REZXCA'S POV:
Nakalabas na ako ng Dead End Entrance sa kadahilang sa may creepy na tunog ako pumunta. Matapos namin makapag-usap ni Heri ay saka ko lang itinuloy ang paglakad ko dito. Iyon lamang naman ang tanging daan na alam kong tama. Sinuot ko na rin ang maskara ko pagkalabas pa lang ng school. Sa susunod hindi na ako magtatanggal ng maskara, baka mamaya may makakita pa na iba.
'Napaka'careless ko talaga kung minsan.'
Palingon-lingon lang ako sa buong paligid. Kapansin-pansin na nasa likod pala ako ng school na ito. Walang makikita na mga studyante at may kalsada naman sa gitna.
"Nice." Walang gana kong sabi sa aking sarili.
"Hindi ko na kaya."
"Kayanin mo, hindi tayo binuhay para sumuko. Tandaan mo may hinahanap pa tayo, kailangan natin siyang makita."
"P...pero..."
"Makinig ka! Hindi tayo Traverson kung susuko na lang tayo. Tandaan mo ang sinabi sa atin ni Daddy, hindi tayo susuko hanggat hindi natin siya nakikita. Naiintindihan mo ba?"
"O..oo."
Rinig kong usapan sa may likuran ko. Boses pa lang nila parang kilala ko na. Pero imposible naman na nandito pa sila, gayong mas nauna silang makaalis sa amin.
Napaharap naman ako para kumpirmahin iyon at hindi inaasahan na makita ko ang dalawa.
Nagtataka na tuloy ako kung bakit patuloy kami nitong pinapaglapit.
Napaismid naman ako sa kawalan at saka tumingin sa kalangitan. Maganda ang langit, kita ang ulap na nagtatabing sa kulay blue na kalawakan. Napakaganda talagang pagmasdan at pictyuran.
'Ano bang dapat kong gawin? Mahirap naman magpatawad hindi ba? Kulang pa ang sinabi ko sa kanila. Hindi pa sapat hanggat hindi rin nila nararanasan ang nangyari sa akin.' Sabi ng isip ko.
"REZXCA!" Napabalik ako sa aking diwa at gulat na gulat na nakatingin sa taong yumakap sa akin.
Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko man lamang napansin ang eksena.
*BEEP*
Sunud-sunod na tunog ng sasakyan na dumaan sa aming harapan bago ito tuluyan na mawala sa aming paningin.
Parehas kaming napatumba sa damuhan katabi ng gate. Nakayakap pa rin siya sa akin habang ako ay nakatulala lang.
'B...bakit? Bakit mo ako niligtas?'
"Ayos ka lang ba?" Dahan-dahan akong humarap sa kaniya.
Sa mukha niya at sa bibig niya na hinihingal pa. Nakatayo na siya ngayon habang ako ay nakahiga pa rin dahil sa labis na kalituhan. Napatingin din ako sa braso niya na nasugatan at dumudugo.
Nakita ko kung paano ba siya ngumiwi nang palihim.
"Why?... You should let me die." Walang ekspresyon kong sagot at saka tumayo na parang walang nangyari.
Pasimple pa akong lumingon sa sugat niya.
Napabuntong-hininga ako. Lumingon ako sa suot kong cloak at pinunit iyon nang mahaba. Umabot pa sa pinakadulo ng cloak.
Tama lang para ipangbenda sa kaniya.
Hindi ko alam pero may part pa rin sa akin na nahihirapan kapag sila ay nasusugatan.
Akala ko...akala ko wala na ang maalahanin na ugali kong ito. Pero naiinis pa rin ako dahil patuloy na nanatili ito sa buhay ko.
"Come here." Utos ko.
Nagdadalawang isip pa siya na lumapit sa akin pero sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang lumapit sa akin.
Kinuha ko ang kanang kamay niya para ilapit sa harapan ko. Sinadya ko talaga na harasin na kunin para malaman kung gaano ba kasakit ang pagkakatama nito.
"Aww!" Hiyaw niya dahil sa ginawa ko.
"Tsk." Pinagmasdan ko nang mabuti ang sugat. Napatingin naman ako sa pinabagsakan namin at nakita ko ang isang bote na nakatayo. May basag na at halatang matulis ito.
'Malamang... Hindi ba siya masusugatan kung hindi matilos.'
"Do you have any mineral drinks?"
"I-I...have." Napabaling naman ako sa kakambal niya na kanina pa tahimik sa likuran nitong lalake.
Kinuha nito ang tumbler sa bag at ibinigay sa akin. Marami pa ang laman ng tubig at sakto lang para linisin ang sugat.
Binuksan ko na ang tumbler at saka dahan-dahan kong binuhusan ang braso nito.
"Aww!"
Panay lang ang hiyaw niya dahil sa sakit. Napapailing na lang ako at saka ibinalik ang tumbler sa babae. Agaran naman niya itong kinuha samantalang ako naman ay tinuloy lang ang paglilinis sa sugat ng lalake.
Matapos ko na itong linisin. Binendahan ko naman gamit ang sinira kong cloak ko.
"Before we go to your house. Dumaan na muna tayo sa hospital para turukan ka. Paninigurado lang na hindi ka ma-infection." Seryoso kong sambit.
