Jay bakit natulala kna dyan kilala mo ba yung sinasabi ko, at napatawag ka nang tita bell
Ah hindi po lola may kapangalan po kasi na tyahin ko samin kaya naman napa tita bell ako ano po bang itsura lola.
Naku iho alam mo naman na labo na ang mata nang lola pero aninag ko ay maputi at medyo maliit,
Hindi naman mapakali si Jay iniisip kasi nya na baka ito na nga ang Bell na na ay Mau,
Andito kaya si Mau ? pano pag nalaman nya na may girlfriend na akong iba ano ang sasabihin ko magagalit kaya sya sakin tuluyan na kaya nya akong iiwan,
Ang daming tanong ni Jay sa kanyang sarili, kahit nga itong ai Nicka ay hindi na nya napapansi dahil sa pag iisip,
Love ano kba sabi ko san mo pala binili itong nokia 3210 na to,
Ha no,
Sabi ko san mo nabili tong cellphone na binigay mo sakin
Ah isang kaibigan na may utang sakin yaan ang pinang bayad sakto para di na ako bibili, at pambigay ko talaga sayo yan dapat kasi bibilihan kita sa birthday mo kaso napaagap na,
Ah bait talaga nang love ko,
Ay lola san nga po yung bahay na pinuntahan nyo kasi parang pamilyar sakin eh kunwaring tanong ni Jay,
pero hindi nya inaasahan ang sagot nang lola ni Nicka
Ah dyan sa malapit sa palingke sa may likuran mismo nang palingke,
Lumakas ang t***k nang puso ko, dahil malapit din dun ang unang bahay dati nila Mau bago sila lumipat,
kaya hindi na maintindihan ang gagawin at Nicka Lola aalis po muna ako naalala ko may bibilhin nga po pala ako sa hardware gagamitin sa canteen,
Sige iho
Hindi naman pinansin ni Nicka kasi busy pa din ito kaka cellphone,
Sumakay na nga ako nang tricycle at nagpahatid sa palingke pero ang ginawa ni jay ay dumaan muna sya sa bahay kung san nakatira si Mau, pero walang tao dun kaya ginawa ko bumili ako sa malapit na tindahan na kakilala ni Mau,
Oy Jay ikaw pala o kamusta na nagkita nba ulit kayo ni Mau,( kinabahan na naman ako) ang tagal na din nang umalis sila may contact paba kayo,
Nakaluwag naman nang loob ko ang ninabi ni manang, Ah hindi pa nga po eh kaya nga po ako nandito nagbabakasakali na dumalaw sila dito,
Ah ganun ba, o sya hayaan mo sasabihin ko na napunta ka dito para maki alita din sa kanila,
Naku salamat po nang marami,
Sunod na pinuntahan ko ay ang nilipatang bahay pero walang tao dun kundi ang nangunguhan sa kanila,
Isang taga dun din naman ang nakakilala sa sakin
Jay naligaw ka, king hinahanap mo si Mau, ay hindi nagagawi dito,
Ah napadaan lang po may pinintahan po ako dyan sa malapit,
Ah ganun ba, sige ingat Jay
Sige po manong salamat,
Unti unti namang napapawi ang mga nasa isip ko at may lungkot din naman ito dahil kung wala nga ang nanay ni Mau ibig sabihin Wala din si Mau dito,
Kaya naman sunod na pinuntahan ko ang palingke kung san dati naka pwesto ang nanay ni Mau,
Habang papalapit sya sa pwesto at binati naman ako nang matandang nagtitinda nang gulay sa tabi nang dating tindahan nang nanay ni Mau,
Jay bili na aba kamusta ka tagal mo ng di napapadaan dito ah,
Sasagot na sana ako nang
Aba si bell naba yan oy bell tawag nito halika ano kamusta kana ang tagal mong nawala ah kamusta nba ang buhay may asawa, pag uusap nang tindira ng gulay at ni bell
