Rose Masaya ako na nakayakap sa kan'yang mga bisig. Magkasama kaming dalawa rito sa loob ng kuwarto at magkatabing matulog sa iisang kama. Nang bigla akong manginig ng hindi ko alam. Bigla siyang nawala pagkamulat ko ng mga mata ko. Puno ng pawis ang aking noo habang binibigkas ang pangalan niya. Bumalikwas ako ng bangon rito sa kama. Madilim na ang paligid. Nang bigla itong lumiwanag nang may sumindi ng ilaw rito sa loob ng kuwarto. "Ma'am Rose!" tawag nito. Yukong-yuko ang ulo ko na nakabualuktot ang likod habang nakaupo rito sa kama. Umiiyak ako. Nadala ako sa panaginip ko dahil siya palagi ang laman ng isip ko mula pa kanina bago ako nakatulog. Ang akala ko ay narito siya. Isa lang pala iyon panaginip. Naalala ko iyon, nagtalo pa kami kaninang umaga bago siya umalis. Maaga niyang p

