REZXCA'S POV:
"May event tayong gagawin by pairs. Ang mga pairs ninyo ay ang mga katabi ninyo ngunit ang event ay mangyayari next monday. Para sa ngayon training ninyo muna." Paliwanag niya sa amin. Napalingon siya sa gawi ko at saka sa kaniyang folder. "At dahil hindi kasali ang new transferee natin, magiging trainor na lang siya ng Traverson twins. At substitute partner muna siya ni Mr. Huang habang naghahanap pa ako ng ipapartner nito. Ayos lang ba?"
Napansin ko naman sa mukha ng mga estudyante ang pagka'excited at ang iba naman ay takot sa maaaring mangyari.
Excited dahil sa tataas muli ang kanilang ranggo. At takot dahil hindi naman nila alam kung ano ba ang laro na gaganapin sa lunes.
"Tsk." Sabay na singhal namin nang mahina ng katabi ko.
"Bakit tayo pa kambal?" Rinig kong bulong ng babae sa kakambal niya.
Mahinhin at halatang takot ang laging nararamdaman niya kapag nandito siya.
Palingon-lingon pa ito sa akin. Namumutla at ginagalaw-galaw ang kamay niya para makakonsentrasyon siya sa nangyayari.
'Hindi ba niya alam na napapansin ko ang mga galawan nilang dalawa? Makaasta parang inosente. May ginawa naman noon na hindi nakakaayang pangyayari. Tsk.'
"Wala na tayong magagawa pa kambal, tanggapin mo na lang na matatalo na naman tayo." Bulong naman nitong lalaki kaya napataas ang aking kilay.
"What a loser one." Bulalas ng aking bibig kung kaya't napalingon ang lahat sa akin at maging ganon din silang dalawa.
Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa. Ngayon nasa akin na ang atensyon ng mga estudyante.
'Aish I hate it!'
Napansin ko ang guro namin na nasa labas habang may kausap na guro rin. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil sa mukha na hindi maipinta.
"H-hindi..." Naagaw ng atensyon ko ang salitang lumabas sa bibig ng babae.
Binaling ko ang tingin ko sa kanila at saka ngumisi kahit hindi nila nakikita.
"Really? Hmm...Kahit saan pa natin tingnan mahihina talaga kayong nilalang. So what's the point on joining this goddamn game? You're just wasting the time of everyone. Tsk."
"A-ang sakit mo naman...magsalita." Naiiyak na turan ng babae sa inasal ko.
Ngumiti lang ako nang matamis sa kanila. "Kayo ba hindi?"
Nakita ko kung paano sila mamutla. Hindi pa naman matagal ang taon na iyon. Alam kong nakatatak pa rin kung paano ba sila manakit ng kadugo nila.
Siguro nga hindi kadugo ang turing talaga nila sa akin.
"Basura ka lang! Wala kang kwenta! Hindi ka namin kapatid naiintindihan mo ba iyon huh!"
"As usual iiyak na naman siya. Duh! Hindi umiiyak ang mga demonyong katulad ninyo."
Mga katagang lagi nila sa akin pinaparinig at sinasabi sa iba. Mga salitang tagos hanggang aking dibdib at hindi man lamang makatayo nang maayos dahil sa labis na sakit ng pagkakapana ng mga hindi totoong kataga.
"You don't know us..." Tiningnan ko naman itong lalake.
"All people in human world. They do a mistakes on their love ones, but some people do it intentionally. How about you? Which one is you?"
Natameme naman sila sa aking sinabi. Hanggang pagdating ng guro ay nakatulala lamang sila sa kanilang lamesa.
"You can take your training now. Maaari kayong lumabas ng school at hindi muna pumasok. Pero alam ninyo kung ano ang ginagawa sa mga hindi na bumabalik, hindi ba? Kung kaya enjoy and I hope you'll passed the Game of Headmaster in EEH. Goodbye, Class." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na niya kaming iniwan.
Nagsilabasan na rin ang iba. Nakaupo lamang ako at maging si Huang sa kaniyang pwesto.
Napansin ko ang dalawang magkapatid na nagtuloy-tuloy sa paglabas ng room. Wala man lamang palingon sa direksyon ko.
'Mabuti naman naalala ninyo pa ang ginawa ninyo sa akin. Akala ko patuloy kayong nagpapakasaya hanggang sa hindi na ninyo ako maalala.'
"Bakit mo iyon ginawa?" Tanong ng katabi ko.
"You don't need to know." Walang emosyon kong sagot sa lalaking ito.
" I know you will say that damn word again." Napalingon ako sa kaniya at tinaasan siya nang kilay.
"Paano mo naman nasabi?"
"Nothing. But I'm assuring you, you will regret if you know the real truth. Hindi paghihiganti ang makapagpapalaya sa 'yo..." Tumayo na siya sa kaniyang pagkakaupo.
Ni hindi man lamang ako nilingon habang naglalakad siya na para wala siyang ginawa kani-kanina.
"...kundi ang pagpapatawad sa taong gumawa nito sa iyo." Tumigil siya sa kaniyang paglalakad at bumaling ang tingin sa akin.
Kita ko kung paano kumurba ang kaniyang labi. Isang ngisi, ngisi ng isang nilalang na hindi ko maalala kung sino.
Napahawak pa ako sa aking ulo. Nag-iisip ng mga kung anu-ano, hanggang sa magsawa ako at napasuntok na lang sa lamesa.
"Hindi paghihiganti ang makapagpapalaya sa 'yo..."
"...kundi ang pagpapatawad sa taong gumawa nito sa iyo."
"Arghh! Ano bang alam niya sa akin? Sino ba siya? Bakit niya ako kilala?" Sunod-sunod na tanong ko sa aking sarili.
Lumitaw din ang pag-uusap namin ni Jake kahapon. May gusto siyang sabihin pero dahil sa galit ko sa pamilyang iyon, hindi ko inalam.
"Hays! Bahala na nga!" Inis na sambit ko at saka tumayo sa aking pagkakaupo.
Naglakad na ako palayo sa aking kinauupuan at tuluyang iniwan ang room.
Naglakad ako sa daan na may shortcut palabas ng school. Sobrang ma'puno rito at medyo masukal.
Kapag hindi ka tumingin sa dinaraanan mo, panigurado na masasaktan ang mga paa mo o tuhod.
May daan pero lubak-lubak na nga lang ito.
At saka medyo madilim din sa loob. Ang mga puno ay masyadong napakacreepy, kung hindi ka matapang na tao. Panigurado na maiihi ka sa pantalon o skirt mo.
Saka napapansin ko sa buong paligid na wala man lamang sign na nakadikit sa mga puno.
Tumigil ako saglit sa aking paglalakad. Pinagmamasdan nang maiigi ang mga direksyon. Inalis ko ang maskara ko at inilugay nang maigi ang buhok ko na kulay blonde.
Nagtitingin na rin kung saan ba ang tunay na daan. Hindi ako naniniwala na kapag tinuloy ko ang paglalakad ko sa daan na ito, makakalabas na ako.
Hindi ko man lamang tiningnan ang paligid bago ako pumasok. Katapat lamang pala ng room na iyon ang 'Dead End Entrance'.
"Again." Walang gana kong sambit sa sarili ko.
Bigla kong naalala ang kapalpakan ko noon sa England Elite High. Buong araw akong hindi nakalabas ng Dead End Entrance. Hinanap ng maigi ang daan hanggang sa...
"Wait! I've knew it." Naiiling na lang ako sa sarili ko.
Muli kong binalingan ang buong paligid. Humarap ako sa kaliwang direksyon, dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata at dinamdam ang parteng iyon.
Ginamit ko ang kakayahan ko na makaramdam ng mga nasa paligid, kung nasan ba ang tamang daan na dapat kong puntahan.
Sa pagkaalala ko, ang hint lagi para makalabas ay masukal na daan. Sobrang dilim na parte ng kagubatan, may ilog na maririnig. Naghahalakhakan na mga nilalang at huni na nakakatakot.
May mga uri ng tao na hindi susubok na puntahan ang lugar na ganon ang huni at ingay. Sa pakuwari nila, ito ay isang panganib. Panganib na hindi dapat puntahan.
Napailing ako nang wala akong marinig. Binalingan ko naman ang kanang direksyon at may narinig akong hindi kaaya-aya sa aking pandinig.
At isa ring eksena na hindi inaasahan na ito ay mangyayari.
May naramdaman akong malambot at mainit na labi ang humalik sa aking labi. Sobrang tamis nito, parang condense milk ang lasa.
Gusto kong tingnan ang humalik sa akin, pero ayoko...
Hindi ko kaya na matigil ang eksena na ito.
Parang may part sa akin na kilala ko na siya, pero hindi ko matukoy kung sino.
Ang puso ko ay nakikipagkarera sa sobrang bilis. At ang tiyan ko na parang may paru-paro na lumilipad.
'Sino siya?'
Napadilat ako nang aking mata. Nakita ko na lang ang aking sarili na wala na siya.
Napahawak ako sa parte ng aking puso na hanggang ngayon ay nangangarera.
"W...why?" Nagtataka kong tanong sa aking sarili.
Napalingon ako sa ibaba ng paa ko at may nakita akong kumikinang na bagay.
Lumuhod ako saglit at saka kinuha ang bagay na iyon.
"Isang hikaw?" Iniscan ko pa iyon.
Ang tanging napansin ko lang ay letrang 'K' sa gitna nito. Kulay itim ang kulay nito na bagay lamang sa kalalakihan.
"Kanino kaya ito?" Kahit na nagugulumihan kinuha ko pa rin ito at nilagay sa aking tenga.
Isang remembrance sa taong kumuha ng halik sa akin na walang paalam.
Napangiti ako sa pangyayaring iyon. Isang ngiti na ngayon ko lang ulit naranasan.
Dahil sa isang lalake na hindi ko man lamang nakilala.
Napawi ang ngiti sa aking labi nang may lumitaw na maliit na nilalang sa aking harapan na kumikinang gawa ng kaniyang dust.
"Einai mabuti't naparito ka." Nakangiting bati nito sa akin. Yumuko pa siya sa aking harap.
"Anong kailangan mo, Heri?" Tanong ko naman dito.
"Pumunta ako rito para ipasabi ang katagang lumabas sa bibig ng hari. Pagkatapos ng event dito sa mundo ng mga mortal. Kailangan mo ng mahanap ang walong nawawalang diyos bago pa makuha ng taga ibang mundo." Seryoso niyang sabi.
Ang kaniyang mga mata ay lumiliwanag pa habang sinasabi ang mga ito. At ito ay normal lamang sa kanila kapag pinapabatid ang mga kataga na galing sa nakatataas.
"Maaari ka ng umalis. Nahanap ko na ang walong diyos."
Napansin ko naman kung paano magsunod-sunod bumagsak ang mga dust sa pakpak niya. Isa lamang hudyat na masaya siya.
"Talaga! Kung ganon nasan na sila? Hindi ba't magandang ibalik na sila mundo natin sa madaling panahon?"
Umiling naman ako sa sinabi nito at muling tiningnan ang daan palabas ng Dead End Entrance na ito.
"Kailangan kong mahanap ang isa pa para sabay-sabay na silang bumalik sa mundo natin."
"G...ganon ba? Pero may naalala ako, kapag bumalik ka na ba sa mundo natin..."
"Maaari ka ng umalis." Pigil ko sa sasabihin niya.
"Ngunit... Einai." Pangungulit niya pa kung kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gawin mo na lang Heri kung ayaw mo na may mangyari pa sa iyo na hindi maganda kung patuloy mong pinipilit ang gusto mo." May pagbabanta ko na sabi.
Nahimigan ko naman kung paano siya natakot sa aking sinabi.
"S-sige...Paalam na Einai, hanggang sa muli nating pagkikita. Mag-iingat ka at sana mapagtagumpayan mo ang misyon na ito." Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Nakita ko kung paano niya pagaspasin ang kaniyang pakpak hanggang sa siya ay mawala na sa aking harapan.
Matapos niyang mawala ay napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalalaman ko.
Napangiti na lang ako nang masagi rin sa aking isipan ang humalik sa akin.
'Sino ka ba? Bakit ang lakas ng impact mo sa akin kahit na unang halik pa lang naman kita?'