SAMANTHA POV Alas-kuwatro na at nandito ako ngayon sa sala para hintayin si Zyne. Alam ko kasi na ngayon ang oras ng uwi niya at tama nga ako dahil pumasok mula sa pinto si Zyne kaya sinalubong ko s'ya. ''Kumusta ang sa kumpanya?" tanong ko at kinuha ang coat n'ya. Imbis na sumagot ay nag daretso ito sa sofa at sumandal doon. Tumabi ako mula sa pagkakaupo n'ya sa sofa at nagsalita. ''Marami bang trabaho? Dapat pala sumunod na ako sa'yo para hindi na nahirapan. Sige bukas, papasok na rin ako—'' ''Mahal mo ako, Samantha. Hindi ba?' biglang tanong Zyne at nagmulat ng mga mata at sandali naman akong natigilan. ''O-Oo naman. Bakit mo natanong?" nakangiti kong tanong. ''Pero bakit ako, hindi ko maramdaman sa'yo ang nararamdaman mo para sa akin? Bakit hanggang ngayon, Samantha. Hindi pa ri

