Nagising si Merci ng marinig niyang bumukas ang pinto, dahan-dahang niyang minulat ang kanyang mga mata at tinignan kung sino pumasok. “Shyra?’ kunot-noong bulalas niya sa pangalan ng babae. “Ako nga, bumangon ka na mo na at tutulungan kitang magbihis,” sabi nito sa kanya at lumakad palapit sa kama para hawakan ang kanyang kamay at hilahin siya patayo. “Teka, bakit? Ano mayroon?” nagtatakang tanong niya kay Shyra ng pinaupo siya ni Shyra sa harap ng salamin at naghalungkat ito sa may mga bags na binili ni Major na mga damit niya. “Basta, mare. Sumunod ka na lang at paniguradong matutuwa ka mamaya,” sagot ni Shyra. Kumunot naman ang kanyang noo at tumayo para lumapit rito. “Ito bagay ito sa iyo, hala sige, pumasok ka na sa banyo at suotin ito at maghugas ka na rin ng mukha at mag-too

