bc

Riot Men Series #14 Deluding the Drug Lord

book_age16+
474
FOLLOW
1.1K
READ
spy/agent
powerful
independent
boss
gangster
multiple personality
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Kailangan mong mapaibig si Jack para walang hahadlang sa mga plano natin para magkaroon tayo ng maraming pera at sa pamamagitan niyon ay mapapakasalan kita."

Napakasakit para kay Zennaida ang inutos sa kaniya ng nobyo, hindi niya inisip na gagawin ito ng kaniyang nobyo-- ang gawin siyang patibong para lamang mapakasalan siya at mapatumba si Jack, ang taong akala nilang drug lord, ang lalaki na ito ay walang kinikilala at kahit sino ay hindi siya mapatumba. Kaya naisipan ng nobyo ni Zennaida na paibigin niya ang lalaki. Mahirap man ito para kay Zennaida, sinubukan niya pa rin dahil gusto na niyang mapakasalan ang matagal na niyang kasintahan.

Makukuha kaya niya ang ninanais nila o siya rin ang mahuhulog sa patibong dahil taksil sa taksil na puso?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Casino dealer
Pinasok ng malikot niyang daliri ang loob ng saluwal ko kung saan nahahawakan niya na ang panty na suot at nadadama na ng aking balat. Gago rin ang lalaki na 'to, wala pa namang lock ang pintuan niya. Napaliyad ako sa lamesa at halos masabunutan ang kaniyang buhok nang maramdamang binababa niya ang pang-ibaba kong suot. "Pakasalan mo na ako," halos halinghing kong sagot sa kaniya, A!!!!singit ko sa gitna ng aming ginagawa. I've been pushing him to marry me, sa tagal ng aming relasyon nasisiguro kong handa na akong pakasalan siya at magkaroon ng anak na siya ang ama. I accepted all his wrongdoings at ganoon din siya sa akin, pokpok ako kung tawagin dahil nagtatrabaho ako sa bar bilang waitress minsan may gusto akong itabi sa kanilang lamesa kaya pumapayag na rin ako, sayang din kaya! Bigla kaming nahinto sa ginagawa nang maitulak niya ako ng bahagya, away na naman ang patutunguhan nito. "Alam mong hindi pa puwede, Zennaida." Kinuha niya ang isang stick sigarilyo at sinindahan, binuga pa sa akin ang usok. "Tarantado ka talaga kahit kailan," inis na sabi ko at umubo pa. "Bakit ba ayaw mo pa magpakasal? May pera naman at kahit simple lang. Natira mo na ako ng ilang beses ayaw mo pa rin." Inayos ko ang buhok mula sa pagkakagulo nito pati na rin ang suot kong panty na halos mahulog na sa sahig. "Gusto ko ng bonggang kasal para sa 'tin, Zennaida. Kaya kailangan ko pang magtrabaho... At alam mong hindi matutuwa ang nanay ko kapag simple lang. Paulit-ulit na lang, tangina!" Mahina akong natawa, masyado niyang ini-spoil ang nanay niya, pagiging drug lord lang naman ang alam niyang trabaho. Yes, nagbebenta siya ng mga ipinagbabawal na gamot sa kung sino ang may gusto. Hindi siya nahuhuli kasi hindi naman siya ang mismong nagbebenta, ang mga tauhan niya. "Roy, seryoso kaba?" tumawa ako. "Ano bang pakialam ng nanay mo? Saka pagiging drug lord o pusher lang naman ang alam mong trabaho." Kagaya ng ginawa niya, nagsindi rin ako ng sigarilyo dahil sa inis ko sa lalaking ito. Ngunit nabigla ako nang lumapit siya sa 'kin at hinawakan nang mahigpit ang dalawang pisngi ko. Nainis na naman ang kumag. "Magpasalamat kana lang dahil gusto kitang mabigyan nang maayos na kasal, Zennaida!" Ramdam ko ang inis niya sa 'kin. "At kung ayaw at sa gusto mo, papaibigin mo si Jack para naman may silbi ka sa 'kin at mapakasalan kita ng sa gano'n malaman natin kung sino talaga ang gago na lalaki na iyon, inuubos niya ang mga buyer ko." Saka lang niya ako binitawan pagtapos magsalita, akala ata niya ay hindi masakit. Sinilip ko sa salamin ang mukha ko, may bakas na ng mga daliri niya. Sanay naman na ako sa pananakit niya wala ng bago sa 'kin. "Seryoso ka? Gusto mong maging paing ang girlfriend mo para lang sa sarili mong kagustuhan?" hindi ako