ZYNE POV Kaba, takot, pagsisisi, pangamba, at pagka-awa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang buhat-buhat ko ang asawa ko palabas ng bahay hanggang sa maisakay ko s'ya ng kotse. Tinawagan ko na rin sina Sevan at ang magkapatid kanina at sinabi ko na dadalhin ko si Sammy sa ospital malapit sa mansion. ''W-Wife, can you hear me? P-Please hold on," maiyak iyak na sabi ko. Natataranta ako at hindi ako makapag isip nang tama knowing na nahimatay ang asawa ko dahil hindi ko alam kung bakit. Wala na akong pakialam kung mabilis man ang pagpapatakbo ko sa sasakyan ko. Ang mahalaga ay ang maisugod ko ang asawa ko sa ospital. ''S-Samantha, please wake up. M-Malapit na tayo,'' garalgal na boses na sabi ko hanggang sa nakarating kami sa ospital. Binuhat ko naman ang asawa ko papas

