IT'S been one week matapos mangyari ang lahat at hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli si Eloisa at maging ang sindikatong kasabwat nito. At sa mga nakalipas na araw ay maraming ng bago gaya na lamang ng kinikilos ni Major Isagani, palagi ito tulala ay may malalim na iniisip. "Merci..." Napakurapkurap siya nang marinig niya ang boses ni Shyra, nasa may hardin siya at nakatanaw sa mga bituin sa langit yakap-yakap ang kanyang sarili. "Nandito ka lang pala, ayos ka lang ba?" malumanay na usisa ni Shyra at umupo sa tabi niya. Ayos ba siya? Physically she's slowly healing but, she's emotionally unstable. Kaya't napabuntonghininga siya at sumulyap sa kaibigan na inabot ang kanyang mga kamay na para bang sinasabing magiging maayos din ang lahat. "Magpakatatag ka, alam kong hindi madali pero k

