SAMANTHA POV ''Nasaan na ba kasi 'yon?" tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang pantalon ko sa loob ng bag ko. Nakasuot na ako ng panloob at t-shirt kaya naman pantalon na lang ang hinahanap ko. ''Ayon!'' sabi ko sabay hila ng pantalon. Inayos ko ang pag-upo ko at sinuot na ang pantalon pero medyo nahirapan ako dahil hindi ko maigalaw nang maayos ang katawan ko dahil masikip sa loob ng sasakyan ni Zyne. Hindi ako makatayo para maisuot ng maayos. ''Ano bang—'' ngunit hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang sabay kaming napasigaw ng lalake na nagbukas ng pinto ng kotse. T-T*ngina! Hindi ko pa naisusuot ng maayos ang pantalon ko! Kitang kita ang underwear ko!! "Zyne!'' malakas na sigaw ko at nakita ko na may biglang humila ro'n sa lalake kaya naman ginamit ko na ang pagkakataon n

