Nang matapos kong magbihis, agad na bumaba ako para ituloy ang aking ginagawa pero nakita ko na lang na kinakain na nila ang mga ulam na pinainit ko kanina nang narito na ko sa kusina. Tapos yung kanin na sunog pa ay kanilang inubos. Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko. Nasarapan sila sa kaning sunog. "Rose," ani ni Sky. Tumayo siya at patungo siya rito sa gawi ko. "Pasensiya na kung naubos namin yung niluto mo. The best ka talagang asawa," nakangising ani niya na ikinangiwi ko. Siya lang kaclose ko sa mga kaibigan ni Glenn kaya nalalapitan niya ko at nakakausap. "Oo nga," sang-ayon din ng iba. "See? Pati sila ay nasarapan din sa niluto mo." Napasimangot na lang ako dahil yung isa diyan ay walang pakialam. "Salamat ha, pwede niyo naman akong asawahing lahat para araw-araw kayong

