"Rose, pabayaan mo na si Glenn. Kitang-kita naman eh. Hindi ka niya mahal. Maawa ka naman sana sa sarili mo. Maawa ka rin sa mga taong nag-aalala sayo. Huwag mong lunurin ang pagmamahal mo sa taong hindi ka niya kayang mahalin. Please tama na, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Ikaw lang masasaktan kung patuloy mo lang siya mamahalin. Move on okay," turan nito. Pintayo niya ko at inalalayan hanggang sa idala niya ko rito sa loob ng aking kuwarto. "Salamat Liam, pwedeng iwan mo muna ako rito. Please," pagmamakaawa ko. "Gusto ko lang mapag-isa." "Okay, hindi ako aalis rito. Diyan lang ako sa labas," paalam nito saka tuluyang na itong lumabas ng kuwarto. Maghapon akong umiiyak rito sa loob ng aking kuwarto. Inantay ko talaga ang pagdating ni Glenn subalit walang Glenn ang dumating. Hin

