“Mare, sigurado ka bang dito ka sa akin matutulog?” tanong sa kanya ni Shyra. Napalingon siya sa babae, nasa loob sila ng cabin, at ang mga lalaki ay nasa labas, hindi niya alam kung ano ginagawa ng mga iyon. “Oo, kung ayos lang sa iyo,” aniya at humiga na sa kama, habang si Shyra ay nakatayo sa may pintuan ng banyo. “Plano mo talaga siya huwag pansinin? Hanggang kailan naman? Pano kung ma-misunderstood niya at hindi ka suyuin?” tanong ni Shyra sa kanya at lumakad palapit sa may kama. Na-ikwento na niya rito ang nangyari. Ewan ba niya, parang ayaw niya muna makita si Major, bumabalik-balik kasi sa isipan niya ang sinabi nito sa kanya, na para bang wala lang rito kung mawawala siya. Isa pa’y hinahanda niya ang sarili sa kung ano man ang madadatnan niya sa mansion nito. “Hindi ko alam,

