Agad na pumasok ako ng mansion pagkatapos naming mangabayo ni Brix. Saglit lang naman kami namasyal at konting ikot lang ay natapos din. Agad na hinanap ng aking mga mata si Glenn. Wala siya sa loob ng kuwarto nang hanapin ko. Kung saan-saan ko na siya hinanap rito sa loob ng mansion. Wala talaga siya kahit din dito sa labas ng bakuran. Nang si Brix ang nahagip ng mga paningin ko. Patungo siya rito sa kinatatayuan ko. Hindi ko akalain na nakarating ako rito sa labas ng mansion kakahanap sa kan'ya. "Hinahanap mo ba si Glenn?" "Oo, kaso hindi ko siya mahanap eh. Nasaan na kaya siya?" "Halika, sumama ka sa akin. Parang alam ko na yata kung saan mo siya mahahanap," ani niya. Akmang hahawakan niya na ang aking kamay nang mabilis kong inilayo. "Joke lang iyon Rose ha. Baka isumbong mo pa k

