4. EEH DANGEROUS SCHOOL

1216 Words
REZXCA'S POV: (KINABUKASAN) Nandito na ako sa room ko. Naisipan ko na rin na pumasok kaysa ang magmukmok sa loob ng aking kwarto. Wala rin mapapala ang sarili ko kung patuloy akong nagagalit nang palihim. Kailangan ko na rin na harapin ang mga bagay na nagpapaalala sa akin ng nakaraan. Ngunit kahit kailanman ay hindi ko sila papatawarin sa mga kasalanang nagawa nila sa akin. Papahirapan ko sila hanggang sa maramdaman nila kung gaano ba kasakit ang mga salitang binitawan nila. *Tok~Tok* Katok ko sa pintuan na sarado. Naghihintay ng tao na bubukas nito. Sampong segundo lang ang nahintay ko bago ko makitang unti-unting nagkakaroon ng siwang ang pintuan hanggang sa ito ay tuluyan nang bumukas ng malaki. Nakita ko ang magiging teacher ko ng dalawang linggo o higit pa. Nakatingin siya sa akin nang nagtataka. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa buong katawan ko mula sa mukha ko na nakatago sa maskara. "Are you the transferee?" Tanong niya sa akin. Napatango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Kahit sa loob-loob ko gusto ko siyang sabihan na; 'Do I look like an old student?' "Come in and introduce yourself." Sinasabi niya ang mga katagang iyon habang nagtataka pa rin sa aking suot. Napatingin din ako sa aking suot na cloak at muling nilingon ang direksyon niya. Binigyan ko lamang siya nang malamig na tingin. Napansin ko naman kung paano ba siya mapaatras sa kaniyang kinatatayuan. Pumasok ako na hindi man lamang siya nililingon. Tuluyan na akong nagpakita sa mga kaklase ko na may malamig na awra. Nagbubulungan na ang lahat kung sino ba ako at bakit ganito kaweirdo ang kasuotan ko. "Err... Bakit ganiyan ang suot niya?" "Akala ko maganda ang kaklase natin." "Sayang nagpagwapo pa naman ako." "Lang kwenta rin tong makeup ko." "Siguro pangit siya kaya nakataklob ang kaniyang mukha." "Nakakatakot ang awra niya... Grrr." 'Kayo naman bakit ang papangit ng mga ugali ninyo?' Sabat naman ng kaisipan ko. Bumuntong-hininga muna ako saglit."Rezxca Cale, 22 , from England Elite High." Walang ekspresyon kong pagpapakilala sa aking sarili kaya mas lalong nagbulungan ang lahat. "Ano daw sa England Elite High?" "Diba nandoon lahat ng mga kilalang tao sa Underworld?" "Sh*t totoo? Hindi ba siya nagbibiro tungkol diyan?" "EEH, the most well-known school in Underworld and the most scary school in the whole world." "Matinding kalokohan. Sa lahat ng joke na narinig ko, sa kaniya ako natatawa nang sobra AHAHAHA!" "Are you sure Ms., if it's true. Then why bring you here? We know that EEH known in the whole wide world? Right? Or you just making fun on us?" takang tanong ni Ma'am kaya binigyan ko lang siya nang blangkong tingin. 'Anong akala niya sa 'kin nagloloko lamang sa ganitong oras? Tsk!' Mas lalo tuloy siyang namutla sa aking ginawa. Nakarinig din ako nang mahihinang pagkagulat sa ibang mga studyante. May nagsabi pa na ' She's Creepy.' kahit hindi naman totoo. "To know if the students in this school is not that typical normal students." Lumingon ako sa mga studyante na hindi pa rin maintindihan ang sinabi ko. "Huh? Can you explain briefly?" "Tsk." Napaismid pa ako bago ko simulan ang aking sarili sa pagpapaintindi sa kanila. "Nandito ako para tingnan ang mga studyante sa Elite High. At kung ano ang rason? Malalaman ninyo sa takdang panahon. Magiging kaeskwela ninyo ako sa dalawang linggo o higit pa. Kaya magpasensyahan muna tayo habang nakikita pa ninyo ako." "Totoo nga!" "Hala paktay!" "Lagot tayo riyan!" "Kilala di ba ang mga studyante ng England Elite High na mga walang halang sa pagpatay at pagpapahirap sa mga gusto nilang saktan hindi ba?" "May naririnig din ako na kapag lumabag ka sa utos o kinalaban mo ang President nila na hindi natin kilala. Kahit nasa ibang school ka paparusahan ka pa rin niya hanggang sa mawala ka." "Hanla! Katakot naman pala sila!" "Matakot kayo kung siya mismo ang papasok dito. Hindi lahat ng studyante sa EEH masasama! May mga mahihina rin. Mga nagpapauto kasi kayo!" May isang tao ang nagsalita ng ganon. Kung kaya tiningnan ko ito, napansin kong ito 'yung babae na nanakit sa dalawa. Napangisi naman ako sa aking sarili. Hindi na ako magtataka kung ganito ang asta niya sa akin. Tutal naman wala naman talaga siyang pakealam sa mga nakapaligid sa kaniya. May narinig pa ako noon na siya raw ang 'Queen B' sa school na ito. Kaya ang lakas niyang magsalita. "Tsk." Mahinang sambit ko na lang at tiningnan ang guro na ito na parang walang alam sa buhay kundi ang tingnan ako nang maigi. "Can I sit now? Or you just starring me like an idiot one?" "O-okay you may now seat beside..." Palingon-lingon pa siya sa buong paligid hanggang sa mapadako ang tingin sa isang bakanteng upuan."...Mr.Huang." Turo niya sa lalaking blangko lang ang tingin sa akin. Binigyan ko rin siya nang blangkong tingin at saka lumapit sa kinaroroonan niya. Pansin ko pa rin ang titig niya. Hanggang sa aking pag-upo sa tabi niya ay hindi niya tinitigilan ang sarili na tingnan ako. "Stop starring at me. You don't know that it's bad." Binalingan ko siya ng may makahulugang tingin. Nagkibit-balikat lang siya at saka lumingon na sa harapan. Akala ko hindi na niya ako papansin pa. "I don't care, Stupid." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Pero hindi na ako nagsalita pa. Sayang lang ang oras at saka hindi naman big deal sa akin na may magsabi ng 'stupid'. Wala ako sa storya sa libro na kalalabanin ang lalake tapos sa huli maiinlab dito? 'Really? Nakakasukang pangyayari.' Nilibit-libot ko na lang ang sarili ko sa buong paligid. Hanggang sa mapadako ang aking paningin sa katabi namin sa unahan. Nakita ko ang dalawang nilalang na binully kanina na nakayuko lamang sa kanilang upuan. Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari kaninang pagpasok ko sa loob. Wala man lamang sa kanila ang umangat o nakipagsabayan sa mga kaeskwela. Para silang mga maaamong tupa na pinalamon ng pagkain na masarap. Nakakaawa't nakakainis na pangyayari. Kinukulikot ng babae ang kaniyang daliri. Habang ang lalaking nerd naman ay nakayukom lamang ang kaniyang kamao. Hindi pa rin pala sila nagbabago. Kahit na ilipat natin nang ilipat ang mga nakaraan, hindi pa rin mawawala na sila ang may pinakamay-kasalanan sa lahat. Napayukom ang aking kamao. Pumikit ako saglit para mawala ang galit ko. Kapag nakikita ko talaga sila, gustong-gusto ko na silang saktan kagaya ng ginawa nila. Pero bakit may parts pa rin sa akin na hindi ko kaya? 'Tang*na nagiging mahina na naman ba ako?' Napatigil ako sa pag-iisip ko at saka napadilat. Taka akong lumingon sa katabi ko. "What?" Tanong ko rito dahil sa pagtuktok niya sa ulo ko gamit ang ballpen. "Nothing. The teacher already discussing." Napangiwi na lang ako sa sinagot niya. 'Ano bang meron sa lalaking ito?' Hindi na ako nagsalita pa. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa teacher. "Okay...dahil may new classmates kayo ipapakilala ko lamang ang aking sarili. I'm Ma'am Sandra Rollen, your advisory teacher and also your Battle teacher. Please be kind to each other, okay?" Napailing naman ako sa kaniyang sinabi. 'A battle teacher? Kind to each other? What a joke one. Hindi mangyayari ang bagay na iyan.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD