Nangpameywang siya sa harap ng lalaki sabay taas ng kanyang kilay. “May sinabi pa ako?” Huminga ng malalim si Major Isagani at inilagay ang mga kamay sa may baba nito. “You really want to this in hard way, huh?” Napa-atras naman siya ng humakbang palapit sa kanya si Major. “Ano ginagawa mo? Hindi mo ako madadala sa mapipinindak mo na iyan, kala mo ‘a,” mabilis na aniya sabay akmang tatakbo mula sa lalaki pero mabilis siyang nahuli ni Major Isagani sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang bewang at bago pa man niya malaman kung ano ang kasunod na gagawin nito’y kiniliti na siya ng lalaki. “Ah, Major!” hiyaw niya sabay tawa. “Galit ka pa rin ba ngayon?” tanong ni Major at patuloy siyang kiniliti. “H-Hindi na, kaya’t itigil mo,” habol hiningang sagot niya. Sumasakit na ang kanyang banga

