“Bigyan mo na sila, kay rami niyan ‘e,” aniya sa lalaki at hawakan ito nang dumaan sa kanyang tabi. Ngumuso si Major na animo'y batang ayaw magpahiram ng laruan. She couldn't help but to smile at abutin ang pisngi nito at pisilin. “Ang kyut mo talaga,” sabi niya matapos kunin ang kaldero sa may kamay nito at ibalik sa stove. “Kyut lang?” kunot-noong sabi ni Major at ngumuso pa talaga. “At gwapo din,” aniya at ngumiti rito. “Maya na kayo magharutan at kami'y gutom na,” singit naman ni Tael na akmang sasandok na ng sabaw sa may kaldero ng biglang inagaw ni Major Isagani ang sandok mula rito. “Aba, nauna ka pa sa akin, ‘e parang sa akin iyan,” giit ni Major kay Tael na nguso naman. “Merci, o, nagiging maramot naman siya,” sumbong ni Tael sa kanya. Napabuntonhininga naman siya.