Habang ako naman ay parang natuka nang ahas at hindi alam kong pano lilingon at kong pano haharapin si bell, unti unti nga ay lumilingon ako puno nang kba takot kung ano ang maga sasabihin at itatanong ko kung kasama ba si Mau saan sya ngayon magkahalong kaba at saya pero takot pa rin ako kung pano ko haharapin si Mau at tita Bell
Paglingon ko nga ay, gulat na gulat ako, ibang bell pala ito oo nga pala may bell din na babae dito na anak naman nang tindira nang karning manok at ito ay nag abroad at nakapag asawa nang pinoy din pero sa abroad na nakatira umuwi sila dito para magpakasal naman sa pinas,
Oy ate Bellinda kamusta po, ang ganda nyo po ngayon ah,
Oy ikaw pala Jay naku nakakalungkot umalis na pala si Mau ano, at si ate Bellamin,( nanay ni Mau)
Oo nga po eh gusto ko nga pong sumama kaso hindi pwedi,
Ah dinadalaw dalaw mo parin ang lugar ni Mau ano talagang mahal na mahal mo si Mau,
Opo subra napaiyak na nga ako,
Naku jay sorry ha wag kna umiyak magkikita din kayo tutal mga bata pa naman kayo kung kayo ang para sa isat isa ay magiging kayo, tingnan mo ako sa abroad ko pala makikita ang true love ko,
Napatawa naman ako sa sinabi ni Ate Bellinda,
Habang naglalakad ako may panghihinayang naman ang aking naramdaman at totoo mahal na mahal ko parin si Mau Hanggang ngayon,
Umalis na nga ako at habang naglalakad iniisip ko pa din si Mau, kamusta na kaya sya ano kayang ginagawa nya ngayon, gusto ko sya makita, pero pano ni hindi ko nakuha ang kanyang address wala namang naibigay saking number kasi matagal na nga di nauwi ang dalawa,
******** Birthday *********
Hay pinutol ko na din naman ang aking mga iniisip tama nga si ate bellinda, kung para kami sa isat isa ni Mau, kami ang magkakatuluyan, pero kung hindi'! siguro kelangan ko nang maging fair para kay Nicka mahirap din kasi na umasa ako sa nararamdaman lang, gusto ko naman mag effort pero hindi ko pa nga napuntahan yang ilocos na yan, diko nga alam kung san ba yun pano pumunta dun, Kaya tama si Nicka ang nadito si Nicka ang asikasuhin mo,
Nakabalik na nga ako sa bahay nila Nicka, Lola si Nicka po andun sa kwarto nya nag aano nung binigay mo,
Iho tingnan mo maghapon nang naka tuyungko sa hawak nya yun, puntahan mo na dun,
Nicka love ano yan hawak mo parin yang cellphone anong sabi ko sayo, diba
Ehhh love nag gigames lang ako oh, snake game,
Hay love naman ipahinga mo na yan tingnan mo o malolowbat na at ang init na ng cellphone bka mamaya masira na kasi over use, cge na love makinig ha,
Ehhhh love naman saglit nalang tigas ulo naman ni Nicka,
Kaya naisip ko na biruin si Nicka at siguradong tayo ito kaya lumabas ako at kunwari aalis na nagpaalam naman ako kay lola at nilakasan ko pa talaga ang boses ko,
La aalis po muna ako pupunta lang po ako kina Dianne nilakas ko talaga ang pangalang Dianne, pag kasabi ko nagtatakbo naman ako sa may gilid nang halaman para magtago,
Hindi pa nga ako nakaka upo nang ayos ang bilis naman nang takbo palabas ni Nicka, at diridiritso na nga sa daan papunta kina Dianne,
Tatawa tawa naman ako, sa likod nang halaman ng nakalayo na si Nicka lumabas naman ako at naupo sa upuan,
ang tagal bago naka balik ni Nicka naka ngiti naman ako at tinanong ko sya,
San ka galing bakit pagod na pagod ka ?
