"Bwesit siya! Bwesit silang dalawa!” inis na inis na giit niya at napapadyak pa talaga sa sahig. Nasa labas siya ng mansion sa may hardin. Dito niya naisipang magmukmok. “Kay aga-aga na highblood ako sa babaeng iyon! Arghhhh, ang sarap niyang tirisin!” aniya at napapadyak ulit. “Oh, Merci, ano ginagawa mo diyan?” Napatigilan siya at napalingon nang marinig niya ang boses ni Shyra at ang papalapit na yapak nito. “Shy, ikaw pala…” aniya at huminga ng malalim. “Huwag mo sabihin war na naman kayo ni Major?” hula ng babae at minasdan siya. “Hay, ewan ko ba. Bakit ang bilis ko mainis ngayon,” sagot naman niya at napailing pa. “Ano ba nangyari at ganiyan na lamang ang pagkainis mo? At talagang nag-walk out ka pa rito sa hardin,” usisa naman ni Shyra. Napakamot siya sa kanyang ulo.