makapaniwala. "Para sa ating dalawang kagustuhan, Zennaida. Ang dami mong reklamo, hindi lang naman ikaw ang nakikinabang sa akin... pati ang pamilya mo! Alam mong ilang buwan na akong namomroblema sa lalaki na iyon kaya gagawin mo ang gusto ko!" Akala noong una ay biro lang na gusto niyang akitin ko si Jack, seryoso pala ang gago na ito. Nilayasan niya lang ako dahil tinawag siya ng isa sa mga tauhan niya. "Pinapagising ka ni boss, Zennaida," saad sa 'kin ni Amper pagkatapos ako yugyugin hanggang magising. Isa siya sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Troylan kung tawagin ay Roy. "Bwisit ka! puwede namang mamaya. Kakatulog ko lang kaya!" pagmamaktol ko. "Dami mong satsat! Oh, suotin mo raw 'to para mamaya, sa inuutos daw sa 'yo ni boss iyan." Lumayas na siya sa harap ko at ako naman ay binuksan ang supot na binigay niya sa akin. Seryoso talaga si Troylan na gawin akong pain niya, ha! Wala naman akong magagawa, tiyak ako na madali lang paamuin ang lalaki na gusto niyang akitin ko dahil mayroon akong magandang pangangatawan, kung sabihin ng iba ay perpekto, malaking dibdib, umbok ng puwet, balakang, matangos na ilong at magandang kurba ng labi. Sa kabila ng kagandahan na mayroon ako pisikal, ganoon naman hindi kaperpekto ang buhay ko. "Saan ko naman gagamitin ang damit na binigay mo, Roy?" tanong ko. "Sumama ka mamaya kay Jaziah. Magiging casino dealer ka roon dahil doon madalas si Jackson. Pupunta sila Amper para maglaro, huwag kang magpahalata minsan pa naman ay tanga ka," paalala sa 'kin ni Troy. "Illegal din na sugalan ang casino na iyon, kaya umayos ka kung gusto mong umuwi ng buhay." "Ikaw naman ang nagpapapahamak sa 'kin, Roy. I-text mo na lang sa akin kung saan kami magkikita ni Jaziah nakakawalang gana pumunta rito." Umalis na 'ko sa pwesto niya bago pa ako malintikan. Wala naman akong ideya sa pagiging casino dealer, hindi bale saglit lang naman 'to kaya pagtitiisan ko na para lang mapakasalan ako ng kupal na iyon, gusto rin kasi siya ng tatay ko bukod sa libre siya ng shabu binibigyan pa siya ng pera. "Baka ipagpalit mo pa si Roy diyan sa trabaho mo, ah. Naku! Malilintikan ka talaga sa 'kin, Zennaida," ayan ang putak ng tatay ko. "Jusko, tay! Paulit-ulit ka. Tingnan mo nga iyang pisngi mo kung gaano na kalalim, puwede ko nang igiban ng tubig sa sobrang lubog kakagamit mo!" "Tangina ka! Huwag kang maingay," singhal niya sa 'kin. Umalis na 'ko ng bahay namin at hindi na nagpaalam, nakatanggap na kasi ako ng text mula kay Troy. May nakaparada ng pulang sasakyan kaya pumasok ako, nakita ko si Jaziah. "Bagay pala sa 'yo ang damit na iyan, ano'ng sinabi sa 'yo ni Kuya Roy?" tanong niya. "Casino dealer daw ako. Ikaw, ano ba ang trabaho mo roon?" tanong ko. "Kung casino dealer ang sinabi niya sa 'yo, hindi. Gano'n lang ang tawag namin, pero tatabi ka sa customer at ikaw na ang bahala sa diskarte mo. Madalas kasi ay gusto ng mga lalaki ay ang magagandang babae na puwedeng ikama lalo na kapag natalo sila, kaya ganiyan ka-revealing ang suot mo. Parehas lang tayo ng trabaho," mahaba niyang sagot sa 'kin. "Si Sir Jackson palagi iyon doon, kaya huwag ka mag-alala." Huminto kami sa kulay brown na building at maraming stalls kung saan may nagtitinda. Lumabas muna ako habang naghahantay kay Jaziah na matapos mag-ayos sa loob ng sasakyan niya. May sasakyan ako gamit lang ng kapatid kong lalaki. "Kailan pa 'to naging casino?" tanong ko. "Tama nga si Kuya Roy, tatanga-tanga ka. Illegal nga 'di ba?" Tinarayan niya ako. "Tara na!" Hinatak niya na kami sa loob, pumasok kami sa isang stall na tindahan ng mga makeup, mayroong pinto at sa loob niyon ay ang hagdan na pataas. Sa front desk ay ang nag-aassist ng mga customer, nakipag-usap muna sila sa 'kin habang pinagmamasdan ko ang mga babae kung paano sila kumilos sa mga naglalaro. "Nandiyan na si Jack sa kabilang pinto, pumasok kana," bulong sa akin ni Jaziah at hinatid pa ako sa pinto. Pagpasok ko sa loob mayroong dalawang armado sa gilid, malayo sa lamesa ng manlalaro. Tanging si Jack lang ang walang babae sa kanila, pokus sa paglalaro at walang emosyon ang mukha kahit tiningnan niya ako. "Ayoko ng babae sa gilid ko," sambit niya sa malamig na tono kahit hindi ako halos makalapit sa kaniya. Lintek! Kahit na ganoon ay lumapit pa rin ako sa kaniyang likuran at sinumulang imasahe ito na parang nang-aakit. Napatingin sa 'kin ang ibang manlalaro, hindi sa mukha ko kung hindi sa dibdib ko dahil nakayuko ako. "Sir, ang init naman ng ulo mo. Kalma ka lang! Imamasahe lang naman kita," saad ko sa pang-aakit na tono habang binababa ang aking kamay. Marahan siyang tumawa. "Wala akong mabibigay sa 'yo, kita mong natatalo na 'ko." "Kaya nga ako nandito." Nilapit ko ang ulo sa tainga niya. "Ako ang magiging suwerte mo." Bakas sa mukha niya ang pagkadisgusto ngunit hindi ko ininda iyon at kumuha ako ng upuan para tumabi sa kaniya. Kahit nauubos na ang chips niya hindi pa rin bakas sa mukha niya ang pagkatalo. Kaniya-kaniyang diskarte ang mga babae rito, may iba na nakapatong na sa manlalaro kasabay nang pagtatago ng chips sa dibdib nila. Habang ako naman, ay humawak sa kaniyang hita pataas sa kaniyang kalalakihan ngunit hindi ko pa nahahawakan ay tinanggal niya na ng marahas. "I don't have chips anymore. Ano'ng gusto niyong ipambayad ko?" tanong ni Jackson sa mga kalaban niya. "Ano ba ang mayroon ka riyan?" tanong ng isa, matanda na. "Ilang pakete ng shabu," seryoso nitong sagot at sinenyasan ang isang lalaki sa gilid na may dalang bag. "Iyan ang gusto ko sa 'yo, Jackson!" kantiyaw ng dalawang lalaki. "At kahit naman talo ka, panalo ka riyan sa katabi mo, chicks na chicks." Tumawa sila nang nakaloloko. "Panalo rin naman ako kay Sir Jackson, seryoso lang pero alam kong magaling," malandi kong sagot at pinisil-pisil ang hita niya. Huminga siya nang malalim at binuksan ang bag laman ang pake-pakete ng shabu. Nakakalula sa dami. Kaya pala gusto itong patumbahin ni Troylan, mura lang sa kaniya ang bentahan. "Salamat dito, Jackson. Hayaan mo't sa 'yo ako bibili kapag naubos na." Ngumisi ang matanda. "Aasahan ko iyan. Aalis na ako, may dapat pa akong asikasuhin." Tumayo na siya at hindi ako pinansin. "Dito kana lang sa tabi ko, ganda," saad ng matanda sa akin. Ngunit hindi ko siya pinansin. Epal 'tong matanda na 'to, tanda-tanda na niya, akala ba niya ay papatol ako sa tigas ng titi niya? Asa siya! Sumunod ako kay Jackson palabas, hindi niya pinapansin ang mga bumabati sa kaniya. Huminto siya nang makalabas kami. Hinihingal ako sa lalaki na 'to, eh. "How about you? Why are you following me? Gusto mo rin ng shabu? I can give you that, sabi ko naman sa iyo, wala akong maibibigay," masungit niyang sabi. Hinatak ko ang necktie niya para mapalapit sa kaniya. Ang mapula niyang labi ay bagay sa labi ko kaya humalik ako sa kaniya saglit at ramdam ko ang inis niya. "Hindi naman illegal na gamot ang kailangan ko... kung hindi ikaw." Hahalik pa sana ako ngunit halos matumba ako sa tulak niya. "Well, kung sa tingin mo mabilis mo akong makukuha, mali ka. Hindi ako pumapatol sa basta-bastang babae, sa mga katulad mo," diretso niyang sinabi at tumuloy sa sasakyan niya. "Maluluhuran din kita!" sigaw ko sa paalis niyang sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Winter's Mate: Fated on Ice

read
8.8K
bc

The Rejected Mate

read
2.0M
bc

Hate Should Be A Hockey Term

read
6.3K
bc

My Biker Stepbrother, My Ruin

read
24.8K
bc

The Golden Lycans

read
102.3K
bc

Made To Be Broken - The Boston Hawks Hockey Series

read
203.0K
bc

Varsity Bad Boy Series

read
226.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook