8

1379 Words
Kinabukasan nga ay pumasok na si Drew kaya naman sobrang saya ko.Salamat sa Diyos dahil naliwanagan na din ang isip niya at napagtanto kung anong mas tamang gawin sa buhay niya.Alam kong nahihirapan pa din ito pero kinakaya na lang niya.Hindi madali pero kailangan niyang magpakatatag kung gusto niyang makalimot at magsimula ng panibagong buhay. Lalapitan ko sana siya ng mga oras na 'yon pero bago ko pa 'yon nagawa ay nauna na sa akin ang maharot na si Christina.Naupo ito sa tabi ni Drew at todo ang ngiti habang panay ang pacute nito kahit hindi na nga pinapansin nung tao. 'Nakakainis!Umeksena na kaagad ang bruha!' "Dito ka na lang sa tabi ko para may makausap ako."Alam ko na kung kaninong boses 'yon kaya hindi ko na kailangang lingunin ang nagsalita.Ayaw ko sanang makatabi ang mokong na ito pero parang wala akong choice ngayon.Pagtitiyagahan ko na lang siguro muna siya ngayon. "Yes sir!"sabi kong nakasimangot at naupo na lang sa tabi ni Rafael. "Ang aga-aga nakasimangot ka na naman." "Alam mo naman kung bakit 'di ba?" Napabuntong-hininga ito saka tumawa."Hayaan mo na lang kasi siya.Siyempre namiss din niya Drew." "Tse!Ewan ko sayo,"inis kong sabi sa kanya. "Pero masaya ka siguro ngayon para kay Drew,"nakangiting sabi nito. "Oo naman .Buti nga nakapag-isip din ng tama sa sarili niya." "Kaya nga.Sana lang unti-unti na rin siyang makalimot..." Ngumiti lang ako sa sinabi niya.Sana nga... Magsasalita pa sana ako kaya lang pumasok na ang teacher namin.Haay!Heto na naman po ang napakaboring naming subject.Kahit umagang-umaga maraming inaantok sa subject na ito.Makaantok at talagang sobrang boring kasing magturo si Ma'am Sarah.Siya ang masungit at matandang dalaga na teacher namin.Ewan ko ba pero wala talaga akong natutunan sa klase niya at marahil ganun din ang iba kong kaklase.Nauubos kasi ang oras namin sa kanya sa paulit-ulit nitong kwento sa lalaking minahal niya pero nang-iwan at nanloko naman sa kanya.Matagal na panahon na 'yon pero hanggang ngayon hindi pa rin niya magawang patawarin 'yong lalaking 'yon.Ni hindi na nga siya nagmahal pagkatapos ng nangyaring pang-iiwan sa kanya.Kaya tumandang dalaga.Oh my gosh!Ang bitter niya kaya.Pero makikita mong hanggang ngayon parang mahal pa din niya 'yong manlolokong lalaking 'yon.Gusto ko sanang tumawa pero pinigil ko na lang ang sarili ko.Natural umibig,eh.At naiintindihan ko naman siya sa bagay na 'yon.At heto nga po...nagsimula na naman siyang magkwento... 'Hindi ko na lang sana pinasukan ang subject niya.' Sabado ngayon at inaaya ako ni Drew na sumamang magpicnic sa farm nila.Birthday kasi ng Papa niya ngayon at gusto ng mga magulang niya na pumunta din ako.Hindi sa pagmamalaki pero hindi na rin kasi iba ang turing nila Tita at Tito sa akin.Wala kasing anak na babae ang mga ito kaya tila natutuwa sila sa akin.Dalawa lang kaya ang anak nila at parehong lalaki pa.Si Kuya Enrique ang panganay at isa ng freshman sa college sa kursong Law.Si Drew ang bunso nilang makulit pero mahal naman nila.Pero ewan ko kung pupunta ba ako o hindi.Balak ko din kasi sanang puntahan si Lola sa bahay nila Tito Henry ngayon.Doon kasi ito dumiretso pagkauwi nito kahapon galing ing Amerika.Kaya gusto ko sana siyang makita dahil namimiss ko na din kasi siya.Bibihira lang kasi siyang umuuwi dito sa Pilipinas.At isa pa'y marami akong gustong ikwento sa kanya kaya excited akong makita siya.Kaya lang ang problema naka-oo na ako kay Drew kahapon.Saka tiyak magtatampo ang magg-asawa sa akin kapag hindi ako pumunta.Hmpft!Bahala na nga diyan.Pero ilang sandali pa lang ang lumilipas ay naririnig ko na ang pagtawag nio Drew sa akin sa labas.Kaya no choice na ako.Nagmadali akong kumuha ng white T-shirt at short sa aking cabinet at agad 'yong isinuot.Isang pares din ng damit ang inilagay ko sa backpack ko at ilang persona l na gamit saka mabilis na lumabas. Sa tingin ko mabuti na din siguro ito para makagbonding din kaming magkaibigan.Matagal na din kasi nung huli kaming nagkasama.Kaya naman talagang nakakamiss din.Saka na lang siguro ako dadalaw kay Lola.Hindi pa naman siya agad uuwi,eh.Naabutan ko si Drew sa labas ng bahay na abalang kinukutingting ang cellphone nito.Naglalaro siguro.Sa tingin ko kasi'y nababagot na ito sa paghihintay. "Ano?Tara na?"tanong nito ng makitang palabas na ako ng gate. "Oo ba.Buti nahiram