“Tsk!” aniya at napailing pa sa pagiging usisero ni Mikael. “Ano ba iyan, masyado ka namang pa suspend, sabihin mo na kasi, Major. Ano ba kasi iyon?” Tael na uubusan na ng pasensya. Bumuntonghininga naman siya. “Oo na ito na nga, magkwekwento na,” aniya at umayos ng upo. “Oh, umpisahan mo na,” utos sa kanya ni Terrence na ngayon ay may patagay-tagay pa sa baso ng beer at ibigay sa mga kasama nila. “Basta ba't huwag ka umiyak mamaya pagkatapos mo magkwento ha,” singit naman ni Terix. Binatukan naman siya si Terix. “Anong akala mo sa akin maoy?” “Anong maoy?” Sabay-sabay na tanong ng mga ito sa kanya. “Maoy, term iyon na ginagamit kapag ang isang tao ay nagwawala kapag nakainom, it's either umiyak o naghanap ng away,” paliwanag niya at uminom ng beer. “Ah,” sabay-sabay na reac

