AEVIA VALESKA MOREAU POINT OF VIEW
Kinabukasan ay mag kakasama nanaman kaming apat.
Me, Sebastian, Atlas and Haelyn.
“Buti naman at nagagawa mo pang lumakad.” Natatawang sambit ni Haelyn sa akin.
Normal na sa aming apat ang mag biro ng ganito kaya agad naman akong namula habang si Sebastian ay napangisi.
“Mabait pa naman ako.” Biro ni Sebastian.
“So, what are your plans?” Tanong ni Haelyn sa amin dalawa ni Sebastian.
“As for me, wala. Aayain sana kita manood ng sunset since may lakad ang boys.” Sambit ko.
“Wow, finally naaya rin.” Biro ni Haelyn.
It’s already 3:40 o’clock in the afternoon.
Halatang napagod ako kagabi dahil ganitong oras palang kami nagising ni Sebastian tapos may lakad pa sila.
“Anong oras kayo uuwi?” Tanong k okay Sebastian.
“Before dinner baby. I’ll buy us some dinner or you’re going to cook for me?” Tanong ni Sebastian.
“Buy us some dinner. Me and Haelyn will have a girls talk and girls night.” Nakangiting sambit ko kaya tumango lamang si Sebastian sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo at labi bago tuluyang umalis kasama si Atlas.
Doon palang ay may napansin na ako.
Hindi nag paalam si Atlas kay Haelyn, kahit salita, yakap o kahit ano ay wala.
Ganoon din nung kasal naming so I was wondering, what happened?
“Let’s go na. Papalubog na ang araw.” Pag aya sa akin ni Haelyn kaya tumango na lamang muna ako at sumunod na sakanya.
Habang nag lalakad ay tahimik lang kaming dalawa, pinapakiramdaman ko si Haelyn kung mag sasalita ba siya at mag sasabi sa nangyari.
Alam kong alam niya na nakakaramdam at nakakahalata na ako.
“Haelyn.”
“Aevia.”
Sabay naming sambit kaya napangiti ako. “You go first.” Sambit ko Kay Haelyn bago tuluyang naupo sa aming nahanap na pwesto.
Ang haring araw ay unti unti ng lumulubog, at ang kalangitan ay punong puno ng magagandang kulay dahil sa araw. The air is warm, but there still a cool breeze coming from the ocean that makes it feel so refreshing. Ang tunog ng alon na dumarapo sa dalampasigan ay nakakapag bigay ng katahimikan, at parang nawawala ang lahat ng iba pang bagay sa paligid.
“You can ask me now. Alam kong napapansin mo na.” Sambit ni Haelyn at nag iwas ng tingin.
“Do I need to ask you a question first before you make amin what really happened?” Taas kilay kong tanong sakanya.
“I don’t know where to start so just ask me a questions and I will honestly answer.” Nakangusong sambit ni Haelyn kaya napailing nalang ako.
“When?” Tanong ko.
“On your wedding day. Doon ko napag desisyunan na makipag hiwalay kay Atlas.” Seryosong sambit ni Haelyn.
Nilalaro niya ang buhangin na tinatangay din naman ng alon ng dagat.
“Why?” Tanong kong muli.
“We’re starting to get toxic. Masyado na akong nagiging controlling. Alam kong nagiging maali na ako yet hindi pa rin nag sasabi si Atlas. Ayokong maubos siya, ayokong pag tiisan niya ako lalo na’t umiikot nanaman yung mundo ko ng mag isa.” Sambit ni Haelyn.
“Anong problema?” Tanong kong muli.
“Hindi sapat na rason na kaya ako nagiging ganito dahil sa sarili kong problema pero yun lang talaga ang rason ko.” Sambit ni Haelyn na ngayon ay pinapanood ang pagbaba ng sunset.
“What exactly happened Haelyn?” Seryosong tanong ko.
“As usual. Tinatanong nanaman ako ng magulang ko kung kanino ako sasama because for the how many times it happened, they want to divorce again.” Seryosong sambit ni Haelyn.
“Hindi na ako bata, I can literally fúcking decide but still. Ayoko.” Natatawang dugtong niya.
“Masyado ba akong makasarili para hilingin n asana makumpleto kami?Na mabuo ulit yung dating masaya naming pamilya? Na sana bumalik kami sa dati na nag mamahalan?” Pagak ang boses na sambit ni Haelyn.
Nag pipigil itong umiyak at ramdam ko yon.
“Sometimes, we need to accept the fact na hindi lahat pwedeng mag stay. Palagi namang may nag babago. It’s not also easy to accept and let go of the things na nakasanayan mo pero still, yun lang yung pwede mong gawin in order for you to grow.” Sambit ko.
“You’re starting to push Atlas away kasi alam mong kaya ni Atlas tanggalin yung sakit na nararamdaman mo, yung lungkot mo. Tinutulak mo nanaman siya palayo kasi ayaw mong madamay siya, ayaw mong mas masaktan siya yet you still choose the risky way, ang hiwalayan siya.” Dagdag ko pa.
“You need to step out sa comfort zone mo. Kung palagi kang babalik diyan sa tuwing pine péste ka ng mundo ay hindi ka talaga mag gogrow. You’ll just end up having a life cycle. Magiging okay, mag kaka problema, itataboy si Atlas then babalik ka ulit from the start. Hindi ka ba napapagod?” Tanong ko.
Nanatiling tahimik si Haelyn at isinandala ng kaniyang ulo sa aking balikan.
“I fúcked up.” Umiiyak na sambit niya.
“It’s okay. It’s totally fine. Walang taong perpekto, lahat tayo nag kakamali. Take this as a lesson.” Sambit ko habang hinahagod ang kaniyang buhok.
“Siguro much better na ganito na rin ang ginawa mo. Focus on yourself muna Haelyn. Heal yourself first, kung talagang matibay pag mamahal sayo nun babalik at babalik yon.” Seryosong sambit ko.
I trusted Atlas on this one. Hindi ito ang unang beses and if Sebastian knows this, paniguradong ito lang din naman ang sasabihin niya kay Atlas.
“Sarili mo muna, sabi nga nila, in order for you to love others, you need to live yourself first.” Sambit ko.
“Hindi naman masamang unahin ang sarili. Nandiyan pa rin naman si Atlas sa tabi mo.” Dagdag ko.
“I hope so, pero ayokona munang iikot kay Atlas mundo ko.” Seryosong sambit ni Haelyn.
“Of course. Ssrili muna.” Natatawang sambit ko.
“Ang ganda ng sunset ‘no?” Sambit ni Haelyn kaya naptingin ako sa kalangitan.
“You know what? A sunset can symbolize endings, letting go, and reflection, while the sunrise represent a new beginnings, hope, and fresh opportunities. Together, they remind us that life has its ups and downs, but each day brings a chance to start over and embrace what comes next.” Nakangiting sambit ko.
“Habang umiikot ang mundo, patuloy ang buhay. Maraming problemang mag daraan pero lahat yun ay malalagpasan natin. Trust yourself.” Sambit ko at saka niyakap si Haelyn.
“Tahan ka na diyan. Mahal ka nun, pahinga nalang muna kayo.” Pag aalo ko jay Haelyn dahil mas lalo ko pa syang napaiyak dahil sa sinabi ko.
“Ano bay an, expected ko pa naman hindi ako iiyak.” Umiiyak na reklamo niya kaya napatawa ako ng bahagya.
“It’s okay to cry when things gets heavy. Hindi naman kahinaan ang pag iyak you know, it’s a strength. Ibig sabihin umiiyak ka kasi nakaya mo lahat, it’s a way of releasing all of your emotions that got stuck on you.” Sambit ko.
“Saka iyakin ka naman talaga. Ano pang bago sayo.” Pang aasar ko, trying to lift up the mood.
“Negative aura go go away please.” Dagdag ko pa kaya bahagyang napatawa si Haelyn.
“Finaly, I saw your smile. The real ones.” Nakangiting sambit ko at patuloy sa pang aasar sakanya hanggang sa maging okay siya.
Nang mag hahapunan na ay bumalik na kami sa bahay, saktong kabababa lang ni Atlas at Sebastian sa kanilang sasakyan.
I saw how Atlas looked at Haelyn, puno ng pag aalala. Siguro ay dahil na rin maga ang mata ni Haelyn dahil sap ag iyak.
Pag pasok naming sa kusina ay agad na inilapag ni Atlas ang dala nilang pag kain. Nasa cr kasi si Haelyn dahil mag huhugas daw siya ng mukha.
“I know she already told you what happened. Is she okay now?” Mahinang bulong ni Atlas sa akin.
"Not really." Sambit ko.
"Where's her food?" Tanong ko.
"Nandiyan. I'll leave now. Maiilang yun e." Sambit ni Atlas.