SAMANTHA POV ''Ako na Zyne,'' sabi ko sa kaniya. ''No. I insist. Ako na,'' sabi nito bago muling nilapatan ng yelo na balot sa isang tela bago inilapat sa leeg ko. ''A-Aray!" ''N-Napadiin ba?" nag-aalalang tanong niya kaya nilingon ko ito at halos mapatayo ako ng maalala ko na magkatabi nga pala kami ngayon dito sa sofa. Samantalang dati parang diring diri s'ya sa akin. ''Aaray ba ako kung hindi?" biglang sagot ko kaya nagulat s'ya at kumunot ang noo. ''What!?" galit na sabi nito. ''W-Wala,'' sabi ko at umiwas na lang ng tingin at ipinagpatuloy na nito ang ginagawa niya. Ilang minuto na n'yang idinadampi sa leeg ko ang yelo pero pinatigil ko na s'ya. ''Bakit?" nagtatakang tanong nito ''M-Malamig na masyado.'' ''Alright, ibabalik ko lang 'to. At ikaw, magpahinga ka na,'' sabi niya

