GANOON ba?Ang suwerte niyo naman.Pero sakop pa ba ng lupain niyo ito?"medyo curious kong tanong sa kanya.
"Oo naman.Nasasakupan pa din namin ito,"sagot naman nito
"Weh?Hindi nga?"halos mapanganga ako sa narinig.Hindi lang ako makapaniwala.Ang layo na kaya dito pero sinong mag-aakalang pag-aari pa pala nila ito.Ang pagkakaalam ko kasi hanggang sa palaisdaad lang ang hangganan ng lupain nila. Pero hanggang dito pala kanila.
"Nagtaka ka pa.Alam mo namang malawak talaga ang mga lupain ng mga Rosales."
"Hindi lang kasi ako makapaniwala. Sinong mag-aakalang Haciendero ka pala," pang-aasar ko sa kanya.
"Baliw!" anitong kinutusan ako sa ulo.
"Aray ko naman,"natatawang reklamo ko. Pero hindi naman masakit yong ginawa niya.
Mayaman kasi talaga ang pamilya ni Drew. PLalo na sa side ng Papa niya.Pero hindi lang kasi napaghahalata. Simple lang kasi sila. Hindi nagyayabang. Yon na kasi ang kinaugalian nila.Kaya tuloy ang akala ng iba pangkaraniwan lang din ang uri ng buhay na meron sila.
"Doon muna tayo pansamantala."Itinuro nito ang isang mayabong na puno sa gilid.Nagsimula siyang maglakad papunta doon kaya naman sumunod na lang ako sa kanya.
"Madalas ba kayong magpunta noon ni Celine dito," mayamaya'y tanong ko sa kanya. Naupo ako sa malaking bato na naroon.Si Drew naman ay binuksan ang dalang backpack at tila may kinukuha doon.Mayamaya'y inilabas niya doon ang isang mahabang tela at nagsimula niya 'yong ilatag sa ilalim ng puno.
"Oo.Tuwing sabado noon lagi kaming nandito.Masayang-masaya nga siya kapag nagpupunta kami dito,eh."Naupo ito agad sa kalalagtag niya lang na tela.Sinenyasan niya akong maupo sa tabi niya.Sumunod naman ako sa kanya habang lihim siyang pinagmamasdan.
"Sigurado marami kayong mga alaala dito, no?" Ewan ko kung tanong ba yon.
"Kung alaala lang, dito talaga naipon lahat ng mga 'yon. Dito kami madalas magpuntang dalawa," sagot nito.
Napatango-tango na lang ako.
"Kaya ba parang mahalaga sayo ang lugar na ito?"
"Napamahal na kasi kay Celine ito.Kaya natural lang na pahalagahan ko din,"nakangiting sabi nito.
"Namimiss mo na naman siguro siya?"
Kaya siguro siya biglang nag-aya dito dahil naaalala na naman niya si Celine.Bukambibig niya kasi mula kanina pa.
"Sobra.Walang oras na hindi ko siya naaalala." Hindi nakaligtas sa akin ang pait sa tinig nito.Kitang-kita ko rin ang biglaang paglungkot ng mga mata nito.
Mapait akong ngumiti
Halata sa kanyang hindi pa rin ito nakkamove on.
"Nalulungkot ka na naman.Pati tuloy ako hahawaan mo niyan,eh,"biro ko sa kanya.Nagbabakasakali akong makatulong 'yon kahit papaano.
"Pasensiya ka na.Hindi ko rin kasi maiwasan,eh."
"Okay lang 'yon.Naiintindihan ko naman."
"Gusto mo bang maligo?Masarap na kasing maligo lalo na at mainit na ang sikat ng araw."
"Mamaya na lang siguro muna ako.Mauna ka na lang."Wala pa kasi ako sa mood maligo.
Hindi na niya hinintay na sumagot ako.Nagsimula na itong sabuyan ako ng tubig.Kaya no choice na din ako kundi lumusong na din sa tubig.Tumatawa ito habang pinipilit ko siyang habulin para din sabuyan.Para tuloy kaming mga bata.Masayang-masaya kami pareho habang patuloy sa pag-aasaran at paghaharutan.Panay pa rin ang pagsasaboy niya sa akin ng tubig habang ako naman ay halos hindi makaganti sa kanya.Ang lakas ng tawa nito habang pinapanood niya akong walang magawa sa kanya.Nakakagaan lang talaga ng loob na makasama ko uli siya at makitang masayang-masaya.
Halos isang oras din kaming nagbabad sa tubig.Nang mapagod kami ay umahon na din kami at bumalik sa ilalim ng puno.Pareho muna kaming naupo sa may batuhan at nagpapatulo na tubig sa katawan.Basa kasi kami pareho kaya hindi kami pwedeng maupo sa inilatag nitong tela.Mayamaya'y tumayo ito at may kinuha sa backpack nito.Pagbalik ay may dala na itong dalawang lunch box at dalawang mineral water.
"Pagtiyagaan muna natin ito.Mamaya na lang tayo kumain ng marami pag-uwi natin."Iniabot nito sa akin ang isang lunch box at mineral water.
"Salamat,ah."Hindi ko alam kong anong inilagay nito doon kaya binuksan ko 'yon kaagad.
Pansit!Haay naku!Hindi na lang sana spaghetti.
Hmpft!Nagtaka pa kasi ako.Siyempre favorite niya,eh.
"Pasensiya ka na.Alam kong gusto mo ng sphagetti pero hindi pa kasi nailuto.Pansit pa lang ang naluto ni Nanay kaya ito na lang ang kinuha ko."
"Okay lang.Hindi naman ako nagrereklamo,eh,"nakaingos kong sabi.Pero sa loob-loob ko ay naghihimutok ako.Hindi kasi ako masyado sa pansit na gustong-gusto naman ni Drew.Kaya lang wala na akong magagawa,eh kundi kainin na lang ito.Medyo gutom na din kasi ako.
Tahimik kami pareho habang kumakain.Pero may napapansin akong kakaiba kay Drew.Manaka-naka kasi'y napapasulyap ito sa akin.Tila may tinitingnan ito sa akin na hindi ko alam.O baka 'yong pagsubo ko ang tinitingnan niya. Gutom kasi ako kaya medyo malalaki 'yong pagsubo ko.So what?Pakialam niya.Subukan niya lang akong punahin at talagang uumbagin ko ang pagmumukha niya.
Pagkatapos naming kumain ay nag-aya na ako sa kanyang umuwi.Pagod na din kasi ako kaya parang gusto kong ihiga ang katawan ko.
"Uuwi kang ganyan?"puna nito.Hindi na kasi ako nagpalit ng damit.'Yong basa ko pa ring damit ang suot ko.
"Eh,ano naman?Magpapalit na lang ako pag-uwi natin."
Umiling ito."Ngayon ka na magpalit.Ayaw kong sabihin ito pero bumabakat kasi ang dibdib mo diyan sa basa mong damit. Baka marami ng tao sa farm mamaya kaya nakakahiya kong umuwi kang ganyan doon.Kanina ko pa 'yan napapansin pero nahihiya lang kasi akong magsabi sayo."
'Oh s**t!'
"Sigurado ka?"tanong nito.
Tumango lang ako sa kanya.
Tinanggal lang ni Drew ang suot na pang-itaas at agad ng lumusong sa tubig.Ako naman ay tumayo at naupo sa isang bato malapit sa umaagos na tubig.Tinanggal ko ang suot kong rubber shoes at isinawsaw ko sa umaagos na tubig ang dalawa kong paa.Ang sarap sa pakiramdam.Mainit na kasi ang tubig.Kaya parang maganda na talagang maligo.
Mula sa kinaroroonan ko ay lihim kong pinapanood si Drew.Abala ito sa paglangoy ng mga oras na 'yon.Ang gwapo-gwapo niya talaga.Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong nahihirapan sa nararamdaman ko sa kanya.Gusto ko na 'yong ibaon sa limot pero hindi pala ganun kadali.Hindi ko nga alam ko magagawa ko ba talagang itapon na lang 'yong damdamin ko sa kanya.Sa tingin ko kasi hindi ko kaya,eh.Siya kasi ang nag-iisang one true love ko.Buong buhay ko wala akong minahal na lalaki maliban sa kanya.Sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanya parang nakalimutan ko na ring mahalin ang sarili ko.Kahit umiyak at masaktan ako ng paullit-ulit ay tila balewala na lang 'yon sa akin.At kahit nga magpakatanga na ako okay lang.Mahal na mahal ko kasi talaga siya.Kaya lahat kaya kong gawin at tiisin para sa kanya.Ang problema nga lang kahit ako na siguro ang huling babaeng matira dito sa mundo hindi pa rin niya ako makikita.Hindi niya ako kayang mahalin ganun lang kasimple 'yon.Masakit pero naging manhid na din kasi yata itong puso ko,eh.Kaya minsan halos wala na din itong maramdaman.Nasanay na kasi.Nasanay ng paulit-ulit na masaktan...Naisip ko tuloy kung hanggang kailan ko kayang itago kay Drew ang nararamdaman kong ito sa kanya.Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ang best friend niya ay in love sa kanya.Pero alam ko na ang sagot dun.Kaya talagang natatakot akong malaman niya.Sana lang tulungan ako ng Diyos para magawa ko pa itong itago sa kanya hanggang sa tamang panahon na kaya ko ng ipagtapat ang totoo.Gusto ko kasing maging handa ako. Para kahit anong pang mangyari madali ko na lang na matatanggap 'yon.
"Masyado yatang malalim 'yang iniisip natin,ah."
Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ni Drew.Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harap ko ng mga oras na 'yon.Halos mapanganga pa nga ako sa hitsura niya.Hindi ko tuloy maiwasang tumitig sa kanya.Basang-basa ang buong katawan niya at tumutulo pa ang tubig sa buhok nito.Para tuloy akong namamalikmata.Kahit saan mo siya tingnan ay wala kang maipipintas sa kanya.Umaapaw talaga ang kagwapohan ng lalaking ito.Dark wavy hair,chocolate brown eyes na binagayan ng makakapal na kilay,matangos na ilong,magandang katawan at ang mapupulang labing 'yon.Napalunok tuloy ako ng ilang beses.At tila naman tuksong bumalik pa sa isip ko ang hindi sinasadyang kiss na 'yon nung nakaraan.Nakakainis talaga.
'Oh s**t!Ano ba itong mga iniisip ko.C'mon,Allycia umayos ka nga.'