"Major..." tawag ni Merci kay Major at kaagad na hinawakan ang braso ng lalaki dahil bigla itong napaluhod sa sahig. Kahit sino man ay manghihina sa mga nalaman. Habang panay tawa naman ni Eloisa sa gilid na animo'y demonyong tuwang-tuwa sa na saksihan. Mabilis na nilapitan niya ang babae at sinampal sa magkabilang pisngi. "Demonyo ka talaga! Wala kang awa!" asik niya at pinagsasampal ito hanggang sa matumba ang babae sa may sahig tawa pa rin ito ng tawa. "Hahahahahahaha, ganiyan nga. Gustong-gusto ko makita ang ganiyan reaksyon ninyong dalawa. Kung hindi ako sasaya dapat kayo rin, hanggang sa mamatay ako hindi ko kayo hahayaan na magiging masaya," paulit-ulit nitong sinambit. "I'll make sure to let them pay for what they did, regardless of what relationship l have with them," biglang

