SAMANTHA POV ''Nasisiraan ka ba?" tanong ko kay Zyne pero hindi niya ako pinansin. ''Woah," reaksyon ni Seven dahil sa narinig, "Dude, don't tell me na nagseselos ka?" nang aasar na sabi ni Seven. Tinanggal naman ni Zyne ang reading glasses niya at masungit na tinignan si Seven. ''Why would I?" walang emosyong tanong ni Zyne, "Iyang itsurang iyan, paseselosan ko? You're kidding me!" sabi ni Zyne at tinignan ako bago sumandal sa kaniyang swivel chair. ''Ang sakit mo magsalita, Zyne!" sabi ko sa kaniya pero wala man lang naging reaksyon. ''Is that so? Then, I hope you don't mind kung yayayain ko si Sammy na mag dinner mamaya sa labas?" pagtatanongni Seven na ikinagulat ko. Dinner? May pinag-usapan ba kaming dinner kanina? ''Dinner? Yayayain mo—" ''I don't mind. Kung gusto mo, huwag mo

