REZXCA'S POV:
Sa mahabang paglalakad ko nakarating ako sa Dean Office na humigit sa kalahating oras. Inabot ako ng alas otso sa pagpunta lamang dito.
Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses. Naghihintay ng sasabihin ng nasa loob.
"Come in. It's open." May halong seryosong pagkakabigkas ng Dean sa loob.
He has this voice na parang babae kung magsalita. Malumanay na seryoso.
Itinigil ko muna ang pag-iisip ko sa Dean at saka hinawakan ang door knob. Pinihit ko iyon at binuksan ang pintuan ng malaki para sakto lang upang makapasok ako sa loob.
Nang tuluyan na akong makapasok sa Office. Nakita ko ang isang lalaking hindi malalayo ang aming edad. Ngunit mas matanda pa rin ang itsura niya kaysa sa akin.
Mahahalataan sa kaniyang suot na puting polo at salamin na seryoso siyang tao. Pati na rin ang boses niya kapag sasamahin. Hindi lamang dahil sa kaniyang suot kundi sa paraan kung paano siya tumingin.
Ang kulay asul na mga mata nito, makikitaan nang pagkablangko. Maging ang kaliwang kilay nito na nakataas na ngayon. Ang buhok na ayos na ayos na parang inspired na manamit nang maayos.
"Good morning Ms.?" unang bungad na salita niya sa akin.
"Rezxca Cale."
Napatango-tango naman siya at waring hindi makapaniwala. "Welcome to Elite High Ms.Rezxca. How old are you?"
"22"
"Where you came from?" Tanong nya habang nagtatype sa kaniyang laptop.
Parang totoo naman ang ginagawa niya kung para sa iba. Pero sa akin, hindi.
"Inferno." Napalingon naman siya sa 'kin nang hindi makapaniwala.
"Really Inferno? Kumusta ang init dito?"
"Something good to me. I like it and will always want to be with."
"Nice, so why did-"
"Stop." Tigil ko sa sasabihin na naman niya.
'Pinaglalaruan ba ako ng gagong ito?'
Mukha naman na nagulat siya sa ginawa ko.
" Why? I'm still-"
"Try to ask me again. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." May pagbabanta ko na sabi habang nakatutok sa kaniyang noo ang baril ko.
Palagi kong dala-dala ang baril ko kahit saan. Lagi itong nakalagay sa aking beywang dahil may lalagyan naman.
"I-I'm...I'm just kidding Cale." Medyo nauutal na sagot niya sa sinabi ko. Ngayon ay tuluyan na niyang nasambit ang pangalan ko.
Malamig ko naman siyang tiningnan at saka binalik ang baril sa lalagyan nito.
"Tsk."
"Why are you here anyway?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"You already know. Don't ask me stupid question."
"Yeah yeah...cold as ever so what's your plan? I know hindi ka ililipat dito kung wala lang diba?"
'Tsk! Kakasabi ko pa lang na alam na niya. Uulitin pa niya?'
"Stupid." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang noo."I need to go."
"Huh? Need to go agad? Wala man lamang ba na, ' Where I should gonna find my room? What room I'm in?" Nagtataka niyang sabi.
Napataas naman ang kilay ko roon. " I already know, I'm just here to see you."
"Aww...so sweet my Cale." Papikit-pikit pa ang mata nito habang nakayakap sa kaniyang dibdib.
Ganito lagi ang ginagawa niya kapag nagpapa'cute siya sa akin.
"You're not cute. You're stupid." Huling sambit ko at kumaway na lang sa kaniya matapos akong tumalikod.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng kaniyang opisina. At hindi na muli pang nilingon siya.
Narinig ko naman ang sigaw niya. "WALA BANG I MISS YOU?"
Napailing naman ako sa mga kataga na iyon. Kailan ko naman sasabihin iyon?
Wala akong balak na magpakacheesy.
Kahit na ilang taon akong umalis ng bansa para lumipat sa England at doon mamuhay at magsanay. Hindi pa rin magbabago kung sino ba ako, kung sino ba ako noong mga panahon na nawasak ako.
Pero, nakakamiss din pala ang isang 'yon kahit na minsan paiba-iba ang kaniyang mood at ugali.
'Para siyang baliw na nakawala sa mental hospital.'
***
Malayo na ako sa Dean Office, hinanap ko ang daan papunta sa magiging silid-aralan ko.
Sa pagkakaalam ko nasa Commoner Class ako nakabase. Dito nilalagay ang mga transferee sa Elite High o hindi kaya ay mga basag-ulo at mga mahihinang tao. Malilipat lamang ang iyong room kapag nakapasa ka sa activity na gagawin ng Dean. At nabago mo ang ugali mo.
'Pero mostly, mas lalong nagiging masama ang isang tao kapag pinaramdam dito na walang pake ang mga guro. At tinatapakan lamang sila ng mga kapwa nila studyante rin.'
"Commoner Class this way➡." Basa ko sa nakapaskil sa may puno.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang daan na ito. Sobrang dami ng mga puno na nakapalibot, hindi tulad sa ibang room sa lowest class at higher class na kokonti lang. Mas elegante pa nga roon, may mga design sa bawat room at ang iilang puno ay pininturahan din para mas lalong cool tingnan.
Samantalang dito, ibang-iba talaga.
May mga nakapaskil sa bawat puno na nadadaanan ko. Puro mga hugot ang iba at ang iba naman ay may kahulugan na salita.
Kumbaga isang demonic quotes. May salitang latino, english, tagalog at hapon.
'Sinadya ba itong ilagay?'
Sa isip-isip ko. Napatigil naman ako saglit at napahawak sa coat ko na may bulsa. Nakapwesto ito sa may beywang ko.
Ngayon ko lamang napansin ang pag'vibrate ng aking telepono. Ibig sabihin kanina pa pala may tumatawag.
Kaya kinuha ko ito sa loob ng bulsa ng coat ko at tiningnan ang caller.
~Jake calling...~
"Hmm..." Sagot ko sa tawag niya.
Nilagay ko pa sa tenga ko ang cellphone ko upang marinig ang sasabihin ni Jake.
(Cale I have a bad news, tungkol ito sa pamilya mo.)
Nang banggitin niya iyon, bigla kong naalala ang dalawang taong pinapahirapan ng isa sa mga elite. Dalawang tao na malapit sa buhay ko.
Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa labis na galit na nararamdaman ko. Pumikit ako saglit upang maayos ko ang paghinga ko.
"I already told you to stop searching them." Malamig kong turan habang nakapikit pa rin.
(Please Cale, you really need to know what happened to them. Baka ito na rason para maging malinaw na sa iyo ang lahat. Hindi mo rin ba sila namimiss?)
"Hindi." Walang ekspresyon kong sagot sa tanong niya. Narinig ko sa kabilang linya kung paano siya mapabuntong-hininga.
Kahit anong rason pa iyan, kahit na magmakaawa o umiyak sila sa harapan ko. Ang mga nangyari noon, ang kinalimutan kong eksena ay mananatili na lang sa nakaraan, maging sila ay wala na.
(Hindi ako nanghihimasok sa buhay mo 'a. Pero pamilya mo pa rin sila, kailangan mo silang patawarin sa ginawa nila sa iyo.)
"Patawad?! Ganon lang ba kadali na kalimutan ang lahat huh! Sinaktan nila ako! Pinagmukha nila akong masamang tao sa iba. Pinagtawanan at hindi pinaniwalaan. Ganon bang klase ang pamilya, hindi! Wala akong kilala kahit na isa sa kanila. Wala na akong pake sa kanila. Tandaan mo iyan!" Babaan ko na sana siya ng tawag nang marinig ko ang mabilis na salita niya.
Naiinis ako. Nagagalit ako kapag naalala ko iyon. Pamilya kami, magkakasama kami pero dahil sa babaeng iyon masisira ang lahat. Mas pinaniwalaan nila ang iba kaysa sa sariling kadugo nila.
'Wala akong pamilya na ganon ang tingin sa sariling kapatid at anak nila.'
(They badly needed you!)
"I am too! I badly needed them in my miserable life, but where they are? Bonding with others and laughing like they don't have a problem. Tsk! I'm pissed. Don't talk to me for now." Binabaan ko na siya ng tawag at mabilis na sinuntok ang puno na nasa harapan ko.
May naramdaman din ako na mainit na likido na marahang bumagsak sa pisngi ko. Hanggang mapansin ko na lang na nasa may bandang dibdib ko na ito.
Agaran ko naman itong pinunasan. Hindi dapat ako nagiging mahina dahil lamang sa kanila. Ipapakita ko sa kanila na hindi na ako ang dating Empress na kilala nila.
Maghihiganti ako sa ginawa nila. Wala akong pamilya na kaya akong laitin, pahiyain at saktan sa murang edad ko lang.
Nagpahinga muna ako saglit. Inaalis sa aking isipan ang galit.
Matapos akong makapagpahangin ay naisipan ko naman na umalis na muna. Hindi na muna ako papasok sa ngayon, baka hindi ko makontrol ang sarili ko at mapatay ko pa ang mga involve sa miserable na buhay na ito.