Puno ng pananabik nang makita ko ang lugar rito sa lupain ng lolo ni Glenn dahil sa ganda ng tanawin sa paligid. Namiss ko tuloy ang aming Probinsiya na matagal nang nakasanla kay Mr. Amores. Kamusta na kaya? Naasikaso na kaya ito ni Glenn? Nakaalalay lang sa akin si Glenn nang patungo na kami sa may looban. Naunang lumuob si Brix sa mansion ng Familia Fernando. Napatingin ako kay Glenn, masaya naman ang mukha niya. "Masaya ka ba Glenn?" Biglang tanong ko. "Actually, kinakabahan ako pero masaya naman. Why?" Huminto kaming dalawa. Medyo malapit na rin kami sa mansion ng lolo niya. Tipid akong ngumiti. "Bakit ikaw pa itong kinakabahan? Ako nga hindi kinakabahan. Mabuking ka pa ng lolo mo dahil sa pagpapanggap nating dalawa. Relax ka lang okay. Kayang-kaya mo namang magkunwari diba." Tip