Tiningnan ko ang buong kapaligiran at napansin na sobrang tahimik dito.
"Come with me." Utos ko.
Nagsimula na akong maglakad sa kaliwang direksyon. Naramdaman ko naman ang hindi nila pagsunod.
"Hindi ba kayo sasama sa akin?"
"E-eh anong gagawin natin sa bahay?" Nauutal na tanong nitong lalake.
"Oo nga?"
"Tsk. Just come and don't ask." Walang emosyon kong sagot sa tanong nila.
Wala na rin silang nagawa kundi ang sumama sa akin.
Nagpatuloy kami sa aming paglalakad para makalayo sa likod ng school.
Tahimik lang namin binabagtas ang daan hanggang sa makita ko na ang kotse ko sa tabi ng gate. May isang tao rin ang nakasandal doon at wala man lamang pakealam kung magasgasan ba niya o hindi.
"Hey." Tawag ko sa lalaking ito na nakayuko ang ulo.
Nakarating na kami sa kinaroroonan niya at tuluyan ko nang nakita ang pagmumukha nito. Hindi lang ako makapaniwala nang tuluyan na niyang iniangat ang kaniyang ulo.
"Dillian?" Ani babae.
Napaharap naman ako rito at muling binaling ang tingin dito.
"Dillian? As in Dillian Huang?" Napailing naman ako sa bigla kong naalala.
"Bakit mo siya kilala?" Nagtatakang tanong nitong lalake.
Kahit na kilala ko na silang dalawa. Kailangan ko pa rin na magpanggap na hindi ko sila kaano-ano at ngayon ko lamang sila nakita.
Kapag naging careless pa ako, baka mabulilyaso ang pinagtagu-tago kong sekreto.
"Who are you by the way?" Tanong ko sa kanila.
"I'm Raven." Sabay taas pa nito ng kaniyang kaliwang kamay at winawagayway ito. Hindi niya maitaas ang kanang kamay dahil may benda.
"R...reden." Samantalang si Reden naman ay nakayuko lang na parang nahihiya.
Napatango-tango na lang ako.
"And you? Bakit ka nakaupo sa kotse ko?" Sabay baling ko naman sa lalaking prente pa rin ang upo sa kotse.
"Hindi naman kagandahan ang kotse mo. Huwag kang maarte." Sagot naman nito sa tanong ko.
"Aist! Umalis ka nga riyan. Ano bang ginagawa mo rito?" Naiinis kong tanong sa lalaking ito.
Aba't ang lakas ng kaniyang sarili para pagsalitaan ako ng hindi maayos.
Pero kung sabagay...noon pa naman ay mahilig kaming mag-asaran sa isa't isa.
Kaya pala may alam siya sa nakaraan ko. Hindi na kataka-taka iyon.
"Obvious naman hindi ba? You are my substitute partner, hindi ko hahayaan na mahuli ako sa lahat."
"Tsk. Come in." Sabi ko sa dalawang ito. Sumunod naman agad sila sa inutos ko at pumasok sa back seat." Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko naman na tanong kay Dillian na nasa tabi ko.
"Bakit masama bang sumakay sa kotse mo? Saka sinabi mo na puma–"
"Oo na oo na...tsk!" Tiningnan ko sa side mirror ko ang isa pang kotse sa likuran ko na malayo rito." Hindi ka ba natatakot na mawala ang kotse mo?"
"Huh?" Halata sa mukha nito ang gulat." Kotse? Wala naman akong dala na kotse?" Napataas naman ang kilay ko at muling nilingon ang kulay black Ferrari na kotse.
'Napakaimposible...p-paano...paano ko nga pala nalaman na sa kaniya iyon? Nakakapagtataka naman.'
"Hmm...wala, tara na nga lang." Naiiling na lang ako sa naisip ko at sinimulan nang paandarin ang kotse ko.
****
Nakapunta na kami sa hospital at agaran na tinurokan si Raven ng doctor para hindi kumalat ang infection gawa ng basag na maduming bote.
Kaya ngayon ay binabagtas ko naman ang daan papunta sa bahay nila. Nakakapagtaka nga na parang iba ang direksyon na ito.
Kahit na ilang taon na akong nakaalis sa Pilipinas at matagal na bumalik. Hindi pa rin nawawala sa aking utak ang daan papunta sa aming bahay.
Hindi sa ganito...hindi sa lugar na tahimik at iilan ang bahay sa bawat sulok.
At ang mga kabahayan ay gawa sa natural na kahoy at yero sa bubong.
"T...tigil. Andito na tayo!" Biglang bigkas ni Raven na may malakas ang tono.
Kung kaya't napatigil ako sa pagmamaneho. Ilang saglit pa akong nanatili na nasa gitna ng kalsada bago maisipan na itabi sa may puno ng narra.
"Iyon ang bahay namin." Tinuro ni Reden ang direksyon ng bahay nila.
Dahan-dahan naman akong napalingon doon. Kumakabog na rin ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Para akong hindi makahinga, na-stock sa may bandang dibdib ko ang hininga ko.
Mas lalo akong mahihimatayin sa aking pagkakaupo nang makita ko na nang tuluyan ang bahay nila.
"H-hindi..."