong aalis sa labas ng office niya.
Nandito ako sa may labas ng pinto ng office niya dahil ang sabi niya ay ayaw niya raw ako ro'n sa loob. Ang galing, hindi ba!? Sinabi ko nga na mag iikot-ikot ako pero umiling siya dahil kahit daw na magiging asawa na niya ako ay P.A pa rin daw niya ako kaya naman ito ako ngayon, badtrip na nakaupo sa lapag malapit sa office niya. Para tuloy akong aso na nagbabantay sa bahay ng amo ko!
Nakapahalumbaba na lamang ako habang bored na tinitignan ang mga langgam na nakapila sa may gilid ko habang sabay-sabay na naglalakad. Ano ba iyan! Bakit may langgam? Hindi ba naglilinis ang mga tauhan dito? Ilang oras pa ang lumipas nararamdaman ko na unti-unti na akong nakakatulog dahil sa pagka-bored ko at tama nga ako dahil unti-unti ng nagdilim ang panigin ko.
ZYNE POV
Tinapos ko na ang huling presentasyon na gagawin ko dapat bukas pero naisipan ko na gawin na ngayon. Napatingin ako sa orasan at nakita ko na 10 na pala nang gabi.
''Napasobra ako sa trabaho,'' sabi ko sa sarili ko at iniligpit na ang gamit ko bago ako lumabas pero nagulat ako ng makita ko si Sam na nakasalampak na sa sahig at ginawa itong kama.
''Kahit kailan talaga!'' hindi makapaniwalang sabi ko nang makita ko siya. Lumapit ako rito bago ko siya pinakatitigan. Itinaas ko ang paa ko bago ko idinikit sa kaniya at ginising siya
''Samantha, gising!'' sabi ko habang patuloy ako sa pag-gising sa kanya gamit ang paa ko. Gumalaw naman ito kaya nilakasan ko ang pagtawag ko sa kaniya at laking pasalamat ko ng nagmulat siya ng kaniyang mga mata dahil ang akala ko ay kailangan ko pa siyang sipain para lang magising. ''Uuwi na tayo,'' sabi ko at nauna ng maglakad.
Pasakay na ako ng elevatorng lumingon ako sa kaniya pero nakita ko na naglalakad sya sa kabilang direksyon. Saan siya pupunta?
''Samantha, where are you going?" sigaw ko. Itinuro naman niya ang hagdan kaya hindi ako makapaniwalang tinignan siya. Seriously? Hanggang ngayon ba naman ay hagdan pa din? Sinenyasan ko sya na sasakay kami ng elevator pero umiling siya.
''Samantha, isa!'' nagbabantang sabi ko pero umiling siya ulit. Pinipikon ba ako nito? ''Samantha, mas mabilis kung sa elevator tayo.''
''Zyne h-hindi ko kaya. Nakakahilo diyan,'' sabi nito.
''I'm warning you Samantha DiMatulak!'' sabi ko at lumapit sa kaniya at ng makita ko na nagbabalak itong tumakbo ay napatakbo tuloy ako at hinabol siya.
''Samantha!'' tawag ko ng maabutan ko siya pero malakas ang ginawa nitong pagkapit sa pader para hindi ko siya mahigit.
"Zyne! H-hayaan mo na akong dumaan dito. Magkikita pa naman tayo sa baba kaya huwag mo akong mami-miss,'' sabi nito habang naka-kapit sa pader.
''What!?" hindi makapaniwalang sigaw ko. "Are you drunk!?" sabi ko pa at malakas siyang hinila bago kinaladkad palapit sa elevator.
''Z-Zyne p-pakiusap! A-ayoko diyan!'' naiiyak na sabi nito pero hindi ko siya pinansin at madali kong ittinuro ang elevator ng bumukas ito at sinenyasan siyang pumasok.
Dahan-dahan namang napatungin si Samantha sa loob ng elevator bago nangangatog na inihakbang ang paa pero dahil mainipin akong tao... itinulak ko siya papasok.
''Zyne!'' sigaw nito at nagmadaling kumapit sa sulok.
Hindi ko naman maiwasan na matawa dahil sa inakto niya. Napapailing kong pinindot ang button para sa ground floor at sa tuwing madadaanan namin ang bawat floor ay kanda sigaw si Samantha.
Ang ingay niya! Nang bumukas na ang pinto dahil nasa Ground Floor na kami ay nilingon ko si Samantha na nakatulala sa kawalan at parang hindi makapaniwala.
''Hey, nandito na tayo,'' bored na sabi ko. Napataas naman ang isang kilay ko habang sinusundan ang bawat kilos niya nang wala yata sa sarili nyang inihakbang ang paa niya at tahimik na lumabas ng elevator at meydo nanginginig pa. ''Are you okay, Samantha?" tanong ko at hinawakan siya.
Nanlalaki naman ang mata niyang napatingin sa akin kaya naguluhan ako.
''H-Huwag mo na ulit akong isasama ro'n, Zyne.''
Natakot ba siya?
''Why? Hindi ka naman napaano ah."
''Pisikal hindi pero nahilo ako ro'n, Zyne,'' sabi nito kaya napatawa ako.
Tawa ako nang tawa sa sinabi niya ng mapansin ko na parang namangha siya ng makita niya akong tumawa kaya naman napaseryoso ulit ako.
''Baliw! Normal lang iyon para sa first timer na kagaya mo o kaya naman hindi ka sanay but believe me. Magiging okay din ang pakiramdam mo kapag nasanay ka,'' sabi ko at tumango siya.
SAMANTHA POV
Nakasakay na ako ng kotse ni Zyne at ihahatid na niya ako sa apartment ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang nangyari sa akin kanina sa elevator. Ewan ko ba pero pakiramdam ko na biglang nagta-taas at baba? Kaya naman hindi ko maiwasan na mapasigaw. Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang pagtawa ni Zyne kanina. H-hindi ko inaasahan na tatawa siya ng gano'n. Napangiti naman ako ng maalala ko.
''Kunin mo na lahat ng gamit mo sa loob at bumalik ka rito,'' sabi nito kaya napalingon ako dito at hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng apartment.
''Huh? Bakit?" naguguluhan na tanong ko.
''Because starting today, sa mansion ka na titira kasama ko. You're living with me,'' sabi nito na ikinagulat ko.
''Seryoso ka!?" gulat na sigaw ko at tumango siya.
Gad! Ako at siya? Mansion? Oh god!