"Love, saan ka pupunta?" tanong ko sa kan'ya nang matapos naming magjacuzzi sa rooftop. Kanina pa kasi may tumatawag sa kan'yang telepono na agad naman niya itong sinasagot mula sa kalayuan upang hindi ko ito marinig. "Magkikita kami ni kuya. May kailangan lang akong asikasuhin. Uuwe din ako agad wife. Don't worry," sabay halik niya sa aking pisngi. "Sige mag-iingat ka," malungkot na ani ko nang nakahanda na siya sa pag-alis. "Okay I will," saka ito tuluyang lumabas ng kuwarto. Naiwan na kong mag-isa rito sa loob ng kuwarto. Nababagot ako kapag wala akong ginagawa kaya naisipan kong libutin itong buong mansion. "Hello ma'am," nakangiting bati sa akin ng isang maid na medyo bata pa ang edad nang makasalubong ko siya rito sa salas. "Hi," nakangiting bati ko naman sa kan'ya. "Anong p

