SAMANTHA POV 6:30AM palang nang umaga ay nandito na kami ni Zyne sa kumpanya para i-prepare ang lahat ng kailangan niya sa meeting mamayang 8:00AM. Sinabihan din niya ako na i-double check ang mga papers na siya namang ginawa ko dahil ayaw raw niyang may masabi ang mga nasa Braux Company. ''Where is Seven?" tanong sa akin ni Zyne habang inaayos ko ang mga dadalhing papers mamaya. ''Hindi—'' ''I'm here!'' sabi ng kapapasok palang na si Seven sa office. ''Good morning, Zyne. Good morning Sammy,'' bati nito sa amin. ''Good morning din Seven,'' pagbati ko pero hindi bumati pabalik si Zyne. Psh, ano pa nga ba ang aasahan sa isang The Great Zyne Fvcker? ''Naayos mo na ba?" daretsong tanong ni Zyne kay Seven. ''Oo naman, Dude. Talagang pinagpuyatan ko 'yang presentation na 'yan na sinabi m

