ZYNE POV ''Ano, wala pa?" tanong ko kay Seven. ''Dude, wala pa. Nakakagulat pa rin at nawala lang ako nang ilang linggo tapos pagbalik ko ika-kasal na kaagad?" sabi nito bago tumawa. ''Tumahimik ka nga!'' suway ko dito bago naiinis na inayos ang suot kong puting coat. Kagaya nga ng sabi ko noon ay mga relatives lang ang bisita at Oo. Nandito sila. Si Uno at Kyla. ''Tigilan mo nga ako Zyril Ace!" suway ni Kyla kay Uno dahil kinukulit sya nito. ''Nanglalambing lang naman eh,'' parang batang sabi ni Uno. ''Huwag dito. Mahiya ka naman! Kasal ito ni Zyne!'' Natigil naman ang pagtitig ko sa kanilang dalawa ng bigla akong tinapik sa may balikat ni Seven. ''Dude, okay ka lang?" Muli kong nilingon ang mag asawa bago ko ibinalik ang tingin kay Seven. ''Yeah. Okay lang,'' sagot ko sa kaniya.