Napayakap naman sya sakin at nag sorry,
O bakit ka nag sosorry may ginawa ka bang kasalanan
tanong ko naman,
Eh kasi sabi mo pupunta ka kay Dianne papalitan mo na ako,
Ah kaya pala nagtatakbo ka san ka naman nakarating ,
Hindi kita pagpapalit, ang sinasabi ko lang kasi wag masyadong tutok sa cellphone maghapon kna dyan hindi mo na kami iniintindi,
Sorry na love ko, promise di na ako mag bababad sa cellphone,
O sige na pasok na dun at aalis na ako hapon na, balik nalang ako bukas,
Lola sabihin nyo nga sakin pag nagbabad na naman yan sa phone,
Sige Iho at sayo naman nakikinig yang apo ko nayan,
O kita mo Love nagtatampo na din sayo si lola,
Kinabukasan bumalik nga ako at natutulog parin si Nicka, at si lola lang ang nasa labas,
Iho malapit na birthday ni Nicka,
Aba oo nga po maghahanda po ba tayo,
Balak ko magluto nang pansit kaya lang para akong nahihilo pag natayo,
O lola may nararamdaman po ba kayo gusto nyo po ba dalhin ko kayo sa doktor,
Ah ano kba iho ano lang to dala lang nang katandaan ikaw talaga, wag kana mag alala,
Ay sya lola wag kna magluto at kakain nalang tayo sa labas, para hindi na kayo gaanong mapagod, pero wag nyo na po munang sabihin kay Nicka, kunwari limot natin ang birthday nya,
Sige tingnan natin kung ano reaksyon,
Lola pasok na po ako gisingin ko na si Nicka,
Aba tulog pa eh tanghali na, siguro nag puyat ka kakalaro nang snake ano,
Ehhhh love antok pa ako hindi ako naglaro nag isip ako
O ano naman inisip mo
Inisip ko ang love ko kasi ang bait bait nya sakin tapos love na love nya ako,
Ay sus makabola naman halatang may kasalanan eh,
Wala ah totoo yun love ko,
Sige na naniniwala na ako, bumangon kna dyan at kakain na tulungan mo si lola sa gawaing bahay,
Ok po love,
O sus sige na mwahhh, chup chup,
Nakalipas na nga ang isang linggo at sakto naman na natapat nang linggo ang birtday ni Nicka, kaya maaga palang ay andun na ako wala nga kaming sinasabi ni lola hindi nga namin binabati eh pero maaga syang nagising lola kunwari papasama ka sa kumare mo ha, yayayain mo kami,
Maya maya nga ay nag yaya na si lola
Jay iho pwedi mo ba akong samahan sa kumari ko
Sige po lola wala naman po kaming pupuntahan ngayon, ni Nicka sasama nalang po kami sa inyo,
Salamat iho,
Ang Nicka naman ay para na namang pusa at panay ang kuskus nang ulo sa dibdib ko tapos ngingiti,
Oy love anong nangyayari sayo, magbihis kana at sasamahan natin si lola, halata naman na naiinis na si Nicka kasi pumapadyak padyak na ang lakad nito, diko naman pinansin,
Pumara na nga kami nang tricycle manong sa may simbahan nga po,
pag dating namin sa may simbahan ay lola pumasok po muna tayo sa jollibee mainit po kasi dito, pag hihintay,
pagpasok nga namin ay umorder na ako at ang order ko ay puro paboriti ni Nicka,
Lola love sandali lang may tatawagan lang ako, ha,
bumili naman ako nang cake sa katabing goldelocks at pag balik ko ay kumanta na nga ako nang happy birtday tuyo paulit ulit hanggang mapaiyak na nga si Nicka
Akala ko nakalimutan nyo na birthday ko,
Pwedi ba yun syempre hindi kami pa ni lola
Habang nagkakasayahan nga kaming tatlo ay biglang natumba si lola,
Lola Lola ano pong nangyari, lola gumising po kayo,
Nagkagili na nga kami sa jollibee pati na nga mga ibang customer ay naki gulo na din
Tumawag namn kami nang tricycle para madala agad sa ospital si lola,
Dok ano pong nangyari kay lola bakit bigla po syang nahimatay,
Hindi pa natin malalaman yan iho kelangan muna nating makita yung test nya,
sa memorial nga ulit dinala si lola kaya kilala na sya nung doktor na tumingin sa kanya dati,
naku iho kelangan nyo nang kumuha nang damit ng lola nyo at baka mga limang araw ang lola nyo dito,
dok bakit po ano po bang sakit nang lola,
Ah wala naman normal na ang ganitong humihina ang resistinsya pag matanda na, kunting pahinga lang ito at, gagaling na ulit ang lola nyo, ito nga pala ang bibilhin na gamot damihan mo na mura lang naman yan vitamins at minirals lang yan para lumakas ang katawan nang lola mo, intayin nyo nalang magising,
Salamat po dok,
Si Nicka naman ay iyak nang iyak sa pag aalala sa kanyang lola ni hindi nga makapag salita man lang, buti nalang talaga at kahit papano ay natutunan ko kung pano makipag usap sa tao,
Wag kana umiyak Nicka ok naman na daw si lola kelangan lang nang pahinga, wala naman daw sakit si lola pahinga lang daw at normal daw sa matatanda na bumaba ang resistinsya, kaya wag kna umiyak dyan,
Himdi ko nga pala tinatawag na love si Nicka sa ibang lugar kasi napaka alangan pa kasi sa kanya at sakin, sa bahay lang at sa kakilala, namin,
maya maya naman ay nagising na din si lola
Lola kumusta na po pakiramdam nyo, nahihilo pa po ba kayo,?
