SAMANTHA POV
Nakanganga at namamangha ako ngayon dito sa may loob ng bahay ni Zyne pagkapasok ko rito. Inilibot ko ang paningin ko at hindi ako makapaniwalang napatingin sa mga ari-arian niya rito sa bahay at halos mamilog nang todo ang mata ko ng mapatingin ako sa sahig dahil sa sobrang kinis at kintab nito. Jusko, ito na ba ang mansion niya?
''Itikom mo iyang bibig mo. Baka matuluan ng laway mo ang sahig ng bahay ko,'' sabi ni Zyne na kapapasok lang sa may pinto dahil inayos pa nya ang kotse nya sa labas kanina.
Nilampasan naman ako nito at umakyat sa hagdan kaya naman namamangha akong napatingin sa kaniya. Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Zyne ay para akong sinaunang tao na hindi malaman ang gagawin ko. Ibang iba naman kasi ang disenyo ng mansion na ito sa opisina. Kung sa opisina ay namangha ako, ngayon naman ay manghang-mangha ako!
Pinakiramdaman ko ang paligid ko at dahan-dahan ko namang hinawakan ang maleta ko bago ko ito hinila at naglakad papunta sa sofa pero bigla akong napatigil sa napagtanto ko. Tinignan ko ang gulong ng maleta ko na nakasayad ngayon sa mamahaling sahig ni Zyne at ayoko naman na masayang ang ganda nitong sahig dahil lang sa maleta ko kaya naman ang ginawa ko ay lumapit ako sa maleta ko bago ko ito niyakap sa katawang bahagi bago ko ito malakasang binuhat. Sandali pa akong napapikit dahil sa bigat ng mabuhat ko ito bago ako maingat na naglakad palapit sa sofa.
Pagkarating ko sa sofa ay maingat ko itong ibinaba sa carpet na nandoon at nagda-dalawang isip pa ako kung uupo ba ako o hindi sa sofa pero sa huli ay nanaig ang kagustuhan ko na maramdaman ng pag upo ko ang kalambutan ng sofa. Dahan-dahan kong pinosisyon ang sarili ko para makaupo at ng makasayad na ang pang upo ko sa malambot na sofa ay hinayaan ko ang sarili ko na tuluyan ng makaupo at napa 'O' naman ang bibig ko dahil sa komportable ng nararamdaman ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas at para akong tuod doon na nakaupo lamang sa isang sulok na bahagi ng sofa at nagtitingin-tingin sa hagdan kung bababa ba ulit si Zyne. Saan ba niya ako patutulugin?
ZYNE POV
Inaantok kong iminulat ang mata ko at tinignan ang orasan na nasa tabi ko at maaga pa pero hindi na ako nag abala pang bumangon dahil linggo naman ngayon. Wala akong pasok sa opisina. Dahan-dahan ko ulit ipinikit ang mata ko ngunit sandali lamang iyon ng maalala ko na may kasama na nga pala ako dito ngayon sa bahay. Si Samantha. Kaagad akong napabalikwas ng pagkakahiga bago ako dali-daling lumabas ng pinto ng kwarto ko at pagkababa ko ng hagdan ay halos malaglag ang panga ko sa sahig dahil sa nadatnan ko. Si Samantha na malakas na humihilik na natutulog sa sofa habang nakataas pa ang isa nitong paa sa sandalan.
W-What the F*ck!?
Tinagpo ko ang pagitan naming dalawa at ng makalapit na ako ay pinasadahan ko siya ng tigin at alam ko na halos hindi na mawari pa ang ekspresyon sa mukha ko. Kung kanina ay halos malaglag na ang panga ko sa sahig dahil sa ayos nang pagkakatulog niya ay ngayon naman ay halos mapa mura ako dahil sa nasaksihan ko ulit dahil sa kaniya.
''Samantha!'' malakas na sigaw ko na nakapag pabalikwas ng bangon sa kaniya.
''Ma sunog!" natatarantang sigaw nito. "Tumawag kayo ng tubero!"
Tubero? Hindi ba dapat bumbero?
''Samantha!'' matigas na tawag ko sa pangalan niya at natigil naman siya sa kasi-sigaw na napatingin sa akin.
''S-Sir Zyne," pagtawag nito. "Linggo ngayon kaya napasarap ang tulog ko,'' nahihiyang sabi nito.
''Hindi iyon ang problema ko Samantha,'' sabi ko at napakamot naman siya ng ulo.
''A-Ano po ba ang problema?"
''Bakit diyan ka natulog?"
''Eh?" naguguluhan na wika nito."Hindi ba ako dito matutulog dapat?" naguguluhang tanong niya habang nakaturo pa sa sofa.
''At sino naman ang may sabi sayo na diyan ka matutulog?" medyo naiinis na tanong ko.
''W-Wala," mahinang sagot niya na tila napahiya pa. "A-Akala ko kasi Sir Zyne dito niyo ako pinapatulog kasi hindi niyo naman sinabi na may kwarto pala ako dito sa bahay niyo. Basta na lang kasi kayong umakyat sa hagdan kagabi tapos ilang minuto naghintay pa ako sa inyo kasi akala ko babalik kayo pero hindi na pala kaya akala ko talaga dito ako matutulog,'' mahabang explain nito sa akin.
''Mygad naman, Samantha!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Common sense na lang! Bakit hindi mo sinubukan na maghanap ng available na kwarto? Ayan lang Samantha! Ayan lang ang kuwarto,'' sabi ko sabay turo sa isang kwarto na nasa ikalawang palapag.
''P-Pasensya na Sir,'' sabi nito at napailing na lamang ako dahil sa sakit ng aking ulo.
''Fine. Pero may isa pa akong problema, Sam.''
''Ano iyon, Sir?"
''Look at that,'' sabi ko sabay turo ng nakakadiring bagay.
Lumingon naman siya ro'n at ng makita niya ang bagay na itinuro ko ay natigilan siya at nahihiyang tumingin sa akin.
''S-Sir Zyne, don't worry kasi hindi mabaho ang laway ko,'' sabi nito pero sinamaan ko siya ng tingin.
Tama raw ba na tuluan niya ng laway ang cover ng sofa ko!? Mygad! Sakit sa ulo!