SAMANTHA POV Isang oras na ang nakalipas simula nang pinaalis ako ni Zyne doon sa loob. Dala-dala ang isang plastic na may lamang softdrinks at isang chichirya ay kumakain akong naglakad pabalik doon sa meeting room. Siguro naman tapos na sila mag meeting. Pagkadating ko sa may meeting room ay saktong nagsisi-labasan na ang mga tao ro'n. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako sumilip ulit sa may glass window at nakita ko si Zyne na seryosong kausap si Shawn. Okay lang siguro kung papasok ako? Friends na naman kami ni Shawn, hindi ba? Binuksan ko ang pinto habang umiinom ng softdrinks sa plastic na nabili ko sa labas kanina ng mapatingin silang dalawa sa akin. Ngumiting kumaway sa akin si Shawn habang seryoso namang nakatingin sa akin si Zyne. O, teka, bakit parang galit na naman 'to

