REZXCA'S POV:
Tinititigan ko nang maigi ang buong sulok ng kanilang bahay na nasa kabilang hallway.
Hindi ako makapaniwala na ganito na ang sinapit nila.
Isang kubo na madalas nakikita sa probinsya. At ang bubong ay madali na ring masira.
'Paano? Saan? At anong nangyari sa kanila? Bakit biglang ganito ang sinapit nila?'
"Anong hindi? At saka bakit parang kilala mo na kami?" Takang tanong ni Raven.
"Nothing. Don't ask me." Walang emosyon kong sambit at saka inalis ang seatbelt ko.
Pagkatapos ay binuksan ko na ang pintuan ng kotse para makalabas lang ako. Ganon din ang ginawa ng iba.
May nakita ako na isang lalake na hindi katandaan sa akin na may dalang kahoy at itak. Kararating lang niya galing sa masukal na daan sa likuran ng bahay nila.
Lumapit ito sa may bato na malapit lang sa kanilang bahay at pinagpuputol na ang mga ito.
Halata sa kaniyang hitsura na wala siyang pakealam kung maamos na ba siya o hindi. Kapansin-pansin din ang suot niya na short na hindi na kupas.
May lumabas din na dalawang tao sa kanilang bahay. Isang babae at maging isang lalake.
Mukhang ito na ata ang magulang nila. Base na rin sa kanilang hitsura na mahahalataan ng matanda.
Matamang pinagmamasdan ko lang ang tatlo nang may lumapit sa aking tabi.
"Sorry nga pala kung ganyan lang ang bahay namin at maging pamumuhay namin." Nilingon ko naman saglit ang dalawa at maging ang lalaking ito na nasa kaliwang bahagi ko bago harapin muli ang nasa kabila.
Pinagpatuloy ko muli ang aking pagmasid sa buong kabahayan nila.
May tatlong tao ang tumatakbo habang kasunod nila ang mga taong galit na galit habang hawak-hawak ang itak nila.
Seriously?
'Ano kayang meron diyan?'
"Sh*t sila na naman!" nahimigan ko sa boses nito ang takot at galit.
"Anong meron sa kanila?" Tanong ko kay Raven nang seryoso.
"Sila 'yung mga inutangan ng magulang namin para makaahon kami kahit isang araw lang. Kaya ganiyan sila makareact dahil hindi kami nagbabayad." Sagot naman ni Raven.
Napatango-tango naman ako. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras na tumayo sa may kotse ko habang pinagmamasdan lang ito.
Lumakad ako para makalapit lang sa bahay. Ngunit tumingin-tingin muna ako sa kalsada para masiguro na protektado ako.
Nang masiguro ko na walang dumadaan na sasakyan. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko.
Habang binabagtas ko ang direksyon papunta sa kanila. Rinig na rinig ko ang sigaw ng mga taong sumunod sa dalawang lalaki at isang babae.
"Ilang buwan na namin kayong hinahayaan na huwag magbayad ng utang dahil sabi ninyo magbabayad kayo! Pero ano ito? Naglolokohan ba tayo? Hindi na tama iyan." ani Manang Matanda habang tinututok ang kaniyang itak sa mag-asawa.
Hindi man lamang niya iniisip kung tama ba ang ginagawa niya. Paano kung sapian siya ng demonyo at matuluyan niya ito?
'Lalo na't iyan ang gusto ng mga demonyo. Ang makakita ng mga taong nagiging masama.'
Magiging problema niya pa ito dahil hindi naman kasalanan ng pamilya.
Napansin ko naman na hawak-hawak naman ng ina ang babae na ngayon ay nanginginig na sa takot.
'Ito 'yung na umiiyak habang tumatakbo kasama ang dalawang lalake.'
"Sa tubig kelan kayo magbabayad? Aba naman wala rin kaming pera para kami lang ang magbayad sa tubig. Ano na yan pare't mare? Nagkakalokohan na ata 'e." Napatalon sa gulat ang mag-anak nang sipain ng Matandang Lalake ang kahoy na sinisibak kanina nung lalake.
"Yung inutang ninyo para sa tuition ng mga bata. 'Asan na! Aba magrereklamo na kami niyan sa barangay!" Sabay hawak naman ng babae sa kaniyang singit. Kinakamot niya ito habang nagsasalita sa kanila.
'W-what the--?'
"Oo nga! Kung ganyan rin lang dapat umalis na kayo sa barangay. Mga salot lang kayo!"
'Mga salot lang kayo...'
Napayukom ang aking kamao nang may maalala sa ganong eksena.
"Salot?" Nanggagalaiti kong sambit sa sarili. Handang-handa na ang aking kapangyarihan na lumabas ngunit pinipigilan ko lang.
'Hindi pa ito ang oras. May darating pa na araw.'
Ngunit napansin ko naman na handa ng magkagulo ang mga kapitbahay sa mismong bahay nila. Kaya kinuha ko ang baril ko sa may beywang ko at saka ito itinaas sa ere.
Nagpaputok ako nang tatlong beses sa itaas habang nakatingin sa mga taong nakaupo na sa lupa habang hawak-hawak ang kanilang tenga.
"Once you touched every single of their body parts. Baril ko naman ang hahawak sa inyo." May pagbabanta kong sabi sa mga ito.
"S-sino ka ba?" Tanong ng matandang lalake sa akin. Namumutla pa ito hanggang ngayon.
Nilagay ko na sa pocket ko ang baril at muling tiningnan ang lahat.
"I am nobody." Nilingon ko naman ang buong paligid. At napansin ko ang pagtayo ng mga ito maging ang nasa likuran ko.
Narinig ko pa kung paano magreklamo si Dillian sa ginawa ko. Pero hindi ko na lamang ito pinansin pa.
Muli kong tiningnan ang mga taong ito."I'll pay for them. Magkano ba ang mga utang nila?" Narinig ko naman ang singhapan ng lahat."Come on tell me, huwag ninyo akong paghintayin. Kung ayaw ninyong makulong kayo ng wala sa oras dahil sa ginawa ninyo sa pamilya na ito. Trespassing at harassment na ang mga ito. Now, tell me."
"I-isang libo." Nahihintakutan na saad ng matandang babae.
"Limang daan." Matandang lalaki
"Limang libo." Babae na may mahabang buhok hanggang pwetan.
"Dalawang libo." Isang lalaki naman na may tattoo sa tagiliran.
Katulad ng nauna, gayon din ang aking nakikita sa bawat kilos nila. Hindi man lamang sila makatingin nang diretso sa aking mata.
Sobrang natakot talaga sa pagbabanta ko sa kanila.
"Okay I'll pay you,but in one condition. Huwag na ninyong gagalawin pa ang mga Traverson kung ayaw ninyong may mangyari sa buhay ninyo. Kung gusto ninyo ng maayos na usapan, hindi dapat kayo nagdadala ng itak na parang papatay kayo ng isang walang kwentang nilalang." Malamig kong sabi na nagpatahimik sa kanila.
"Now give me your name and room # in your district." Kahit na naguguluhan ay binigay pa rin nila ito sa akin.
"Emilda Lang, rm. 1201"
"Diego Cruz, rm. 1204"
"Nemia San Juan, rm. 1190"
"Luis Marco, rm. 1192"
Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan na tao.
(Yes, Young Lady?)
Rinig kong tanong ng taong sumagot sa tawag ko.
"May ibibigay ako sa iyong pangalan at numero ng bahay. Bigyan mo sila ng tig-sa-sampung libo. Maliwanag ba?"
(Got it Young Lady, kelan ko na kukunin at ibibigay?)
"Now." Matapos kong sabihin iyon ay saka ko lang ito pinatayan at nagmessage sa kaniya ng mga pangalan at numero ng apat na ito.
At nang nakakasiguro na ako na wala akong naiwan. Saka ko lang ito sinend sa kaniya.
Muli kong hinarap ang mga taong ito na bakas ang gulat. Kitang-kita pa kung paano malaglag ang itak sa lupa.
"Umalis na kayo sa pamamahay na ito, kung ayaw ninyong ako pa ang kakaladkad sa inyo." Banta ko kaya tumakbo na sila palayo sa amin habang hindi man lamang kinuha ang itak na nasa ibaba.
Scary cat!
"S--salamat. Sana hindi mo na ginawa iyon Rezxca." Sabi ni Reden kaya tiningnan ko lamang sya ng ilang saglit bago lumingon sa kanilang lahat.
"Ginawa ko lang iyon dahil nakakairita na ang mga boses nila. Don't thank me." Walang emosyon kong sambit habang hindi makatingin sa dalawa na mag-asawa.
"Pagpasensyahan mo na kung nadamay ka pa roon iha, pasok muna kayo rito sa bahay namin. Pasensya na kung maliit lamang ito." Hinarap ko naman ang ama nila.
Nakaramdam naman ako nang guilty sa aking ginawa. Pero nandito rin sa isipan ko ang mga masasakit na salita na narinig ko sa mga bunganga nila.
Mga kataga na patuloy dumadaloy sa aking ugat hanggang sa ito na mismo ang papatay sa akin sa galit. Galit na patuloy na namumuo, at poot dahil sa mga alaala na hindi ko na kaya pang makita.
"Wala kang kwentang anak! Salot ka lang sa pamilya namin. Puro ka na lang iyak nang iyak. Ano bang magagawa ng iyak mo huh?"
"Kahit kailan hindi kita ituturing na anak. Wala akong anak na demonyo!"
"Salot ka sa pamilyang ito!"
"Sinungaling!"
"Tandaan mo ito. Kahit saan ka magpunta, walang kukuha sa iyo, walang tao ang aaksya ng buhay para sa iyo."
"You're such a disgraced to our family."
"Dapat namatay ka na lang. Hindi ka na lang sana binuhay ng ina mo."
"Wala kang kwenta!"
"Iha! Iha! Bakit tulala ka?" Napasinghap naman ako matapos kong makaalis sa mga masasamang pumapasok sa utak ko.
Nag-inhale at exhale ako nang ilang beses pa para mawala ang mga masasamang nakaraan na iyon.
Napalayo pa ako sa kanila at saka pailing-iling pa.
"I'm sorry but I need to go. Sa susunod na lang tayo mag-uusap." Iyon na lang ang sinabi ko at kumaripas na ng takbo palayo sa kanila.
Halata rin na may sumama sa akin papunta sa kotse ko. Kahit na hindi ko na ito tingnan, alam kong si Dillian ito.
"Leave." Walang emosyon kong utos ko sa kaniya at saka tinuro ang bahay na iyon.
"No. I'm here cause my brother want to know if you're alright." Halata rin sa mukha nito na seryoso siya at blangko lang kung paano siya tumingin sa akin.
"Tell him I'm alright." Papasok na sana ako sa loob ng kotse nang pinigilan niya ako.
"Okay sasabihin ko sa kaniya. Pero paano ako? Hindi ko hahayaan na umalis ka na ganiyan ang itsura mo."
"Tsk. Just leave me okay?" Naiinis na sambit ko at saka siya tinabig para makalayo.
Nang magawa ko iyon ay pumasok na ako sa loob ng kotse ko. Nakita ko rin sa front mirror ko ang mabilis niyang pagpasok sa kotse ko.
"Ano bang naiintindihan mo sa salitang 'Just leave.' kung andiyan ka?" Malamig kong tanong habang nakatingin sa front mirror sa bandang likod kung saan siya nakaupo.
Napansin ko naman kung paano siya umupo ng maayos at ngumiti sa akin nang nakakaloko.
"Stay with me."
"Tsk!" Napailing na lang ako at hindi na siya pinansin pa.
Pinaandar ko na ang kotse ko para lang makalayo sila. Bago ako umalis nang tuluyan, muli kong nilingon ang pamilya.
Halata sa mukha nito ang pagtataka.
"Bakit ba patuloy kang tumatakbo sa pamilya mo?" Biglang tanong ng kasama ko sa tabi ko.
Ni hindi ko man lamang napansin na nakarating na siya rito.
"Don't ask about stupid question."
"Then you are stupid. I am right?"
"Shut up."
"Okay shut up." Nagkunwari pa ito na zinizip ang kaniyang bibig at hindi na nagsalita pa.
Pero halata naman sa ekspresyon niya na naiinis siya sa kaniyang ginagawa.
Napapailing na lang ako at itinuon ko na lang ang sarili ko sa daan.
'Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang magpakita. Hindi ko pa rin kayang magpatawad. Sa bawat titig ko sa inyong mga mata, hindi ko nakikita ang kasalukuyan. Kundi ang mga panahon kung paano kayo naging masama sa aking kinaroroonan.'