Hindi na iho pwedi na tayo umuwi kaya ko na,
Naku lola sabi po nang doktor ay kelangan nyo pa daw mag pahinga kahit limang araw dito, para makabawi daw kayo nang lakas ito nga at nakabili na ako nang gamot na pang limang araw, para lumakas daw kayo, agad,
Lola naman bakit naman sa birthday ko pa ikaw nagkaganyan kala ko po kung napaano na kayo,
Iyak na iyak si Nicka habang kausap ang lola nya
dyan muna kayo at bibili lang ako tubig di na ako nakainom eh,
At binalikan ko nga ang cake na naiwan namin sa jollibee hindi pa kasi namin nabawasan yun,
Kinausap naman ako nang manager nang jollibee
Iho kamusta na ang lola mo,
Ok na daw po bumalik lang po ako para kuhanin ang cake
Oo pinatago ko nga teka kukunin ko,
Pagbigay sakin nang cake inabutan naman ako nag tatlong spageti tatlong burger, O ito iho, sabihin mo sa lola mo magpagaling ha,
Naku maraming salamat po napaka bait nyo po,
Pagka balik ko nga sa ospital nakinig kong nag uusap ang mag lola,
Iha maswerti tayo kay Jay kaya wag nyong pababayaan ang isat isa magbigayan kayo hulog nang langit satin si Jay apo lagi syang naditi satin alam ko napaka bata mo pa para makipag relasyon nang maaga ang gusto ko ay makapagtapos ka muna nang pag aaral at isa pa 6 na taon nalang dalaga kana kaya pag butihan mo pag aaral mo, matanda na ako hindi natin masasabi ang panahon,
Wag po kayo magsalita nang ganyan lola mabububay pa po kayo nang matagal sabi po nang doktor wala naman po kayo sakit kelangan nyo lang po nang pahinga iyak naman ni Nicka, sa kanyang lola,
Pumasok na ako ,
Lola may dala akong pagkain ituloy nating ang birthday
sabi ko naman para hindi na sila mag iyakan, kumain na nga kami ulit at hinati ang cake binigyan na din namin yung ibang paayente sa loob,
Pano lola aalis na din po ako at may pasok bukas
Sige iho salamat ulit
Ayos lang lola , balik nalang po ulit ako bukas,
Nicka balik nalang ako bukas makakapasok kba,
Titingnan ko pa king hindi na kailangan ni lola nang makakasma,
Sige pag pumasok ka sabay na tayo pagpunta dito
Bye happy birthday ulit,,
******* Gulo sa school *******
Lunis na naman pag iiniisip ko na parang ang bilis nang araw at oras dahil sa busy ka sa trabaho, hindi mo na talaga namamalayan na malapit n ang bakasyon hindi naman gaano kabili sa panong ito magbibilihan lang ulit kapag reces na, hayyy buhayy.
May napansin akong babae nakatingin sakin sabay kikindat hindi ko tuloy alam kong ano kelangan nito sakin, maganda naman pero halatang wala itong pera at masasabi mo ding mahirap lang ang buhay nila kasi kita ko sa kulay nang uniform dilaw n kasi ito sa kalumaan, parang si Nicka lang nung una ko makilala luma n din ang uniform kundi nga lang ako ang nahihiya kasi ay hindi ko sya ibibili, minsan kasi talaga likas n sakin ang pagiging matulungin ko kagaya nito hindi maalis ang tingin nya may kindat pang kasama sakin kaya naman kinawayan ko sya second year na sya kasi dalawang guhit sa palda, Itong guhit kasi sa palda ang palatandaan kung anong year mo na, kung isa 1st year kung 2 second year 3 rd year 4 th year naman sa lalaki ay kulay nang logo ng school 1st green 2nd yellow 3rd ay blue 4th ay red, kaya madali mo makikilala, year
napangiti nga sya sa kaway ko, nang biglang
Ano mga gago kayo tara suntukan na nagka rumble nga sa harao pa nang canteen store kita mo din kung pano magsuntukan sipaan hanggang sa nagkagulo na nga agad naming pinasok ang mga paninda namin kasi pag rambulan damay lahat hindi lang kasi ngayon nangyari ang ganito, nung isang beses kasi nasipa yung paninda naming chockoshake yun tapon, habang may nag aaway nga nakita ko itong babaing tingin ng tingin sakin na nakaupo at takot na takot kaya naman agad kung nilapitan ko at hinila ko papunta sa pwesto namin,
miss ok ka lang ito na naman nakatingin sakin tapos kikindat naku bakit parang may mali at pagtayo nga nya sakin habang nagpapasalamat kindat ng kindat naku sabi ko na at, may mali nga, napahiya naman ako kla ko tuloy makaka chick na ulit ako, sadya palang ganun ang mata,
habang tuloy naman ang bugbugan kita kong bumunot nang icepick yung isa at akmang sasaksakin kaya sa gulat ko sumigaw ako
Hoy gago ka ah suntukan lang kayo walang saksakan, napatingin tuloy sakin ang lalaki firstyear lang ito pero ang lakas nang loob magdala nang ice pick, dinuro ko naman sya at sinamaan nang tingin nung nakitang paparating na ang guard agad namang nawala ang mga nag aaway,
nagpasalamat naman sakin yung dapat ay sasaksakin, ng icepick
pre salamat ha.
ge wala yun, bakit nga pala kayo nagkagulo,
Gago kasi yun hinipuan nang pwet yung girlfriend ko kaya ako nagalit,
Ah hinipuan ba talaga bka naman nasagi lang,
Kung nasagi yun bakit tatawa tawa kaya nainis din ako, mayayabang kasi dahil may resback sa labas,
ah kala ko naman may gang kayo at nagkainitan, hindi magkakatropa lang kami, gusto nga naming sumali kaya lang ang hirap kelangan may palo pa o kya suntok,
Ganun talaga yun para yung sinalihan mo ay sisiryusuhin mo,
Ikaw pre kasali ka sa gang,
Hindi pero marami ako kilala na leader at pounder pero di ako nasali, ayaw ko nga di nga ako nakikipag away eh.
Kung gusto nyo isasali ko sayo marami nang myembro ito at pwedi nyo ding isali mga girlfriend nyo kasi may babae din sila,
Sige pre, para hindi na din kami pinagtrtripan dito,
Tamang tama malapit na kami magsara intayin nyo na ako at isasama ko kayo,
Sumama nga sakin ang mga mokong, anim din ito pandagdag sa bilang at mga palaban,
Habang naglalakad kami, inaabangan pala ako nang lokong may dalabg icepick at madaming kasama nasa sampo ata ito o hingit pa, sabi sakin ni richard pre yun yung naka away namin o mukhang suntukan na naman to,Wag muna kayong gagalaw paunahin muna natin sila,
pagkaharang nga sakin
Ano brad yabang mo kanina ah, nam f**k you kpa sakin ah ngayon kayo mag matapang,
Sabi ko pre hindi ako naghahanap nang gulo at isa pa hindi kita pinak you,
Wala akong paki yari kayo samin ngayon,
Pinalibutan na nga agad kami nang isang lalaki ang umakbay sa nagbabanta sakin,
Jay pre tirahin na namin to, gulat naman ako Asero andyan ka pala, si Asero isa sa kinatatakutan gang dito sa tapat ng school pero iba tiritoryo nya, iba iba kasi may hawak kda lugar, masarap ding tumambay kina Asero kasi puro babae ang myembro nila, ma porma kasi kaya mahatak sa chics,
Pre kilala mo ba yang mga yan, nagalit sakin inawat ko lang naman at mananaksak na,
agad namang sinikmuraan ang lalaki. mga gago kayo taga dito ba kayo, kilala nyo ba yang pinapayahan nyo,
Hindi po boss pasensya na boss anong gang ba kayo ayusin nyo wag na wag nyong tataluhin tong kaibigan namin baka akala nyo wala kayong tatakbuhan dito pag binanatan nyo si Jay,
Galangan lang tayo dito mga brad kaibigan ang hanap ko hindi kaaway,
At nagka ayus ayus na nga kami, pati mga kasama ko, nakipag ayus na dun, kaya hiwahiwalay na ng lakad,
Asero pre salamat ha, bait mo
Bwesit ka sumali kna kasi samin may mga bago kami chics 1st year,
Hahaha baliw saka na, salamat ulit, nag abot naman akong pang bili nang alak . o pre alam kong inuman yan pag may bago,
Hahaha kabisado mo na talaga ako ha sige salamat dalaw ka sa tambayan minsan
Walang priblema pre,
Habang naglalakad naman kami sa shortcut di maiwasang magtanong ni richard pre kilala ka pla dito eh, astig mo dun ah,
Sabi ko naman sa inyo kaibigan hanap ko hindi kaaway,
Maya maya isang grupo na kalalakihan ang papalapit sa amin nag tabihan naman sila richard ako naman nasa gitna lang, nang biglang umaper ang lider
Oy Bry balita, ito may gustong sumali, satin ayos tong mga to nakita ko nang makipag rambol to,
Richard si Bry ang founder dito da shortcut hawak nila hanggang dun sa may bayan pati dyan sa may mall sa likod marami na ding myembro na napasok dyan makikilala nyo yun pag member n kayo,
San nga pala kayo punta Bry, Makikipag metting kami sa landing pati kat Asero tungkol sa mga gamit
Ah naku wala si Asero may bago daw sila sigurado inuman yun tutal may bago kadin saka na yun,
unahin mo na to dagdag bilang din to,
Sige na nga kaw talaga Jay.
O sige kayo na bahala sa kanila, mga pre sama lang kayo sa kanila,
Bakit Jay di kba sasama
hindi Bry papunta ako ospital dalawin ko si lola at si Nicka di din naka pasok, baka may problema sa ospital
Ah sige tol ako na bahala sa mga tropa mo,
Pagkadating ko nga sa ospital nakita ko si Nicka na naka ub-ub sa higaan ni lola at natutulog, si lola naman ay gising at nakikipag kwentuhan sa mga kasama nya na pasyente,
Lola kamusta po ang lagay nyo, nagdala po ako prutas, para may makain po kayo pampalakas din daw po ito,
Naku iho nag abala kpa maayos na ang pakiramdam ko malakas na nga ako,
Mabuti po kung ganun,
Iho Paki samahan mo muna si Nicka sa bahay at laging nag aalala sakin dito hindi nga pumasok dahil puyat ayaw matulog gusto ay nakabantay sakin, ayos naman na ako sabi nang doktor kelangan ko lang manatili dito sa ospital nang mga ilang araw pa,
Ginising ko nga si Nicka para tanungin kong kumain na sya,
******* Masarap na Pakiramdam *******
Nicka gising na, at mag meryenda ka muna,
Jay kanina ka pa ba,
Hindi kakarating ko lang binilhan kita nang burger kain ka muna ai lola prutas binili ko,
Habang kumakain si Nicka kinausap na sya ni lola
Nicka apo umuwi kna sa bahay para makapag pahinga ka, pinasamahan nalang kita kay Jay, para makapasok ka din ayos naman na ako diba sabi naman ni dok wala na tayo dapat alalahanin kelangan ko lang maka pagpahinga
Lola pano po kayo dito sino kasama nyo dito, aino magbabantay sayo,
Ano kba apo lakas na lakas ko pa at hindi ko naman kelangan nang bantay,
muli namang nag round ang doktor at tinanong ni lola
Dok hindi bat malakas na ako nag aalala kasi itong apo ko, ayaw pumasok sa school,
Agad namang naunawaan nang doktor naku iha wala kang dapat ipag alala ayos na si lola wala naman syang sakit kelangan lang makapagpahinga pa si lola nang mga ilang araw para magtuloy tuloy na ang paglakas nang kanyang katawan at lagi naman kami nag raround dito kaya safe si lola,
Sige po dok salamat po dok ito po ang aking number paki tawagan po ako dok kung ano problema,
Tinanong ko naman si dok, Ay dok may mga kailangan pa po bang gamot na bibilihin,
Ah wala na naman sapat na yung pinabili ko sayong gamot last time, pero paglabas ni lola may kelangan na syang maitenance na vitamins para magtuloy tuloy naman ang kanyang paglakas,
Sige po dok maraming salamat po,
O diba apo sige na umuwi na muna kayo para makapag pahinga ka, at makapasok ka na sa klase mo, hindi pweding aabsent ka malapit na ang exam mo,diba para makapag aral ka nang ayos,
Pagkakain ni lola nang hapunan ay umalis ma nga kami,
Habang nasa tricycle tinanong ko naman si Nicka,
Love kamusta maghapon mo, bakit puyat ka daw sabi ni lola,
Love hindi kasi ako makatulog iniisip ko si lola nag aalala ako sa kanya,
Ayos naman na si lola kaya wag kna mag isip at isa pa tama si lola kelangan makapahinga ka para makapag aral ka, At nakarating na nga kami sa bahay, nila Nicka,
kumain na din kami sa ospital kaya ayos lang na hindi na kami maghaponan,
Hindi ko alam pero parang gusto kong may mangyari samin ngayon, siguro ay namimis ko na si Nicka di ko lang sure kung gusto nya, kaya ang ginawa ko habang naliligo sya, ay kumuha na nga ako nang panlatag at inilatag ko ito sa higaan sa sala na pang isang tao, at nakahiga na nga ako, nang lumabas si Nicka sa banyo ay dumiritso naman sya sa kwarto para magbihis, matapos magbihis ay lumabas nga sya at lumapit sakin,
Love bakit dyan ka tutulog ayaw mo bang tumabi sakin
kung ayaw mo tumabi sakin ako ang tatabi sayo dyan,
Hindi naman gusto ko nga na magkatabi tayo syempre matagal ko nang hinihintay to, kasi si lola lagi katabi ko pag natutulog ako dito, pabiro ko sa kanya, napatawa naman sya,
Tara sa kwarto na tayo pagod na din ako,
Habang nakahiga nga kami at pinag uusapan namin si lola hindi ko naman maitago ang tanong ko kasi napapaisip din ako,
Nicka wala nba kayong kamag anak na malapit dito, kasi bakit parang wala pa akong nakikilalang kamag anak nyo dito na bumibisita sa inyo,
Sabi ni lola malayo daw yung mga kamag anak namin,
Yun bang mga magulang mo nakilala mo,
Hindi na maliit palang ako si lola na ang kasama ko, basta ang sabi sakin ni lola nung maliit pa daw ako ay iniwan na nang nanay ko si tatay at labis na ikinalungkot daw ni tatay yun kaya si tatay ay nalungkor nagbisyo hanggang sa magkasakit at mamatay ang nanay ko naman daw ay hindi manlang dumalaw o makuhang kamustahin ako kaya wala na rin akong paki alam sa kanya, love bakit ganun bakit may mga magulang na kayang iwan ang kanilang mga anak,
Hindi ko din alam ok naman kami nang nanay at tatay ko at saka hindi naman sila mahigpit sakin basta sinusunod ko lang mga pinagbibilin nila,
Love bakit ka pala huminto sa pag aaral,
Natahimik ako sandali at napabunting hininga, balak ko na din naman sabihin kay Nicka ang nakaraan ko kay Mau,
Love magiging matapat ako sayo, kung bakit hindi ako nakapasok ngayong taon, Dahil sa sakit sa puso,
Love may sakit ka sa puso,?
Maurine ang pangalan nya, magkaklase kami nung firstyear mabait sya maalalahanin at maalaga, bagay na nagustuhan ko sa kanya, hindi ko nmn sya niligawan pero naging malapit kami sa isat isa hanggang sa dumating na nga sa naging kami na dalwa lang sila nang mama nya at hindi naman naging lihim ang aming relasyon sa mama nya, masaya kami halos lagi akong nasa kanila maraming naituro sakin si Mau sa buhay, pero isang araw ay nakatanggap sila nang balita kung saan ito ang balita na kailangan nilang umalis at lumipat nang ibang lugar, masakit para samin ni Mau ang nangyari, at ang aming paghihiwalay sa subrang lungkot at sama nang loob ko halos gumuho na ang mundo ko nun nawalan na ako nang gana sa buhay, pero nagbago na ang pananaw ko ngayon kaya sana wag mo isipin na iiwan kita kasi si Mau isang magandang nakaraan at ikaw ang magandang simula,
Yun lang tulog na si Nicka hindi ko tuloy alam kong naintindihan ba nya ang mga sinabi at kwento ko, sa totoo lang bakit kung kelan seryuso kaming mga lalaki hindi naman iniintidi nyong mga babae, haba haba nang kwento ko tapos tutulugan lang ako, hay buhay, pero ang gaan gaan nang pakiramdam ko nang mailabas ko ang bigat sa loob ko,
Kinaumagahan nga maaga na kaming nagising sabay narin kaming pumasok wala naman akong nakitang kakaiba kay Nicka siguro hindi nya talaga narinig ang kwento ko,
Sa canteen store isang babae naman ang bumili sakin
Dito lang pala kita matatagpuan,
Oy Dianne balita, bakit mo naman nasabi yan hinahanap mo ba ako,
Hahaha tinatanong pa ba yan, gusto mo sabay na tayo umuwi,
Dependi kung wala akong kasabay,
Bakit si Nicka ba sabay kayo nauwi,
Oo kasi pupunta pa kami ospital puntahan namin lola nya,
Ganun ba kamusta naman lola ni Nicka?
Ok naman sabi nang doctor kelangan lang magpahinga,
Swerti talaga nang nagiging girlfriend mo, ako kaya kelan magiging girlfriend mo, esti makakahanap nang kagaya mo,
Ikaw kasi bagal mo naunahan ka tuloy ni Nicka,
Wag mo akong subukan Jay baka totohanin ko mga sinasabi mo,
Hahaha joke lang malay mo makahanap ka din nang para sayo,
Siguro pero hindi kasing bait at responsabling kagaya mo,
Wow salamat Dianne, sarap sa tenga lumalaki tuloy ulo ko,
Ulo san haahahaha
Bwesit ka pumasok ka na nga,
Sige o bayad ko,
libre ko na yan sayo,
Nagiging close na din kami ni Dianne sarap din kasi kasama kasi kalog din,
Dumating na nga si Nicka sabay na din kami nagpunta sa ospital kinumusta lang namin si lola dun ok naman nakaka sayaw na nga, kaya naman umuwi na ulit kami, dahil nga maaga pa nang dumating kami sa bahay pinagluto naman ako nibDianne tapos tinanong nya ako kung maliligo ba ako kung ano mga kelangan ko, sabi ko wala naman, hindi ko naman inisip ang ginagawa ni Nicka,
Love tara tulog na tayo,
Sige ipapahinga ko lang tiyan ko kakatapos lang natin kumain at lilogo ako, para mabango naman ako sa tabi mo,
Pagkatapos ko nga maligo ay dumiritso na ako sa paghiga, nakahiga naman na si Nicka at nag cecellphone, pero nang mahiga naman ako ay binaba narin ang cellphone nya,
Love may gusto kaba gawin tanong ni Nicka sakin,
Ha, ano