9

1310 Words
"Maganda nga 'yon para malaman na niya,eh. Kung bakit ba naman kasi hindi mo pa sabihin sa kanya na mahal mo siya. Mamaya niyan may mauna na naman sayo.Tiyak iiyak ka naman sa tabi niyan kapag nagkataon. Hanggang tingin-tingin na lang sa malayao ang gagawin mo na naman." Hindi ko alam kung pinagpapayuhan ba niya ako o sinesermunan.Pero ipinagkibit balikat ko na lang 'yon. "Tita naman...!" "Bakit?May mali ba sa sinabi ko?"nakangiting sabi nito."Ako na siguro ang pinakamasayang nanay sa buong mundo kung magkatuluyan kayong dalawa ni Drew. Alam mo naman talagang butong-buto ako sayo di ba?" "Hindi po mangyayari ang bagay na 'yon. Alam niyo naman pong hanggang kaibigan lang ang turing sa akin ng anak ninyo,"nakanguso kong sabi. Totoo naman, e. Tumawa ito."Alam mo anak hindi din natin alam kung paano tayo laruin ng tadhana.Tingnan mo na lang ako at ng Tito mo. Hindi kami magkasundo niyan at laging nag-aaway.Mayabang kasi ang Tito mo noong mga panahong nag-aaral pa lang kami.Palibhasa gwapo kasi nung kabataan niya. Pero tingnan mo naman ngayon. Ang daming nangyari sa pagitan namin pero sinong mag-aakalang kami din lang pala ang magkakatuluyan. Kaya malakas ang paniniwala kong kayo ni Drew ang itinadhana rin sa isa't-isa. Itaga mo 'yan sa bato." "Hala si Tita, kung ano-anong pinagsasabi. Siyempre iba naman ang kuwento niyo ni Tito. Iba din sa amin ni Drew. Pero hanggang best friend lang po talaga kami." 'Hindi kaya nasobrahan na si Tita sa pagiging supportive sa akin kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi niya na hindi naman sana dapat.' "Huwag kang magsalita ng ganyan bata ka at baka balang araw pasasalamatan mo din ako. Lalo na kapag napatunayan mong totoo ang lahat ng sinasabi ko." "Si Tita talaga. Kung ano-anong iniisip." Magsasalita pa sana ito pero siya namang lapit ni Drew sa amin. "Gusto mo bang pumunta sa talon?"tanong ni Drew sa akin.Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Tita Mia at parang sinasabi nitong "go".Haay!Si Tita talaga.Mas grabe pa yatang mag-isip ang mga matatanda ngayon kaysa kaming mga kabataan.Konting bagay lang bibigyan na kaagad ng ibang kahulugan. "Talon?Okay sige."Pero tama ba ang dinig ko?Sa pagkakaalam ko kasi ay wala namang talon dito sa farm nila. "Pasyal lang tayo tapos maligo na din kung gusto mo. Saka tayo bumalik kapag tanghalian na," anito. "Sige ikaw ang bahala," kibit balikat kong sabi. "Saglit lang,ah.Kukuha la ng ako ng pwede nating meryendahin doon para hindi naman tayo magutom."Bumalik uli ito sa mesa at tumingin ng pwede naming baunin doon. "Mag-enjoy kayo,ah,"sabi ni Tita na kumindat pa sa akin bago tumalikod at sumunod kay Drew. Lalo akong namula dahil doon.Mukhang iba yata talaga ang tumatakbo sa isip ni Tita nung mga oras na 'yon.Pero hindi ko na lang masyadong pinansin 'yon dahil tiyak guguluhin lang niyon ang isip ko.Kaya naman lumapit na lang ako kay Tito na kampanteng nakaupo sa rocking chair para batiin ito. "Tito,happy birthday po." "Thank you,hija,"nakangiting sabi nito."Ang bilis ng panahon.Hindi na talaga maikakailang tumatanda na ang tao." Napangiti ako sa sinabi niya."Hindi bale, pogi pa din naman kayo,Tito." Hindi yon bola. Totoo yon. Guwapo pa rin talaga si Tito kahit may edad na. Tiyak marami din itong pinaiyak na babae noong kabataan nito. Sa kanyaminana ni Drew ang gandang lalaki nito.Sila kasi ang magkamukha. .Kawawa nga si Tita kasi wala man lang kamukha sa mga anak niya.Si Kuya Enrique kasi medyo kamukha lang ng kunti niTito. Sobrang gwapo kaya niya.Binansagan kaya siyang Kurt Hugo Schneider ng Pilipinas.Kamukhang-kamukha kasi niya.Ang ipinagkaiba lang nila ay 'yong kulay ng mata.Pretty brown eyes kasi ang kay Kurt samantalang si Kuya Enrique itim naman.Saka idagdag pang walang kaalam-alam sa musika si Kuya. Doon naman siya tinalo ni Drew na bata pa lang nasa puso na ang musika. Paangarap niya kasing magkaroon ng sariling banda balang araw. "Kung papogihan din lang hindi naman ako pahuhuli.Kahit may edad na ako habulin pa rin ako hanggang ngayon,"pagmamalaki nito. "Hay naku!Nagyabang na naman po ang matanda."Si Drew na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala. Dala na niya ang basket na kinalalagyan ng baon namin. "Kontrabida talaga ito.Pagbigyan mo na lang si Tito at birthday naman niya." Ang sarap kutusan, e. "Joke lang 'yon,Papa.Alam mo namang mahal na mahal kita,eh,"lambing naman kaagad ni Drew. "Alam mo,anak hindi ako nagmamayabang kasi totoo naman ang sinasabi ko.Sa mukhang ito nga nabaliw ang Mama mo sa akin," pagyayabang pa rin ni Tito. Nagkatinginan na lang kami ni Drew saka sabay pang tumawa.Hindi na lang namin kinontra si Tito. Pagkatapos magpaalam sa mga magulang ni Drew ay umalis na kami. Akala ko malapit lang 'yon pero twenty minutes na kaming naglalakad ay hindi pa rin kami nakakarating.Halos pagod na akong naglalakad at masakit na 'yong paa ko pero hindi ko magawang magreklamo kay Drew.Buti na lang kamo naisipan kong magrubber shoes.Ang nakakainis pa ang bilis-bilis maglakad nitong kasama ko. Akala mo may hinahabol. Ako tuloy ang nahihirapang sumabay sa kanya. "Malayo pa ba,Drew?"tanong ko.Kailangan kong isigaw 'yon dahil medyo malayo ang pagitan namin sa isa't-isa nung mga oras na 'yon.Narinig naman niya 'yon.Tumigil ito sa paglalakad at nilingon ako. Hindi nito pinansin ang sinabi ko. "Wala ka na bang ibibilis diyan?" Kahit malayo ako sa kanya ay nakikita kong nakasimangot ito.Naasar na marahil ito dahil napakabagal kong maglakad.Kaya naman kahit pagod na ako ay napilitan na lang akong tumakbo para lang maakaabot sa kanya. "Hindi ko na yata kaya."Panay na ang hingal ko sa sobrang pagod.Buti na lang hindi pa masyadong mainit sa balat ang sikat ng araw.Hindi ko na talaga kakayanin kapag nagkataon. Mahina kasi ako sa araw. Madali akong mahilo. "Hay naku!Aabutin yata tayo ng isang taon kung ganyan ka kabagal."Inabutan niya ako ng mineral water.Agad ko namang ininom 'yon.Uhaw na uhaw na talaga ako kaya halos naubos ko na 'yon.Itinapon ko na lang sa gilid ng kalsada ang plastic bottle na wala ng laman.Saka uli namin ipinagpatuloy ang paglalakad. "Pagod na kaya ako.Hindi mo man lang kasi sinabi na malayo pala,"reklamo ko."Ginamit na lang sana natin 'yong motor ni Kuya Enrique. Siguro ngayon nandoon na sana tayo. "Enjoy kayang maglakad.Saka malapit lang kaya.Ang bagal mo lang kasi,"pang-aasar nito sa akin. "Malapit ka diyan.Kita mo nga hindi pa tayo nakakarating 'di ba?" Babatukan ko na to, e. Napailing ito."Talo ka pala ni Celine.Hindi 'yon nagrereklamo kapag pinupuntahan namin 'yong talon.Nakakasabay pa nga siyang maglakad sa akin,eh." Natahimik ako bigla.Naalala na naman niya si Celine.Ibig bang sabihin nun lagi niyang dinadala si Celine sa talon na sinasabi nito.Samantalang ako ngayon pa lang niya dadalhin sa lugar na 'yon? Siguro dating lace nilang dalawa yon. "Pasensiya na.Hindi kasi ako si Celine."Sinadya kong ngumiti sa kanya para hindi ako magmukhang apektado sa sinabi niya. At para hindi rin maging negative yong dating sa tenga. "Huwag kang mag-alala malapit na tayo.Medyo madulas 'yong dadaanan natin kaya ingat lang,"sabi nito ng pumasok kami sa isang makitid na daan.At tama nga siya, talagang madulas 'yong daan lalo na nung pababa na kami.Kinailangan pa akong alalayan ni Drew nung mga oras na 'yon.Marami din kasing malalaking bato sa gilid kaya nakakatakot talaga kapag nadulas dito. Puwedeng-puwede kang mabalian ng buto kapag nagkataon. Kaya kilangang magdoble ingat. Ilang sandali pa nga ay narating na namin ang sinasabi nitong talon.Diyos ko!Sobrang ganda ng lugar.Ang linis ng tubig na bumabagsak galing sa taas.Parang ang sarap tuloy maligo.Sulit na sulit ang pagod at hirap ko sa pagpunta dito.Buti na lang talaga sumama ako sa kanya. "Sobrang ganda naman dito."Manghang-mangha pa din talaga ako ng mga oras na 'yon.Kulang na lang ay mapanganga na ako. "Sabi na nga ba magugustuhan mo dito,eh."Nakangiti siyang nakatingin sa akin at tila nawiwiling panoorin ang reaksyon ko. "Nakakagulat lang.May malaparaisong lugar palang nakatago dito.Pero teka lang paano niyo ba nadiskubre ang lugar na ito?" "Si Kuya Enrique at ako ang nakahanap sa lugar na ito,"pagmamalaki nito. Magandang gawing piknikan ang lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD