NAPASILIP ako sa may bintana at nakita ko si Glenn na halatang lasing na ito. Ganun din ang aking kapatid na si Nico. Mga lasing na nga ang mga ito. Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan ko siya. Pagkarating ko rito sa labas ay agad ko nilapitan si Glenn. Napatingin siya sa 'kin. Namumungay na din ang mga mata nito. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. "Naku kuya, sinusundo ka na ng misis mo," ani ni Nico na nakatawa ang mukha. Ngumisi si Glenn. Tumayo siya't nilapitan niya ko. Kinabahan ako sa paglapit niya. Nang maamoy ko na lang sa kan'ya ang hininga nito na amoy ng gin. Napangiwi ako at napahawak sa ilong. "Ang baho mo Glenn," ani ko nang nasa harapan ko na siya. "Matutulog na ba tayo wife?" Halos masuka ako sa amoy ng kan'yang hininga. Ang tapang kasi ng amoy ng gin. "Ang baho

