bc

Invade My Bestfriend’s Heart (Filipino)

book_age18+
1.6K
FOLLOW
4.5K
READ
possessive
fated
goodgirl
sporty
drama
comedy
bxg
childhood crush
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

A guy and a girl can be just friends, but one point or another they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe the wrong time, or maybe too late.

Tunghayan ang istorya ni Sophie Mencken at si Marcus de Leon ang pinakapossessive at pinakaperv na lalake sa balat ng lupa!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Invade My Bestfriend's Heart written by: ketchupprince  This is a work of fiction, names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events is purely coincidental.. This story was written when I was sixteen years old. It was my first story. Bare with me if it's flat, unedited, and unrevised. This story is also written in a colloquial way... I don’t have a time to edit it dahil busy sa work. Chapter 1 Muli kong binaon ang mukha ko sa aking unan, sa kadahilanang ako ay tamad pang pumasok, kahit first day na pala ng school year ngayon.  Ayokong pumasok sa school ko ngayon, dahil panigurado akong mapangmata ang mga estudyante doon, pinatransfer na naman kasi ako ni mama sa Happy Valley Academy, isang sossy school, ewan ko ba dito kay mama, hindi naman kami mayaman, payak lang ang buhay pero dun padin niya ko pinagpaenroll, dahil lagi kasi akong binubully dun sa dati kong school, eh kumusta naman dito sa bago kung school eh mas madaming brats panigurado doon. at eto pa di ako naeexcite pumasok dahil wala akong kaibigan kahit isa. "Sophie! Sophie! Bumangon kana jan! Malelate kana." Ayan na, nagtawag na si mama kailangan ko na talagang bumangon, dahil baka ano na naman ang gawin niya pag di pa ako bumangon. "Oo na mama! Saglit lang." "dalian muna jan ng makapag almusal kana." "Opo! Maliligo lang ako!" Anyway tumayo nakong walang kagana gana, at naligo na, pagkatapos kong maligo at mag ayos, bumaba na ako. "Buti naman tumayo kana, kumain kana jan, eto pala ang baon mo, tsaka tawagan mulang ako pag nagkaproblema ka sa school ha?." "Mama, hindi ka ba sasabay sa akin?” "Hindi na anak, kailangan ko ng pumasok sa trabaho, dahil madaming pinapagawa ang boss namin, Sige anak, pag umuwi ka mamayang pagkatapos mo sa school, ikaw nalang magluto ng kakainin mo mamayang dinner, magbukas ka nalang ng delata, o kaya magluto ka, ikaw bahala, dinagdagan ko na din naman yang baon mo. Cge babye na!" saka niya ko hinalikan sa pisngi at umalis na. Ayan ang mama ko, isang dakilang workaholic mom walang ginawa kung di trabaho don,trabaho jan,trabaho dito, wala siyang ginagawa kong di magtrabaho ng magtrabaho, minsan nga naaawa nako sakanya eh kasi lagi siyang nag o OT, pero napakakulit, lagi niyang sinasabi na para sakin din daw yun kaya siya Nagkakayod kalabaw, secretary siya ng isang mayamang CEO ng isang may ari ng aviation company dito sa Pilipinas, dalawa lang kasi kami ni mama, wala akong papa, hindi dahil deceased na siya, hindi siya patay, Iniwan niya kami,  Pinabayaan kami ng balahura,balasubas, walang kwentang German kong tatay, yeah! wag kayong magulat, German ang tatay ko, isa akong half german and half  Filipino pala, pagkatapos akong isilang ng mama ko iniwan na niya kami, kaya sakanya pa ang ginamit na apelyido ni mama, di niya naman kasi alam na may balak pala siyang iwan kami yan tuloy sakanyang surname ang nakaregister sa birth certificate ko gusto ko mang palitan pero napakarami pang proseso kasi nun. di ko parin siya nakikita. Kaya simula nun si Mama na ang tumayong mama s***h tatay ko, NaTay nga tawag ko minsan sakanya. Wait, teka lang kanina pako dada ng dada dito about sa buhay ko, di ko pa pala naiintroduce ang sarili ko, Ako nga pala si Sophia Mencken, "Sophie" nalang for short, short pero "ya" lang naman ang nabawas. isang Senior high school student. Pagkatapos kong kumain at magligpit, lumabas nako ng bahay nilock lahat ng kailangan ilock, pagkatapos kong ilock yung gate namin, naglakad nako papunta sa aking bagong school, inaamin ko kinakabahan ako, dahil ibang tao na naman ang makakasalamuha ko.  Mga richkids, born with silver spoon with their mouths, nakakainis kasi si mama sabi ko naman kasing sa public nalang,pero ayaw niya talaga. Kaya wala nakong nagawa dito parin ang bagsak ko. Pagpasok ko palang, nakita ko na nagmamadaling pumupunta sa gymnasium ang lahat ng mga estudyante, hindi ko alam kung bakit, kaya nag go with the flow nalang din ako, pumunta din ako sa gymnasium, puro bulungan ang naririnig ko ngayon, at eto ako ang awkward ng pakiramdam dahil pinagtitinginan nila ako, hindi siguro nila ako mamukhaan, dahil transferee ako, may mali ba sa kin? May dumi ba ko sa mukha?  Kung makatingin naman sila wagas, hindi naman ako panget ah, pero nung tumagal tagal narealize ko na hindi pala sila sakin nakatingin. "OMG ang gwapo talaga ni, Calyx no! He's so perfect!” May narinig akong dalawang malanding boses, Huh? Anu daw? Calyx? Sinong Calyx? Lumingon ako sa likod ko, at nagulat ako sa aking nakita. para bang tumigil bigla ang oras, at nakafocus lang ang tingin ko sakanya, tapos ako gulat na gulat lang di ako makagalaw, dahil bumungad sakin ang isang super,duper,gwapong nilalang! OMG! so eto pala ang tinitignan nila kanina pa? Akala ko ako, So Calyx ang name niya, pumuso nalang bigla ang mata ko. "Miss, is there something wrong? Why are you so drooled with me?" dun lang ako natauhan nung nagsalita siya, kakahiya nga, di ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sakanya.I look at him with a great pleasure perhaps in an exaggerated and ridiculous way, grabe nakakahiya "Ah wala, wala." tapos dali dali akong humarap muli. Napangiti ako, mukhang may bago nakong inspirasyon. ang landi ko, haha ang gwapo naman niya kasi. Pagkatapos nung opening ceremony, pinapunta na lahat ng mga estudyante sa kani kanilang designated room. 1V-A ako means nasa first section ako, pumasok nako sa room, nagsisipagupuan na sila pero ako di pa din alam kung san lulugar, tumingin tingin ako sa bandang likod ayun! May bakanteng upuan sa likod sa tabi ng bintana, pumunta ako dun at umupo na, lahat sila dada ng dada at ako eto tahimik lang, para akong hangin na di nila pansin. Dumating na yung teacher namin tumahimik ang lahat, as usual isang tradisyon sa lahat ng mga school, sa tuwing first day of class iintroduce mo ang sarili mo. Nung turn ko na, pumunta ako dun sa harap na hiyang hiya, lahat kasi sila nakatingin lang sakin. Ngumiti ako, "Hi, I'm Sophie Mencken, 16, I am a transferee student." Pagkatapos kung iintroduce ang sarili ko bumalik nako sa upuan ko. Nung matapos na ang last period, nabuhayan ako bigla dahil, uwian na pala, inayos ko na ang mga gamit ko, pati nadin ang mga kabibigay na libro sa min. Nagmamadali akong naglalakad sa hallway ng bigla nalang may dumanggil sa akin na napakalakas, napaupo ako dahil sobrang lakas ng impact nabitawan ko lahat ng bit bit ko. "Sorry miss nagmamadali kasi ako." umupo siya tsaka niya pinulot ang mga gamit ko, "Ah okay lang." tumayo siya at tumayo nadin ako, pagkatayong pagkatayo ko at nagkatitigan kami ng harapan bigla akong nataranta, dahil eto yung lalake kanina! Yung Calyx tama! Nalaglag na naman yata panty ko, dahil naistarstruck na naman ako, "Miss eto na gamit mo, pasensiya na ha, nagmamadali lang ako." inabot na niya yung mga gamit ko, at ako naman tulala padin at nakanganga, habang tinitignan siyang paalis habang tumatakbo, Uwaaa, ang gwapo niya shet! Crush ko na siya. Swear. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano pangalan niya, kahit alam ko na din naman,para kahit papano magkaconversation kami, pero para kasi akong tanga lagi akong natutulala.pag nakikita ko siya. Nagpatuloy nako sa paglalakad at lumabas na ng school para umuwi na. Grabe, binabawi ko na yung dati, kung dati wala akong gana at ayaw kong pumasok dito sa Happy Valley Academy, binabawi ko na yon, gusto ko na pala, dahil kay Calyx. Okay lang kahit wala akong friends. Basta palagi ko lang siyang makikita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.6K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

OSCAR

read
227.8K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook