Ilang araw pa ang lumipas nang gabing mangyari yun
Hindi ko alam kung dapat ko pabang ulitin kay Nicka yun
para sakin kasi naging agrisibo ako kaya nangyari yun diko tuloy alam kung gagawin ko pba yun kasi naman talagang kinabahan ako, hindi ko alam kung ano gagawin ko kung hindi nagising si Nicka, grabi kasi pakiramdam ko umurong ang putotoy ko sa subrang takot, madalain pa naman ako lalo na pag ganun, hindi ko alam kung nangyari na sa inyo ito, Pero wag nyo na subukan kasi baka mamaya eh hindi magising yari kayo,
Ilang araw din akong hindi nakaka punta kay Nicka kasi nakokonsensya ako, dalawang araw din kasi syang di nakapasok, buti nalang at nawala na din ang sakit kala ko nga madadala ko pa sya sa doktor kasi nilagnat ba naman, kala ko nga hindi totoo yung ganun, kasi di naman nangyari kay Mau, yun,
Lagi naman akong pinupuntahan ni Nicka sa canteen store kapag may vacant syang oras, ok narin sya nakikipag biro na nga eh, pinaliwanag ko naman kung bakit ayaw ko muna pumunta sa kanila, naintindihan naman nya, siguro nadala din,
Masaya ang mga nagiging karanasan ko sa pagtatrabaho sa Canteen Realtalk to mga pre nagmeeting kasi kami nang mga katrabaho ko sabi kasi nung manager namin magdadagdag daw nang isa pang lalaki na makakatulong samin kasi nga mag isa lang ako kaya naawa siguro,
Dumating na nga ang sinasabi nang manager namin ok naman pala kaibigan din matanda sakin nang mga apat o limang taon, hindi sya nakatapos nang pag aaral, kasi daw meron syang bisyo, tatay nya ay Army sundalo ba,
mabait sya mapagbigay din kaya lang diko bet ang trip nya, sumunod na araw pumasok sya may dala dala syang plastik, napansin ko kasi alis sya nang alis punta nang punta sa gate palabas, nakita siguro nya na tumitingin ako kaya yun pinakita nya yung dala nya grabi ang loko nagtutulak nang bawal na gamot hindi damo as in bawal na gamot, binibigyan pa ako nang isa try ko daw, kung ayaw ko naman ibenta ko nalang daw akin na ang pinagbintahan, savi ko naku pre diko linya yan pero wag ka mag alala hindi ko ugali ang makialam, kaya sabi nya sakin salamat, Tapos inaya nya ako sa bahay nila sa dalahican yun sa tuyoan, grabi ang ganda nang bahay nila tapos sa dingding makikita mo yung mga picture nila mula sa tatay hanggang sa kanya, dalawa lang silang magkapatid, yung ate nyang babae grabi ang ganda, napatanong nga ako kung may asawa na yung ate nya, wala pa daw pinakain naman nya ako tapos yun dumating tatay nya naka uniporme pa at may dala pang baril, pre pahawak naman nung baril pinahawak naman sakin grabi nakakatuwa sabi ko nga magsusundalo nalang din ako, maya maya may dumating na babae, kulot matangkad maputi payat, napatanong pa nga ako kung nanay nya yun hindi daw kapatid daw, nya gulat naman ako putik ang ganda ganda sa picture pero grabi sa personal subrang payat at para na ngang bungo ang mukha, sabi sakin tanga yan eh, hindi marunong subrang adik kakagaling nga lang nyan sa kulungan, habang nagkukwentuhan kami nakinig na nga namin ang kalampagan sa itaas nila, sabi sakin o nag aaway na ang mga adik, alam mo kaya kami ganito dahil din kay papa, kaya yun inaya na nya ako umalis habang naglalakad kami sinabi nga nya na gago yung tatay nila, kaya sila nagkaganun yun daw kasi ate nya yung papa nya ang nagturo mag drugs, tapos paglulong na yung ate nya ginagahasa daw ito ng tatay nya kaya para silang walang pakialaman sa isat isa kaya lumayas din ang nanay namin sumama sa ibang lalaki, sa takot na mapatay hindi na nagpakita samin,
Naawa akong bigla sabi ko totoo palang may ganitong pamilya, Kaya pre ikaw wag na wag kang gagamit nito sisirain talaga nito ang buhay mo, pati pamilya mo sa una lang ito masaya pero untiunti nito papatayin ang pagkatao mo, Naku hindi ko talaga linya yan, marami na din kasi akong kakilala samin na ganyan, kaya never ko sinubukan yan, Pumunta kami sa isa pang bahay diti daw sya natutulog kasi hindi daw nya kaya yung ginagawa ng tatay nya sa kapatid nya, sigurado daw kasi na ganun ulit gagawin nun ngayon, bahay daw ito nung magulang nang nanay nya dahil sa takot din umalis nalang kaya ako na tumutulog dito, habang nakaupo ako may nilabas syang isang sako puro bakal kasi tunog palang bakal na itinaktak nga nya ito at puro tubo na kurting baril sabi nya sakin ito ginagawa ko pag andito ako, sabi ko ano yan, baril ,Oo replika pre pang sarili lang tika tika kong tawagin, isang putok tago, tinuruan naman nya ako kung panu gumawa at ano yung mga kelangang gamitin, kaya sa interis ko talagang pinag aralan kong mabuti, ang astig itong bago kung kaibigan na to e siga din sa lugar nila kaya pala kung makapanapok nang tambay ay wagas, sabi pa nga oy wag nyong kakanain tong kasama ko tirahin ko kayo pati pamilya nyo, naghiwalay na kami pagkahatid nya sakin sa sakayan,
dumeritso naman ako kina Nicka, para dalawin sya nakita ko na naglalaba sya kaya binantayan ko nalang sya tinatamad kasi akong tumulong sa totoo lang parang ayaw ko na kasing gawin kung ano yung nakasanayan ko kay Mau, masyado kasing masakit, asan si lola,?
Nasa loob, tapusin ko lang tong nilalabahan ko, sige
Lola anong ginagawa nyo, nagluluto, dito kana kumain
Iho sige po, hindi naman ako nawawalan nang dala pag napunta ako sa kanila natutuwa nga sakin si lola kasi lagi daw ako may pasalubong sa kanya dati kasi mga cake at chocolate dala ko pero sabi nya sakin bigas nalang daw at delata, kaya yun dinala ko kaso biro lang pala, Kala ko kasi totoo pero hindi ko na din naman binago lagi parin bigas at delata ang dala ko sa kanya, habang nagkukwentuhan nga kami, nagdrama ang lola mo, ito talaga ang litiral na nagdrama ang lola, kasi lola na talaga ang nagdadrama,
Jay alam ko bata pa kayo ni Nicka pero pag nawala ako sana wag mo syang pababayaan ako nalang kasi ang kasama nya sa buhay, matanda na din naman ako para mabantayan ko pa si Nicka, mabait yang apo ko na yan alam ko naman Jay na nakaka angat din kayo sa buhay tulungan mo syang makatapos nang pag aaral kahit highschool manlang, kasi ako elementary lang grade 1 pa, bukaka lang talaga trabaho nang babae nun kaya kahit di na mag aral,
Eh si lola talaga wag nga kayong magsalita nang ganyan, baka mamaya marinig kayo ni Nicka,
Jay kung may pera lang ako iponagawa ko na nga itong bahay para kahit pano may kwarto si Nicka nagdadalaga na ang apo ko nakakahiya na sa mga kaklase at kaibigan ni Nicka pag napunta dito, kahit di sinasabi sakin nang apo ko ay ramdam ko na minsan ay nahihiya sya sa mga kaklase nyabkaya nga hindi na sya nag aaya pag ganito,
Lola alin po ba ang ipapagawa nyo, yang likuran na yan bakanti dyan,
Ah sa inyo pa po ba yan,
Oo nakita mo yung bakod nang kapit bahay yun hanggang dyan ang sakop ko wala lang ako pera pampagawa kaya nabakanti at kita mo pariho kami babae matanda pa ako at isang nagdadalaga,,
Hindi naman ako nag salita at tumango nalang ako, Pero nagbabalak na din akong tumulong maipagawa ang bahay nila Nicka, para pag natulog ako dito hindi si lola katabi ko, pag dito kasi ako natutulog lagi sa gitna namin si lola kaya madalang talaga ako matulog dito, syempre kahit sabihin nyo na open ang relasyon namin ay ayaw naman nya nang ganun, kaya sa gitna si lola,
Alam nyo naman na kung san ako nakuha nang pera hindi ko na ito ikakahiya sa inyo niluluboa lubos ko na rin naman kasi ilang buwan nalang ay bakasyon na ulit, at naisip ko babalik na ako sa pag aaral ko,
Pumunta ako kay Bry sa tambayan, may dadalahin kasi ako sa kanya, may ginawa kasi akong paltik na 22 ipapakita ko sa kanya, natisting ko naman ito at maganda naman madali lagyan nang bala at pag putok kusa namang natatanggal ang basyo nito yun nga lang dahil tubo sya pag naka ilang puto hindi mo mahawakan mainit, Sakto andito ka, ano ginagawa mo,
Jay bakit ngayon ka lang pumunta dito ang dami na nating myembro, pag may hasing kami hinahanap kita dika napunta,
Saka nalang pag may mga babae na, dun mo ako yayain,
Loko ka talaga, isumbong kita kay Nicka,
Wag, ay tol kaya ako nandito may itatanong ako sayo marunong kabang mag karpintero, may ipapa tingin sana ako sayo kung magkano aabutin nang gastos papaayos ko kasi yung bahay nila Nicka,
Bakit tol dito kana titira,
Gagi hindi, papagawan ko kasi si Nicka nang kwarto nya nagbibilin na kasi si lola,
Bakit tol may sakit ba si lola,
Wala naman ay kung sakali lang daw, sabi ko nga wag magsalita nang ganun,
Tol mabait ka talaga sweeti syo nang mag lola na yun.
Mabait din naman sakin si lola at Nicka, sinusuklian ko lang, Ano marunong kba,
Oo pre ano kba karpentiro ako, kung gusto mo ako na ang gagawa libre pa tutal hindi mo naman ako sinisingil sa mga inuutang ko sayo,
Ay sus ayos na yun hindi kelangan mas mahalaga sakin ang kaibigan,
Naks naman sya pa myembro kna sa prat natin,
Hehehe ok na yung ganto ikaw talaga,
Tara titingnan ko yung bahay para alam ko kung ano mga bibilihing materyales,
Teka may ibibigay din ako sayo kaya ako pumunta dito magagamit natin to,
Kaya inilabas ko ang convertible na 22, paltik,
Oy tol ayus to ah san mo to nakuha,
Binigay sakin nang kaibigan ko na taga dalahican,
Sige tistingin mo para makita mo kung magagamit natin,, kaya inabot ko naman ang bala na 22
paglagay nga nya pagkasa sabay kalabit pangg,
Oy ayus ah lumalabas ang basyo, kaya madali agad malagyan nang bala,,
Ano pre magagamit ba natin gusto mo ba ,
Puta Jay sure kba bibigay mo to lalo tayong makaka akit nang myembro dito bka katakutan tayo nang ibang gang pag nalaman nila to,
Wag ka mag alala tol may kasunod pa yan, kelangan lang may taguan ka baka matiklo tayo,,
ako na bahala dun sa taguan,
******* Bagong Kwarto*******
Pinuntahan na nga ni Bry ang bakanting lugar kung san gagawa nang kwarto at sinabi na rin nya kung ano ang mga gagamitin sabi nga nya ay maliit lang magagastos kasi idudugsong nalang daw sa sala,,
Sinama ko nga si Nicka sa hardware para mamili hindi nga nya alam kong ano gagawin namin dun,
Ano bibilhin mo,
Secret,, bumili na nga ako nang mga kailangan, at pina deliver ko na ito, pagdating nga namin sa bahay nila Nicka, gulat naman sya kasi sinisira na ang ding ding sa may sala dito kasi gagawa nang pinto para papasok sa kwarto ni Nicka, ang ginawa ko nga ay kahoy lang pero yero ang dingding sa labas at naka doble wall naman ito sa loob, semintado din ang sahig para naman hindi maiba sa sala, Tuwang tuwa naman si Nicka, ganun din ang lola nya,
Naku Jay talagang nakakahiya na sa iyo, hindi ba magalit mga magulang mo baka ubos na pera mo,
Lola naman hindi na po kayo iba saakin kaya wag na po kayo mahiya,
Love para sakin ba talaga to magkakaron na ako nang kwarto, makaka pag display na din ako gaya nang kwarto nung mga klasmate ko,
Kitang kita mo parin ang pagka inusinti ni Nicka kaya naman talagang nakaramdam ako nang saya sa puso ko,
Oo naman, pero hindi ngalang ganun kalaki kasi maliit nalang yung bakanting lugar, pero sigurado naman na pagagandahin natin ang loob nito,
Hindi ko na din ito pinalagyan pa nang bintana bahay lang din kasi ang makikita mo dito, nagpalagay nalamg ako kay Bry nang maliit na labasan nang hangin sa may bubung tama naka kisami din ito, gusto ko kasi yung pag pininturahan ay pati taas,
Tatlong araw din bago nagawa ang kwarto muntik nang maubos ang aking ipon, pero ok lang kaya bawiin dalawang linggo solb na agad, (pasinsya na diko naman ginusto ang mangupit nadadala lang talaga nang sitwasyon at ginagamit ko din naman sa ibang nangangailangan, )**( Tandaan po MASAMA po ang nangungupit para na din po kasi kayong nagnanakaw kaya wag nyong gagayahin,)**
Nagpagawa na din ako nang higaan na kasya ang tatlo, at nagpagawa na din ako nang higaang na pang isang tao naman sa may sala medyo lumuwag na kasi dito dahil yung ibang mga gamit ay pinasok na sa kwarto lalao na yung mga durabox na pinaglalagyan nang damit, ni Lola at Nicka, para pag dito ako tutulog may hihigaan na ako,,
Salamat Jay napaka bait mo talaga,
Paulit ulit namang pasalamat ni lola,
Ayus lang po lola isipin nyo nalang po na ako ay apo nyo na maganda ang trabaho, at saka po lola babalik na din po ako sa pag aaral nexyear, pariho na po kaming second year ni Nicka,
Maganda yan iho, magtapos kayo nang pag aaral para maganda ang maging buhay nyo sa hinaharap, Bakit nga pala hindi ka pumasok ngayong taon,
Ah nagkaron po kasi nang hindi pagkakaintindihan sa school na papasukan ko kaya yun hindi na po ako tumuloy pero ngayon pong pasukan ay papasok na ako,
Hindi ba nagagalit mga magulang mo, lagi kapa wala sa inyo,
Hindi po sanay na po ang mga magulang ko basta daw po hindi ako mapapahamak o masasangkot sa mga gulo o masasamang gawain ay hindi naman daw po ako papakialaman waglang din daw po akong uuwi na sugatan o may aksidenti, at kung san daw po ako masaya sige lang ang hiling lang po sakin ay magtapos ako nang pag aaral ko,
Napaka bait din pala nang mga magulang mo kaya pala mabait ka din may pagmamanahan ka, Basta wag mong pababayaan si Nicka ha,
Naku ayan na naman kayo kung ano ano nanaman po sinasbi nyo malakas pa naman po kayo,
Hindi naman mawala ang saya ni Nicka at king ano ano na nga na sticker ang binili puro meteor gardin pa (daming sugat)F4 kayo ba naki F4 ba kayo,
ang hirap nun makita lang kayo na apat na magkakasama naglalakad f4 na itatawag sayo kasama pa si shanghai, Biniro ko nga si Nicka, Aba hindi kita pinagawan nang kwarto para dyan sa lalaking yan aagawan pa ako,
Hehehe tawa naman ni Nicka, at may pag yakap pa, sakin,
Samahan mo ako sa susunod na sabado ha may bibilhin ako , balak ko kasing bumili na din nang foam para hindi banig at karton ang nakalagay sa higaan sayang ang kwarto,
****** 32*10 ******
Nagmeeting na naman kami kasi magkakaroon daw nang Junior And Sinior Prom kung saan dapat doble daw ang sahod kasi maghapon at hanggang matapos ang prom, siguradong pagod na naman ang mga kamay ko nito kaka serve nang chocoshake,
Araw na nga nang prom, at busy na ang mga studyante na aatend nang prom may mga kasamang taga make up meron naman na dadating naka bihis na,
Sa totoo lang firstime ko maka kita nang ganito, kaya naman naaliw din ako inisip ko pa nga na sa 3rd year ganito din kaya suot ko,
Nagsalita naman yung babaing katrabaho ko, oy Jay tingnan mo dito ka makakakita nang ibat ibang uri nang studyante pag nag tatransform, hahaha nagtawanan naman ang iba, Hay Oo dito din ako natutu kung pano mangutya nang kapwa ko, pano ba naman talagang makikita mo ang mga itsura kapag naka barong at gown,
meron ka makikita na tumboy naka gown meron naman na hindi maganda ang make up meron din naman na maganda talaga, sa lalaki naman mga akala mo ay may aabay sa kasal may motif pa ang suot, sa katatawa namin hindi na namin halos namamalayan ang dami nang tao pati na nga yung pagod kasi alam mo yung pagod na pagod ka pero bigla nalang may bibili sayo na ang itsura ay mas pagod pa sayo talaga naman sabog talaga lagi ihi namin, hanggang sa nag anounce na nga na tapos na ang prom kaya naman habang may nabili at nauubos ang tao cge parin kami sa pagbibinta,, mag aala una nang madaling araw natapos ang prom, dahil linggo naman pag sapit nang umaga kaya makakapahinga, syempre doble naman ang sahod ko kaya doble ding ang kups ko, naka laki din ako pero hindi lang ako ha pati mga kasama ko doble din, baka mas malaki pa,, habang naghihintay kami nang sasakyan, para sa mga gamit, nakaramdam nga ako nang pag ihi, kaya naman nag cr ako pag pasok ko sa cr kita kung may umiilaw sa mga tambak nang speaker na hindi nagamit bodega kasi ang cr na binuksan para may makapag cr na studyanti nang prom, pero hindi lahat pinapayagan mga hi section lang, kaya nilapitan ko ito at tiningnan, naku ito cellphone 32*10 na nokia, dati kasi ang 51*10 32*10 at 33*10 na nokia phone mahal ito at kunti lang talaga nakaka afford nito dati, pero pinaka mura ay 51*10 ito yung matibay na unit talaga,
Opo kinuha ko ang cellphone at tinago ko sa bulsa ko, hindi ko sinabi sa mga kasama ko kasi maraming beses na ako nakaka pulot nang mga gamit ng studyante binibigay ko hindi naman nila binabalik sa tao, wallet kwentas, kaya naisip ko itago nalang tapos pag may naghanap saka ko nalang ibibigay para sure hindi naman kasi ako masamang tao, at isa pa hindi naman ako iba sa mga cellphone dahil dipa uso ang nokia may ginagamit na ako, una kong gamit ay Motorola yung pang kaskas nang yelo ang laki, maxxcon, at philip, medyo sikat lang talaga ang nokia nun, kaya pag may ganito kang cellphone talagang sikat ka sa klase mo,
Nakauwi na nga ako, hindi ko pa din pinapakialaman ang cellphone na nakita ko pinatong ko lang sya kung may tatawag, pero wla namang tumawag, kaya tinago ko na ulit, Kinabukasan naman ay dinala ko na ulit ito sa trabaho at kung may maghahanap agad ko itong ibibigay, lumipas ang maghapon wala pa rin dalawa tatlo limang araw wala pa din kaya naisip ko na gamitinin nalang gusto ko sya isuli pero diko naman alam kung kanino gusto ko naman ibigay sa mga kasama ko sigurado naman na hindi lalo mapapabigay, pag tingin ko nga sa bag ko hindi ko mabuksan na lowbat na ata, kaya ang ginawa ko bumili ako nang charger, kinagabihan friday yun nagcharge na nga ako pag open ko toink PUK sim akala naman ng cellphone na to ay ignoranti ako, ang hindi nya alam may binili na din akong Sim at housing nito kasi nga gagamitin ko na sya,, kaya naman pag tanggal ko nang lumang sim at sinalapak ko na ang bagong sim na binili ko pasok may usong cellphone na ako, pinag aralan ko na din nga ang mga naka lagay dito, aba at upgraded na pwedi na kasi mag send nang mp3 song at pwedi mo na din gawing ringtone,, matapos kung mabutingting ay hinayaan ko na munang ma fullcharge, nakatilog na ako, kasi hindi naman ako intirisado sa mga ganitong bagay, kaya naisip ko ibigay ko nalang kay Nicka, naisip ko tuloy ano magiging reaksyon ni Nicka na may usong cellphone sya at mamahalin pa,
At Sabado na nga nang umaga, nagdasal muna ako at humingi nang tawad, bago ako umalis at pumunta na sa bahay nila Nicka, at syempre may dala naman akong tinapay,
Lola magandang umaga po, si Nicka po,
Andun sa kwarto nya natutulog pa,
Lola pasokin ko na po ha, may pupuntahan po kasi kami ngayon,
Sige Jay kumain muna kayo bago umalis at ako ay pupunta din sa palingke at bibili ako nag tuyo at gulay para naman di laging delata, at manok ang ulam, baka sa hapon na din ako makarating kasi dadaan ako sa kumari ko at yung anak daw nya ay dumating galing abroad,
Sige po la ingat po kayo,, umalis na nga si lola at ako naman ay dahan dahan nang pumasok sa kwarto,
naka taklob panga nang kumot at naka baluktot kaya ang ginawa ko sumuot ako sa paanan papasok sa kumot at gumapang ako paakyat sa payat na katawan ni Nicka, nagulat naman sya at napasigaw pa,
Aaaaaayyyyyy!!! love naman natutulog yung tao eh,
Napatawa naman ako kasi ngayon ko lang nakita na sarap na sarap sa pagtulog dahil nga siguro sa may privacy na sya kaya nahihimbing na ang tulog nya , tulo laway pa nga, ito, diba sasamahan mo ako may bibilhin tayo para dito sa kwarto mo, at isa pa may ibibigay ako sayo at tiyak na magugustuhan mo ito, pangarap mo kaya ito, sa ngiti naman nya ay halatang alam na nya ang tinutukoy ko, lagi nya kasing kinukwento yung mga clasmate nya na may cellphone na nokia 51*10 ito kasi unit na to ang madalas makikita mong pinaka madaming unit kasi mura na ito at afford na nang may mga trabaho, pero ang 32*10 at 33*10 mahal pa ang presyo kaya bihira mo pa ito makikita sa mga studyante
Para namang navuhayan nang dugo at agad na yumakap sakin bibilhan mo ba ako ng nokia gusto ko yung 51*10 ganun kasi yung sa klasmeyt ko,
Sekreto, mag mumug ka muna at maglinis bago ko i igay sayo, sige na higa muna ako,
Nagtatakbo naman si Nicka sa tuwa at diritso na sa banyo,
Ako naman ay tinitingnan pa ang mga poster ni Jerry Yan at barbe sue nang meteor gardin, Maya maya ay sumulpot na nga ito sa tabi ko, at parang pusa na ikinukuskus pa ang ulo sa dibdib ko,, kinuha ko na nga ang bag kasi kita ko na sabik na makita kung ano ang ibibigay ko, pag abot ko nga nang charger napatili na agad sya sa subrang tuwa, tapos binigay ko na rin ang pinaglagyan nang sim card lalo tuloy nagsisigaw sa tuwa, bigla ko naman pinutol ang tuwa nya,
love yan muna sa ngayon ha mag iipon pa ako para sa nokia 51*10 mo, pero atlis may charger kana at simcard, Biglaan naman ang pag iba nang mukha nya alam mo yung kitang kita mo na viglang nalungkot pero hindi maipakita, sayo,
Pinagpatuloy ko naman ang sinabi ko kaya bigla na din syang tumayo para pumunta sa cr maligo na mag ayus siguro ay nasaktan, dali dali ko naman kinuha ang nokia 32*10 at ini alarm ko nang 30 minutes at nilagay ko sa shoulder bag na lagi naman nyang daladala, pag namamasyal kami, at ang ringtone nga ay baby baby ng metior garden, nasa lamesa na ako at nagkukutib na nang pagkain
Sabi ni lola kumain daw muna tayo bago umalis kaya kain na tayo, umupo naman ito sa tabi ko di parin naimik masama ang loob, Masama nga palang biruin ang bagong gising, pero si Nicka kasi nakakatuwang biruin kasi naman talagang lumalabas ang pag ka inosinte at ugaling bata,
Tahimik parin kaming nakain,.
Galit kaba tanong ko kanina pa ako imik nang imik dika sumasagot,
Hindi ako galit sabi naman pero kitang kita na namumula na ang ilong at parang paiyak na, at tumulo na nga ang luha nito, sa inis siguro sakin kaya napaiyak, hindi lang siguro nya ako maaway,
Ayaw parin akong pansinin, at pagkalipas pa nga nang ilang minuto, ay tumunog na ang alarm at gulat naman sya palingon lingonbpa nga kung nasaan ang tumutunog dahil nga kanta nang metior garden ay hanap na parin sya, patay malisya naman ako at kunwari walang naririnig alam nya kasi na hindi ako mahilig sa f4
dahil sa walang tigil ang alarm tumayo na ito pasimpling hinahanap ang tumutunog,, pumasok naman ito sa kwarto at nahulaan na kung saan nanggagaling ang tunog, kitang kita ko ng kunin nya ang bag at biglang napatingin sakin, nakangiti naman ako habang nakain at diko sya tinitingnan,
Isang tili na naman ang narinig ko at nagtatakbo sakin sabay yakap naman sya mula sa likuran ko love naman ehhhh niluluko mo ako sabi mo walang cellphone, ano to, at hindi naman ito 51*10
Sus pa kunwari kpa ayaw mo ba, hindi mo nga ako iniimikan paiyak iyak kpa, hahaha
eehhh kasi ikaw niluluko mo ako, alam mo namang matagal ko nang gusto magka cellphone,
Asus wala bang kiss dyan, at sabay halik nang madiin sa pisngi ko, ay sa pisnge lang,
Agad naman itong pumunta sa kwarto,, at maya maya tinawag naman nya ako, at ayun na nakuha ko na ang ang masarap na paglolipop ni Nicka sakin mabilis naman akong nakaraos, ang galawin sya ay wala pa sa isip ko ulit kinakabahan parin ako,
Umalis na nga kami para pumunta sa bayan at bumili nga kami nang foam yung 2inch lang binili ko para hindi naman masyado mainit at baka manibago ang likod ni Nicka, bumili na din kami nang apat na malalambot na unan, para mapalitan ang una manipis na kasi ang mga unan nito, at dalawang kumut, para sabi ko pag may bisita o kaya ay nilabahan may pamalit,,
nagmamadali na nga sya umuwi para daw maturuan ko sya kung pano gumamit nun, may nadaanan naman kaming tindaha nang mga cellphone at nakita nga niya ang unit na hawak nya ngayon 32*10, Nagakakahalaga nga ito nang 20k gulat naman sya kasi mahal pala ang nokia na gamit nya tapos yung 51*10 nakita nya na 7 to 8 k ang presyo, tumigil nga ako kasi nakita ko na may nakalagay na add color backlight boss magkano papalagay nang backlight, 32*10 yung kulay red sa baba at gren sa gilid napalagyan ko nga ito at lalong gumanda ang kulay nito, iniwas ko na din at baka makilala pa nang may ari sabihan pa na magnanakaw si Nicka, malabo na ngang makilala ito, sa ganda, tapos umuwi na kami, inayus na agad namin ang mga binili namin tapos nahiga nadin ako kasi napagod ako kakabitbit nang foam at unan,
Tinuruan ko naman si Nicka mabilis naman syan natutu palibhasa kasi ay intirisado sya kaya talagang inaral nya ito, nagtitext na nga sa mga kaklasi nya na may celphone din
Sabi ko naman o baka naman kung sino sino ang itext mo at ipagpalit mo na ako nyan, sabihin mo lang para hindi na ako pupunta dito,
love hindi kita ipagpaplit ikaw kaya ang firstlove ko at first kiss at lahat kaya nang first ko ay ikaw kaya di kita ipagpapalit, mga kaibigan ko at kaklase kong babae lang ang etitext ko,
Masaya naman ako kasi nakita ko na masaya din si Nicka,
Nakatulog na nga ako nang hindi ko namamalayan at nakinig ko naman na dumating na si lola kaya nagising na din ako, paglabas ko busy pa rin si Nicka kaka cellphone, Aba love hindi kita binigyan nyan para maghapon kang mag gaganyan, babawiin kobyan sige ka, love tingnan mo pre lang ang load nyan pag ikaw nawalan na nang load dimo na yan magagamit sige ka,
Natauhan naman si Nicka kasi nga dipa sya marunong magload, at wala naman syang pambili nang load,
Kaya tumingin sakin na para bang sinasabi na bigyan ko sya nang pambili nang load,bilabas ko naman ang dila ko at sabay sabing ayaw ko nga,
Love binigay ko yan sayo para may magamit ka sa school pero wag mo masyado gamitin pano pag emergency, tamang paraan lang nang paggamit, at i silent mo yan pag may klase kayo,
Naku Jay iho ano naman ba yang binigay mo sa batang yan, ikaw talaga,
Lola cellphone po, kawawa naman po eh nanaginip na nang cellphone ang sinasabi ay baka po mabaliw kaya binigyan ko na ayaw ko po magkaroon nang girlfriend na baliw, ikaw ba lola gusto mo apo na baliw,
Naku iho ikaw talaga,.
Lola kamusta na po yung pinuntahan mo,
Naku Oo nga pala napakaganda nang bahay iba talaga pag may nagtatrabaho sa abroad talagang asensado, at yung asawa nung anak nang kumare ko ang ganda, mukhang mapera din, ano nga bang pangalan nun, teka isipin ko parang Bell ata ang sabi,!
Para naman akong natuka nang ahas sa sinabi ni Lola tita bell,,,,,,,,,