Kinaumagahan, maaga akong nagising para magluto ng pang umagahan namin ni Glenn pero bago pa man ako bumaba ay inayos ko na muna ang aking sarili. Pagkatapos ay bumaba na din ako at tinungo ang kusina. Tulog pa siguro si Glenn hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila kagabi ng babaeng kasama niya dahil agad din akong nagkulong ng kuwarto. Hindi nagalaw ang mga pagkaing niluto ko kagabi. Natulog ako agad dahil ayaw kong marinig ang bawat halinghing ng dalawa sa salas. Pero agad ding pinaalis ni Glenn ang babaeng kasama niya matapos na may mangyari sa kanila. Pero hindi ako sigurado kung pinaalis niya agad ang babaeng kanaig niya kagabi. Honeymoon dapat sana namin iyon ni Glenn ngunit sa ibang kandungan siya nagpakaligaya. Pero hindi ko na aasahan ang bagay na iyon. Ha