mo 'yan sa kuya mo."Ang tinutukoy ko ay ang single motor na sinakyan nito ngayon papunta dito sa bahay.Noon pa kasi niya hinihiram 'yon sa Kuya Enrique niya pero ayaw namang ipahiram nung isa sa kanya.Madamot sigurong matatawag 'yong ganung ugali niya sa iba pero sa tingin ko naman nag-iingat lang ito.Ito naman kasing si Drew hindi marunong mag-ingat ng gamit.Pero nakakapagtaka lang talaga na ipihahiram nito ngayon 'yon. Ano kayang nakain niya? "Wala si kuya,eh,"nakangiting sabi nito. "Ah,itinakas mo ganun ba 'yon?"Sumakay na ako sa likod niya.Hindi ko tuloy alam kung kakapit ba ako sa kanya o hindi.Alam mo naman naiilang ako.Naririnig ko na nga 'yong malakas na pagtibok ng puso ko,eh.Ang pusong ito talaga walang pakisama. "Hindi.Ipinaalam ko naman po sa kanya.Sige basta ingatan mo lang sabi naman niya."Pinaandar na niya ang motor at agad pinasibad 'yon.Hindi pa ako nakakapit nung mga oras na 'yon kaya kamuntikan na akong mahulog.Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.Kaya naman sa takot kong baka mahulog ako ay napakapit ako bigla sa balikat niya. 'Bwisit na lalaking ito hindi man lang ako inabisuhan.' Narinig ko pa ang malakas niyang tawa.Ang walang hiya nagawa pa talaga niya akong pagtawanan. Nakakainis kasi parang walang pakialam kahit mahulog pa ako.Ang bilis-bilis pa niyang magpatakbo.Pero paano na lang kaya kung nahulog ako kanina.Diyos ko!Hindi ko ma-imagine ang hitsura ko kapag nagkataon.Grabe!Baka 'yon na siguro ang pinakamasaklap na sandali sa buhay ko.At tiyak pati kaluluwa ko magtatago sa kahihiyan kung sakali.Pero masuwerte pa rin talaga ako kahit papaano. "Kumapit ka kasing mabuti.Baka paglingon ko mamaya wala ka na diyan sa likod ko." "Magdahan-dahan ka naman kasi.Kapag nahulog ako dito humanda ka talaga sa akin." "Kaya nga sabi kong kumapit ka 'di ba?Kaya kung mahulog ka kasalanan mo na 'yon.Hindi mo maisisisi sa akin ang bagay na 'yon dahil pinaalalahanan naman kita."Kahit hindi siya tingnan ng mga oras na 'yon ay alam kung nakangiti ito.Kaya lalo lang akong nainis.Pero sa kabilang banda ay natutuwa din ako.Nakikita ko kasing nagagawa na niyang ngumiti ng totoo.Pakiramdam ko kasi parang unti-unti ng bumabalik ang dating Drew na kilala ko.Sabi nga ni Tita Mia natatanggal na din niya 'yong ugali niyang magkulong ng kwarto.Saka kumakain na din daw siya sa tamang oras.Kaya masaya ako para sa kanya. Ilang sandali pa nga ay nasa farm na kami nila Drew.Halos hindi ko nga namalayan,eh.Ang bilis kasi niyang magpatakbo na parang walang pakialam kahit may sakay pa siya sa likod.Walang tao sa loob ng lumang bahay ng dumating kami. Tila abala ang lahat pati na rin ang mga trabahador nila sa palaisdaan.Sila Tito at Tita ay nasa kubo sa likod ng bahay at tinutulungan si Nanay Edith na magluto kaya doon na lang kami dumiretso ni Drew. "Hello, Tita,Tito.Kumusta po?"magalang kung bati sa mga magulang ni Drew.Kumaway lang ako kay Nanay Edith at gumanti din naman ang matanda ng kaway din. "Oh,hija.Buti naman nakarating ka."Si Tita Mia na pansamantalang itinigil ang pagbabalat ng sibuyas at nakipagbeso-beso sa akin saka bumulong na ikinapula ng pisngi ko."Anong update sa inyo ni Drew?" NIlingon ko si Drew ng mga oras na 'yon.At nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang abalang tumitingin sa mga nalutong pagkain na nasa mesa.Akala ko kasi nasa tabi ko pa rin siya kaya talagang kinabahan ako.Mahirap na at baka marinig niya ang pinakatago-tago kung sikreto.Patay ako sa kanya kung nagkataon. "Tita naman.Baka marinig niya.Bumulong ka na nga ang lakas pa,"reklamo ko sa kanya.Mula kasi ng malaman niyang may gusto ako sa binata niya ay hindi na niya ako tinigilan.Tuwang-tuwa ito at todo suporta sa damdamin ko kay Drew.Bukambibig na nga rin niya na botong-boto daw siya sa akin para sa anak niya.Maganda na daw na kami ang magkatuluyan dahil kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.Kaya naman siya ang unang nalungkot ng ipakilala ni Drew sa kanilang mag-asawa si Celine bilang nobya niya.Pero hindi pa rin ito tumigil sa pagbibigay ng payo sa akin.Huwag ko daw sanang isuko 'yong pagmamahal ko sa anak niya kasi naniniwala siyang kami ang itinadhana ng Diyos para sa isa't-isa.Oo nakakataba ng puso na marinig 'yon sa kanya pero imposible ang bagay na 'yon,eh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD