SAMANTHA POV Pagkalabas ko ng opisina ni Zyne ay nagtungo ako sa waiting area na hindi naman nalalayo sa opisina. Makailang minuto ng paghihintay ay tanaw-tanaw ko si Seven na lumabas kaya naman tumayo ako at sinalubong s'ya. ''Hi Sammy!'' bati nito at ngumiti ako. ''Aalis ka na?" pagtatanong ko. "Pero teka, si Zyne. Ano ba ang pinag usapan n'yo?" tanong ko pa at ngumiti lamang s'ya bago ginulo ang buhok ko. ''Wala 'yon. Sige na, pumasok ka na sa office. Mukhang may sasabihin sa'yo si Zyne,'' sabi nito bago nagpaalam. Naguguluhan man ay sinunod ko ang sinabi ni Seven at pumasok sa loob. Pagkabukas ko ng pinto ay sumilip muna ako at nakita ko si Zyne doon. ''Zyne?'' tawag ko bago pumasok sa loob. Tumingin naman ito sa akin pero hindi s'ya nagsalita. ''N-Nakausap ko si Seven, ang sabi

