8. ACCEPTING AGAIN

1876 Words
REZXCA'S POV: "Iha okay ka lang ba kagahapon? Bakit umalis ka na lang ng walang paalam. Hindi mo ba gusto ang aming tirahan?" Sunod-sunod na tanong ng babae. Tiningnan ko naman ang lalaking nangungulit sa akin kagahapon na bumalik dito ngayon. Ngumisi lang siya sa akin nang makita ako na nakatingin sa kaniya. Napaismid naman ako at muling hinarap ang mag-asawa. "May naalala lang po ako na importante kagahapon. Hindi na rin ako nakapagpaalam ng maayos dahil kailangan na talagang pumunta." Napatango-tango naman sila sa sinabi ko. Napansin ko na sang-ayon sila sa narinig nila mula sa bibig ko. At mabuti na rin iyon para hindi na sila magtanong pa ng kung anu-ano. Nilibot ko ang buong paligid nitong bahay nila. Tama lang para sa kanilang pamilya. Akala ko sobrang liit at hindi sila kasya pero nagkakamali pala ako. Pero napatigil ang aking tingin sa mga larawan na nasa tabi ni Reden. Picture ng isang batang babae na masaya sa park. At yung iba naman ay kasama naman niya ang mga kapatid niya. Mayroon din na kaisa-isang picture na akala mo normal lamang ang liwanag na bumabalot sa likuran nilang magkakapatid. Pero kung pagmamasdan mabuti, parang may mabubuong isang imahe ng tao na nakikisali rin sa kanila. Isang batang lalaki na hanggang ngayon hindi ko pa matukoy kung sino ba siya. Nilapitan ko iyon at masusing pinagmamasdan. Hinawakan ko pa kung totoo bang nakalagay talaga iyon sa mga nakasabit na picture ng pamilya. Pumunta rin sa akin ang mag-asawa at pinagmamasdan lamang ang kilos ko. "Siya si Empress, ang masiyahing bata sa pamilya namin, anim na taon palang siya n'yan. Sobrang ganda niya hindi ba?" Tumango naman ako sa tanong nito. Sinulyapan ko ang lahat ng mga larawan na nakadikit sa dingding na gawa sa sawali. Lahat ng mga nandito ay picture ko at ng mga kapatid ko. 'Hindi ako makapaniwala.' "Asan na po siya?" Tanong ko para mawala ang mga what ifs sa isipan ko. Napansin ko naman ang pagyuko nila, tumingin naman ako kay Dillian pero isang kibit-balikat lamang ang isinagot niya. "Ipinagtabuyan namin siya dahil sa isang dahilan. Mahirap man sa amin na gawin iyon dahil mahal namin siya. Sobrang mahal na mahal namin siya. Ngunit wala na kaming nagawa pa ng mga panahon na iyon. Fourteen years old siya nang makaranas siya ng matinding sakit dahil sa masasakit na salita galing sa amin. Sa mismong pamilya pa talaga niya." Napatawa ang ama pero halata na gusto na niyang maiyak habang sinasabi iyon. Gusto kong pigilan ang ama nila dahil hindi pa ako handa sa sasabihin nila. Ayaw ko ng maalala ang nakaraan sa aming lahat. Pero nanatili akong tikom, hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang siya. Tutal sinabi ko na rin na baka ito ang makakapagpaalis sa mga what ifs ko sa sarili. "Dahil sa anak ng kalaban namin wala kaming nagawa kundi ang saktan ang walang kamuwang-muwang na si Empress, kung hindi namin gagawin papatayin ng ama nito si Empress. Hindi ko kaya iyon kaya pinalayo na lamang namin siya sa pamilya namin. Kahit na masakit na makita siyang nagdurusa. Araw-araw kaming nangungulila at nagsisisi. Naturingan pa kaming magulang pero sarili naming anak sinasaktan namin. " Nadurog naman ang aking puso nang makita ko siya na tumutulo na ang luha. Gusto ko siyang yakapin, ngunit wala akong magawa. Tanging titig lamang ngayon ang pwede. Muli kong sinulyapan ang direksyon ni Dillian. Tinanguhan niya lamang ako kung kaya binaling ko ang tingin sa lahat ng mga nandito. 'I'm not supposed to be mad at them. I never thought that they do it just for my own sake. But, wait...' "Kilala kayo na makapangyarihan na mafia at gangster hindi po ba? Bakit hindi ninyo siya natulungan?" "Dahil noon pa lang marami na ang ayaw sa pamamalakad ng Traverson. Kaya marami rin ang nagtraydor at ang iba ay sumanib sa kabilang panig. At wala kaming magawa tungkol doon, lalo na at patay na ang mga kamag-anakan ko noong panahon ng digmaan." Napatango-tango na lang ako sa sinabi ng babae. "Ganon pala..." Sambit ko na lang sa aking sarili. "Actually inggit kasi itong babae sa kapatid ko kaya gusto n'yang burahin sa mundo. Gusto nito si Dillian mula pa noon." Napadako na naman ang tingin ko kay Dillian pero nakatingin na siya sa labas ng bahay. Alam kong nakikinig lamang siya. Ayaw niya lamang makisali sa mga usapan. "Uhmm... By the way po, ako si Rezxca." Pakilala ko sa kanila nang maalala na hindi ko pa sinasabi ang pangalan ko. " Ako naman si Prince Redzen John Traverson." Sambit naman ng katabi ko na nagsisibak kanina ng kahoy. "Anicka Red, ang dyosa sa 'min." Mapagpuring sambit nito sa akin sabay flip niya ng buhok kaya pumunta ito sa bibig ng kapatid niya. "Pwee ano ba Anicka!" Inis na sambit nito sa kapatid niya bago bumaling sa akin. "Ako naman si Khler Cane ang panganay sa kanila." "Ako naman si Kyer Caze kambal ni khler kaso panganay sya sa amin." Napatango naman ako. "Ako naman ang ama nilang si Rexzen Arnando Traverson." "Hermiya Kathrine Kim Traverson." Pakilala nilang lahat. "Kinagagalak ko po kayong makilala." Yumuko pa ako bilang paggalang. Ngayon unti-unti ng humihilom ang lahat ng sugat sa aking puso. Tama nga si Dillian, hindi paghihiganti ang makakapagpasaya sa puso mo kundi ang magpatawad sa mga ito. "Iha bakit ka nga pala pumunta rito sa aming tahanan at kasama mo pa si Dillian? Hindi nababagay dito ang mga mayayamang tulad mo." Tanong ni Manang Hermiya pero may kasamang pangda-down sa kanilang pamumuhay. " Hindi naman po ibig sabihin na mayaman ako ay hindi na ako pwedeng pumunta sa bahay ng mga tulad ninyo. Minsan po mas gusto ko ding mamuhay nang simple na tulad ninyo." "Kung ganon iha anong pinunta mo dito?" Sabi ng ama nila. "Pumunta po ako dito upang pormal na ipagpaalam ang dalawang anak ninyong si Raven at Reden na makituluyan muna sa aking tahanan para mapaghandaan ang isang event sa aming paaralan. At kasama rin po si Dillian dahil ako ang substitute partner niya muna." "Ahh ganon ba, sige payag ako alam kong mabuti kang tao at hindi mo pababayaan ang mga anak ko. Sila na lamang kasi ang nag-aaral sa pamilya dahil pinahinto ko ang iba nilang mga kapatid." Mang Arnando "Kung ganon po bakit sa Elite High ninyo pa pinag-aral ang anak ninyo?" Napakamot na lamang sila sa kanilang batok. "Bilin ito ng aking magulang bago sila mawala, kailangang makapagtapos ang mga anak ko sa elite high. Hindi ito pwedeng mabalewala kahit na alam kong delikado." Seryoso na sambit ng ina nila. "Ah ganon po ba...Tanong ko lang sa inyo gusto ninyo bang mag-aral pa?" Nahihiya man ngunit napatango naman ang ibang hindi na nakapag-aral pa. May dinayal akong numero sa aking telepono bago ko ito ilagay sa aking tenga. (Hello) "This is me, Cale" (So, what's the matter Cale?) "May ipapaenroll lamang ako na apat na mga tao. Ako na'ng bahala sa kanilang tuition at ilagay mo sila sa section ko" (Okay sino-sino ba sila?) "Prince Redzen John Traverson, Anicka Red Traverson, Khler Cane Traverson, and Kyer Caze Traverson." Napahalukipkip naman siya sa sinabi ko. (Seriously Cale...nagkita na kayo?) "Yeah yeah..." (Okay pero nabasa kong hindi ka papasok ng isang linggo at kasama ang Traverson Twins. Isasama mo rin ba ang apat na iyan sa bahay mo?) "Yes." (Okay cold as ever...) "Tsk...bye." Hindi ko na siya pinagsalita pa at tuluyan ng pinatayan ng tawag. Lumingon ako sa mga taong nakanganga na ngayon dahil sa gulat. "K--kilala mo iyong kambal ni Dillian?" "Ah oo noon pa man kilala ko na ito." "Kaya pala." Napakibit-balikat na lamang ako sa tanong ni Khler. "Tama na iyan. Kailan ba ang alis ninyo?" pagpipigil naman nila sa mga ito. "Ngayon na rin po. Kung gusto ninyo sumama na rin po kayo." Napalingon naman ang mag-asawa sa isa't-isa. Nag-uusap ang mga mata nila sa maaaring desisyon nila. "Oh siya sasama na kami sa inyo, ako na lang ang magluluto ng kakainin ninyo para mabayaran ko naman ang utang na loob namin sa iyo." "Kahit hindi na po ninyo gawin iyon." "Ano ka ba!" Nilapitan ako ni Manang Hermiya at saka hinawakan sa aking kamay. "Dahil sa iyo, magsisimula na muli ang apat na ito sa kanilang pag-aaral. Hindi namin alam kung ano ang ginawa naming kabutihan para bigyan kami ng ganitong klaseng tao para tulungan kami." Mahabang paliwanag nito. Kita ko sa kaniyang mata na naluluha na siya. Ngunit pinigilan niya iyon at lumayo na sa aking harapan. Napatigil naman ako saglit at pinagmamasdan lamang ang kaniyang galaw. Hindi ako makapagsalita, wari mo ay may bumaon na kung ano sa aking lalamunan. Ang hirap huminga. "O-ok po." Iyon na lamang nasabi ko. "Ayusin na ninyo ang konting gamit ninyo." Sambit nito sa mga anak habang hindi nakatingin sa akin. "Sige po mom." Sabi nilang lahat bago pumasok sa isa pang pinto papasok ng kwarto. "Iha kung may trabaho man na available sa inyong kompanya o bahay pwede bang mag-apply?" "Marunong po ba kayong magpatakbo ng kompanya?" Tanong ko kaya tumango siya. Alam ko namang magaling si Dad na magpatakbo sadya lang na may traydor sa kaniyang kompanya. At hindi siya marunong kumilatis kung ito ba ay totoo sa kaniya. "Oo naman iha marunong ako dyan, kahit ano pa iyan kaya kong gawin." Napatango na lamang ako sa kaniya. "Sa bahay na lamang po natin iyan pag-usapan." Iyon na lang ang sinabi ko bago balingan ang aking telepono. Tinext ko ang aking driver na pumunta dito sa bahay nila upang ihatid kami. Alam kong magdadala siya ng Van para sa kanila. "Salamat talaga iha hulog ka talaga ng langit, napakabait mo pa." Pambobola naman niya sa akin habang hinihintay ang mga anak. Samantalang si Dillian naman ay tahimik lang sa tabi. "Hindi naman po Tito Arnando tumutulong lang." Sabi ko ngunit umiling-iling lamang siya dahil pinipilit niya pa rin na mabait daw ako. Wala na lamang akong nagawa kung hindi ang tumango na lamang dito. "Young lady nandito na po ako." Pumasok si Kuya Vrent na nakaformal na damit kahit na driver lang siya sa bahay. Sakto rin ang papalabas na mga kalalakihan at kababaihan. "Kuhain mo na iyang mga gamit nila Kuya Vrent at paalala lang iligaw mo ang mga nagmamasid sa kanila okay." Tumango siya kaya naglakad na ako palabas ng bahay. Sumunod naman sa akin si Dillian. Samantalang ang iba naman ay nasa likuran naming dalawa. Nang makapunta na ako sa kotse ko na nakaparada sa gilid ng kalsada. Napansin ko rin ang paghinto ni Dillian dito. "Nandoon ang van na sasakyan ninyo." Sabay turo ko pa sa malaking van na nasa likuran lang ng kotse ko. Pero umiling lang siya sa sinabi ko. "Who told you na doon ako sasakay. Sobrang dami na nila. Sasakay na lang ako sa kotse mo." Pagkatapos niya iyon sabihin ay pumasok na nga talaga siya sa tabi ng driver seat. Wala na rin akong nagawa kundi ang mapairap na lang at buksan ang pintuan ng kotse saka pumasok sa loob. Nilingon ko pa sa isang beses lang ang lalaking ito at kapansin-pansin ang pagngisi niya. "Nginingisi-ngisi mo riyan?" "Nothing. Pake mo?" Walang gana niyang sambit sa akin. "Hah!" Iyon na lang ang nasabi ko at saka napairap. Hinintay ko muna ang lahat na makapasok sa may van bago ipaandar ang kotse para makauwi na sa bahay. "Pwede naman natin silang iwan na. May driver naman na magdadala sa kanila sa bahay mo." Reklamo naman nitong kasama ko. Masama ko naman siyang tiningnan. "Kayaman-yaman mong tao wala ka man lamang dalang kotse?" "May kotse ka naman. Mag-aaksaya lang ako ng lakas." "Tsk! Manahimik ka na nga lang diyan." Naiinis na sambit ko habang nagbabyahe kami. "Okay. Sabi mo eh." Rinig kong saad niya at hindi na nagsalita pa. 'Mabuti naman tumahimik na rin siya.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD