SAMANTHA POV Pagkatapos nitong magpakilala ay nakangiti naman akong humarap kay Elyse dahil 'yon daw ang pangalan n'ya. ''Pasensya na kung ikaw pa ang pinapunta namin dito,'' hinging paumanhin ko habang sine set up n'ya at ng mga kasama n'ya yung machine na gagamitin. ''Wala po 'yon, Ma'am,'' nakangiting sagot nito. ''Seven, kung nakakatunaw lang ang tingin. Tunaw na si Elyse,'' bored na sabi ni Zyne at napalingon naman ako kay Seven. ''H-Hindi ko s-sya tinitignan!'' depensa ni Seven habang namumula. Napangisi naman si Zyne sa sagot ni Seven pero sinamaan ko ito ng tingin para sabihin na tumigil na. ''Sige po, Ma'am. Mahiga na po kayo,'' sabi ni Elyse at tinulungan naman ako ni Zyne. ''Relax lang po kayo, Ma'am. Papahiran ko po muna ng cream ang tummy n'yo,'' sabi nito at tumango ak

