Paalis na kami ni Glenn. Papunta na kami sa hotel resort para doon kitain ang kan'yang pinsan. Anak siya ng kapatid niya sa ama ngunit anak sa labas ng kan'yang lolo ang ama ng pinsan ni Glenn. Narito na kami sa hotel resort habang may inaantay. Hindi ko alam kung babae ba ang kikitain niyang pinsan o lalaki. Kinakabahan ako habang si Glenn ay abala sa kausap niya sa telepono. Parang pakiramdam ko ay naiihi ako. "Ahm... Glenn banyo muna ako," paalam ko. Hindi niya ko panansin. Napangiwi ako. Mukhang mas mahalaga pa yata ang kausap niya sa kan'yang cp kaysa sa 'kin. Batid ko naman iyon kaya hindi na ko magtataka. Tumayo na lang ako at nagtungo ng banyo. Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam kung saan comfort room. Palakad paroon ako sa paghahanap ng cr. Tila napagod na din ang kat

