Kinabukasan, hinimas-himas ni Merci ang kanyang hita ng bumaba siya sa kama at sumakit iyon, maging ang kanyang likod. “Aray naman!” daig niya habang lumalakad patungo sa banyo. “Lintek na kalandian kasi iyan, Merci! Iyan tuloy mabaldado ka na niyan sa ginagawa mo!” kasitigo niya sa sarili at dahan-dahang hinubad ang mga saplot. Nalaglag ang kanyang banga at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niyang maraming marka iniwan si Major sa buo niyang katawan. “Aba, ang loko nang iwan pa ng remembrance. Hindi ko tuloy alam kung bampira na siya o lamok!” asik niya habang sinisipat ang sarili sa salamin. “Asus, dami mong reklamo, bumukaka ka naman kapag inaaya ka,” Hirit ng utak niya. Napailing naman siya. “Simpre, marupok ako ‘e. Isa pa sino ang makakatanggi sa angking kagwapuhan ni

