Madaling araw pa lang ay nakaalis na ko sa mansion. Walang nakakaalam na nakaalis na ko maliban na lang kay inay Gloria dahil gising na ito nang ako ay paalis. Patungo na ko ngayon sa terminal ng mga bus. Mga biyaheng pauwing Probinsiya. Alam kong magugulat si inay ganun din ang mga kapatid ko. Hindi pa nila alam na darating ako. Natatakot ako at baka atakihin sa sakit si inay. Nagdadalwang isip ako kung itutuloy ko pang umuwe or magstay na lang sa ibang lugar para makahanap na mapapasukang trabaho. Ako lang kasi inaasahan ng mga ito dahil ang dalawa kong mga kapatid ay nag-aaral pa lang ang mga ito. Malapit na ko sa terminal ng mga bus nang makatanggap ako ng text mula kay Glenn. Binura ko ang text na iyon at maya't-maya'y nakatanggap ako ng tawag mula sa kan'ya. Hinayaan ko lang tumuno

